Chapter 13

104 7 1
                                    

The X Clan:
Looking for the
Right Montefieros

The X Clan:Looking for theRight Montefieros

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

My life

Naging viral nga iyong pangyayari sa cafeteria dahil may mga estudyanteng kumuha ng videos. Kalat na kalat iyon sa buong campus. May mga paepal pang nagcocomment dun sa original post na hashtag KMJS! Mga hunghang! Ano naman kayang mapapala ng media doon sa video na yon? Isang away lang na walang magandang maidudulot sa lipunan. Tss.




Maraming natuwa doon sa ginawa namin ni Hyacinth, tama lang daw yung ginawa namin sa tatlo. At meron ring mangilan-ngilan na suportado kami dahil at last parang nakaganti narin daw sila doon sa tatlong babaeng walang ginawa kundi mamahiya, magmaganda at mangbully. Perfect tandem pa nga daw kami ni Hyacinth! At may mga naghihintay pa ng part two! Pero meron din namang ibang against parin sakin. Nadamay pa nga si Chester dahil ang sama daw ng ugali ko tapos palagi pa kaming magkasama. Na lumabas daw ang tunay kong kulay nung nawala ang magpipinsan...





Ilang araw naring hindi pumapasok ang magpipinsan. Kaya imbis na ang nakagawian kong kasama ay si Chester si Hyacinth na itong palaging nakadikit sakin. Minsan nakakasabay pa namin si Franjelle tuwing lunch break.



Hindi ko kaklase si Hyacinth dahil nasa class B ito. Bago ko sila imeet naisipan ko munang dumeretso sa girl's comfort room para mag-ayos. Napabuntong hininga pa ako nang makita ko ang sarili sa salamin. Ang ganda ko parin talaga. Nasa kalagitnaan ako nang pagpapantasya sa sarili ko nang may marining ako tumalon doon sa cubicle! Halos malaglag palabas ang puso ko. Ohmygod! Napakurap ako doon sandali pero hinayaan ko nalang at hindi binigyan ng pansin. Baka pusa lang.




Palabas na sana ako ng cr nang biglang may magsalita,
"Nawala lang ako saglit kung anu-ano nang pinaggagagawa mo" halos mapatalon ako nang makita ang imahe ni Chester na nakasandal doon sa cubicle na pinagmulan ng ingay kanina. Nakabukas ang uniporme nito na may tshirt sa loob at gulo-gulo ang buhok.




"A-anong ginagawa mo dito?! Chester! This is a freaking female comfort room!" sigaw ko na siyang ikinalaki ng mata niya pero agad rin naman iyong napawi nang magbuntong hininga siya.





"Just checking you out loud lady" napatitig naman ako sa kabuuan ng mukha niya. At bakas doon ang ilang sugat na mukhang nakuha niya sa pakikipagsuntukan. Wait... wala sa sarili ko siyang nilapitan at iginaya yung mukha niya paharap sa akin na halatang iniiwas niya.




"What happened?" tanong ko pero hinawakan niya lang yung wrist ko dahilan para mapabitaw ako sa mukha niya. "It's none of your business." sabi nito kasabay ang pagtagilid niya sa kanyang mukha palayo sa akin. Mas lalo akong nacurious pero nakatikom lang ang bibig kong pinagmamasdan ang kabuuan ng mukha niya. What happened? Kaya ba hindi sila pumapasok dahil dyan? Pero nung nakaraan nabugbog rin naman siya, ang pinagkaibahan lang hindi ganito kagrabe dahil wala manlang nakapansin noon sa campus.




Looking for the right Montefieros (Montefieros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon