Chapter 4

155 9 0
                                    

The X Clan:
Looking for the
Right Montefieros

The X Clan:Looking for theRight Montefieros

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I didn't ask


Kagaya nga nang sinabi ni Hasley kanina. Dinala niya ako sa isang resto malapit sa campus. Sa sobrang lapit halos katabi lang ng school. Masyado nga lang malaki yung campus kaya mahaba pa yung nilakad namin. Sabay kaming naglunch kagaya nung sinabi niya kanina. Ngiting-ngiti pa ang loko na halata mong good mood talaga. Kinutuban na ako nang ramen nga ang inorder niya kaya para akong ewan dito na minumulto nung mga salita ni Kiyo sa classroom. Magpapalibre lang siya kaya ako sinama.







Kung akala niyo ang pagbabanta sakin ni Kiyo kanina natapos na pwes.. nagkakamali kayo! Nandito siya ngayon sa harapan ko at nagagawa pang ngumisi habang nakafocus doon sa kinakain niya. Kasama namin siyang naglunch dito ni Hasley dahil parehas pala ang schedule namin. Higher year si Hasley at yung isa pa daw nilang pinsan na Steele ang pangalan. Well narinig ko lang naman iyong pinag-uusapan nila. Kaso may kailangan pa daw ayusin kaya't siya nalang itong naunang maglunch. Yung mga bata namang hindi namin kayear mamaya pa. Nauuna kasi ng 15 minutes ang dismissal namin tuwing umaga compared sa kanila. Si Cloud and the guy namely Jethro lang naman yung hindi namin ka-year. Habang yung dalawa namang "kambal" daw ay nasa last section kaya hindi namin kaklase.






Nakakapagtaka lang na hindi namin kaklase si Chester, samantalang mukhang matalino naman iyon. Tambay pa nga lagi sa library na sinasabi niyang teriteryo niya daw. Mukhang lulunukin nga ako nang buhay kapag nahuli niya pa akong tumapak doon. Maya-maya pa ay may umupo sa harapan ko, nag-angat ako ng tingin sa pag-aakalang si Hasley yon pero nagkamali ako. Kala ko naman makakaligtas na ako sa pamatay na tingin ni Kiyo! Umupo yung lalaki doon at tangkang hahawakan yung pagkain ni Hasley kaya kaagad namang to the rescue si Kiyo at tinampal yung kamay niyang pahawak palang sa chopsticks.





"What?! Konti lang naman!" sabi nito. Eto namang si Kiyo parang kinakausap sa mata yung lalaki at bumaling ng tingin sa akin. Kaya napunta rin sakin yung atensyon nito. "Wow hindi niyo naman sinabing may chics kayong kasama edi sana kanina pa ako nandito" sabi nito kaya ako naman itong napangiti ng matamis. Yes, you're doing great sweetie.





"I'm single" nag-offer naman siya sakin ng handshake pagkatapos niyang sabihin yun. Single pangalan niya? What a nice name.





"And I hope... you're single... too?" dagdag niya. Nakangiti rin ito na akala mo nangloloko sa itsura niya. Masyado ring angat ang kagwapuhan nito, parang.. familiar? Nakita ko na siya dati! Maganda ang mga mata niya yung mga ngipin niya sa harapan na nagpakita ng duality niya. He's really handsome and cute at the same time because of his cute front teeth. Iyong matangos niyang ilong at ang kanyang mga matang parang balon na malulunod ka nalang kapag nahulog ka doon. Napa-"ha"? nalang ako sa kanya nang iginalaw niya ulit yung kamay niyang hindi ko pa pala nakukuha para makipaghandshake. Shems. What did just happen to me? Masyado yata akong nastarstruck sa visuals niya. Ugh!





Looking for the right Montefieros (Montefieros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon