Chapter 10

97 9 3
                                    

The X Clan:
Looking for the
Right Montefieros

The X Clan:Looking for theRight Montefieros

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chae



"Akin na nga!" sigaw sakin ni Chester. Nakikipagtalo siya doon sa isang 1 whole pad paper. Nakihingi lang kasi kami ng papel doon sa kaklase namin dahil nasa classroom parehas yung mga gamit namin. P.E namin ngayon at nasa iisang klase lang ang buong magkakayear level.




"Ako na!! ako na!!" Agaw sakin ni Lester nung papel. Hindi naman siya nahirapang kuhanin yon. Kitang-kita ko pa kung paano nang-irap si Chester! Jusko itong dalawang Gwenivere na 'to mag-aaway pa yata sa harapan ko. Sabay naman kaming napasigaw ni Chester nang akmang didilaan ni Lester iyong papel. Potek ang dugyot!




Naawa siguro samin yung kaklase naming namimigay ng papel kaya binigyan nalang kami ng tig-iisa. 1/4 sheet lang naman ng yellow pad ang kailangan namin. Isa ring tamad 'tong namimigay ng papel eh. Paano 1 whole lang daw ang dinala niya kasi maraming pwedeng paggamitan. At tutal hindi naman namin alam kung anong gagamiting papel 1 whole na ang dinala niya para sure. Hindi nga namin alam na gagamit pala kami ng papel...






"Bwiset ngayon lang ako nakipag-agawan sa isang pirasong papel sa tanang buhay ko. Kambal naghihirap na ba tayo?" seryosong sabi ni Lester na siyang ikinahagalpak ko naman ng tawa. Okay, masyado akong masaya ngayon.






"Wait seryoso kambal talaga kayo?" tanong ko. Hindi naman kasi sila magkamukha. I admit parehas silang gwapo pero sobrang magkalayo yung features nila. As in. Hindi nga rin sila pasok para maging fraternal twins. Napatingin naman nang makahulugan si Lester kay Chester saka ito ngumiti. Okay what was that?



Hinati na namin yung papel at kagaya nga nang planong gawin ni Lester kanina dinilaan niya yung papel para mahati iyon. Gross.




"Kunware wala kayong nakita ha" sabi pa nito na ikinailing lang ni Chester sakanya. Maayos ang pagkakahati nung sakin kaya nagulat nalang ako nang biglang nawala yung isang piraso at namataan ko nalang si Chester na may one whole at 1/4 sheet pad paper na.




"Ako nalang gagawa nung kay Kiyo tutal tamad siyang pumasok" inosenteng sabi ni Lester at pasimpleng kinuha yung isang 1/4 ko. Ang akala ko doon niya isusulat yung pangalan ni Kiyo pero nang makakita ako ng malaking letter L... alam na! Natawa nalang ako sa loob-loob ko nang isinulat niya yung pangalan ni Kiyo doon sa medyo basa pang papel. Yung nilawayan niya kanina. Hindi ako nainform na may ganitong side si Lester!




Isang malaking Kiyo M. Igurashi ang inilagay niya doon. Sakop yung tatlong linya na siyang ikinatawa ko. Halatang pinangitan niya talaga yung penmanship niya. Parang bata na nagsisimula palang magsulat. Kaagad niya naman akong sinenyasan na huwag maingay pero nang makita iyon ni Chester ay naging bigo ang inaasam niyang katahimikan.





Looking for the right Montefieros (Montefieros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon