Chapter 7

121 10 0
                                    

The X Clan:
Looking for the
Right Montefieros

The X Clan:Looking for theRight Montefieros

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The feeling is mutual



Tuluyan na ngang nawala sa isipan ni Jethro na nandito siya sa unit ko. Natameme lang ako sa harapan niya habang siya kumakain nung breakfast na pinrepare ko. Natawa nalang ako nang marahan nung kamuntik siyang mabulunan.
"Uy dahan-dahan lang. Gaano ka ba katagal hindi kumain at gutom na gutom ka yata?" natatawa kong sabi.





"Sorry ha. Gutom lang kasi talaga ako. Hindi ko naman inexpect na masarap ka palang magluto." umalis ako sa kitchen counter at nagtungo sa refrigerator para kuhanan siya ng tubig. "Do you want hot choco ba? Or coffee?" alok ko nang makabalik ako sa harapan niya. Saglit itong natigilan na parang nag-iisip.





"Coffee? Meron ba? Ay hindi. Tubig nalang. Sa susunod nalang yung kape." inosente nitong sabi na ikinasinghap ko. So may susunod pa? Hindi ito ang huli naming pagkikita? Aba natural Mouitie parehas kayo ng school na pinapasukan!




"So dito ka rin pala nakatira? May unit ka rin dito sa building?" pag-oopen ko ng topic na ikinatango niya naman. Busy parin siya dun sa pagkain, pero mas ninanamnam na niya ngayon dahil bumagal na yung pagkain niya. Hindi kagaya kanina na para siyang gilingan. Halatang gutom na gutom.




"Actually kakalipat ko lang. Lahat kaming magpipinsan mayroong unit dito. Na-timing lang na magkatabi kayo ng unit ni Lester. Nako! Loko 'yon kaya dapat hindi ka naglalalapit sakanya. Kapag nalaman nung mga babae niya na magkatabi kayo ng condo unit siguradong hindi ka tatantanan nang mga iyon." derederetsong sabi ni Jethro sabay nag-angat ng tingin sa akin. Ang mga singkit niyang matang tumapat sa mga mata ko. Deretso ang titig nang mga iyon maski ang mga mata ko hindi makaiwas dahil mukhang namagnet na sila doon.




"Lalo na kapag nalaman nilang natulog ka sa kama ni Lester? Yari ka boy! Lalo na kay Dior. Siguradong papaliyabin ka noon nang buhay. Hahaha!" pagbabanta nito at nagawa pang humalakhak. Nagpatuloy naman na siya sa pagkain na kala mo wala siyang sinabi.





"Dapat ko ba talagang katakutan si Dior?" I asked. I just need an assurance. Para alam ko kung sino yung iiwasan ko. Gusto ko pang isalba ang natitirang kapayapaan sa buhay ko.





Nagkibit balikat lang ito, "Malay. Ewan. Depende? Pero kumpara doon sa isang kambal, mas dapat mong katakutan si Dior. Mahilig kasing mamisikal 'yon. Kahit nga ako hindi nakakaligtas sakanya" napailing nalang ito nang maalala siguro yung ginawa sakanya ni Dior. Kakambal? May kakambal din si Dior?





Hindi naman na ako nagtanong pa tungkol kay Dior. At nag-isip nang maitatopic. Teka natatandaan kong narinig kong binanggit yung pangalan niya nung isa sa mga babaeng may pagnanasa sa magpipinsan. Kilala kaya niya 'yon? Teka paano ko ba itatanong.






Looking for the right Montefieros (Montefieros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon