Chapter 18

83 6 1
                                    

The X Clan:
Looking for the
Right Montefieros

The X Clan:Looking for theRight Montefieros

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

He's nicer




After what happened sa Starbucks hindi ko na tinangkang umimik pa. Nag-iwan ng matinding gulat at pangamba para sa after shock ang buo kong sistema dahil doon. Kung anu-ano nalang talaga ang sinasabi ng Gwenivere na ito! Bumenta na sa akin 'yan. Ganyang-ganyan yung mga lumalabas sa bibig nung pinsan ko! Pati iyong si Keith at Trevor. Mga paasa. Kung ano ano nalang yung naiisipan nilang sabihin sa mga babae nila para makuha nila tapos hindi naman nila ito papanindigan. Mga fuckboy!






Immediately rushed inside my condo unit nang maihatid ako ni Chester. I didn't even bother to say good bye. Ang nasa isipan ko nalang ay kung paano ako makakalayo sa presensya niya. Nihindi nga ako nakahinga nang maayos nung nasa elevator kami! Napahawak nalang ako sa dibdib ko nang makaupo ako sa couch. Ang weird ko na talaga. This is not right, this is so not me!




Maybe I need to visit my parents again, sasabihin ko sakanila yung mga plano ko. I need to find that Montefieros habang nandito pa yung nararamdaman ko, habang marunong pa akong magalit. I need myself back



After a couple of minutes, nakatanggap ako ng video call from Brian. I missed him! Ang tagal narin naming hindi nakakapagvideo chat. Hindi na araw-araw unlike before. Sobrang busy na kasi namin parehas.nI smiled as soon as nag-appear yung mukha ko doon sa screen.



"Wow, our Kitty looks so happy" bati nito sa akin na ikinanguso ko lang. What's the big deal? I'm happy eh!




"I have never seen you smiled like that Mouitie, what's up? Bakit ang saya-saya mo yata?" I just shrugged. Ipinatong ko yung phone ko sa lalagyan niya na nasa center table at comfortable akong sumandal sa couch.




"Perhaps, are you in love?!" biglang tanong nito sa akin na ikinagulat ko!




"What?! Brian! That's ridiculous. Hindi ako inlove okay! Wala iyon sa bokabularyo ko!" humalukikip naman ako at saka ito humagalpak ng tawa. What's funny? Hindi iyon nakakatuwa.




"I'm not joking Brian. Hindi nakakatuwa"




"Okay chill. Beastmode naman ito agad. Nagtatanong lang naman ako. Iba kasi ang aura mo. Malayong-malayo dun sa Mouitie bago ka umuwi dyan." hindi ko na pinagtuunan nang pansin yung sinabi niya. I opened my Pringles na nasa tabi ko lang at sinimulan nalang iyong kainin. Natahimik rin naman ito matapos akong pagtawanan. Siya nga itong masaya dyan tss.





"Just.. Mouitie just make sure you won't fall in love with the wrong guy" hindi ako maiinlove no! And besides ang palagi ko lang namang nakakasamang lalaki ay si Chester. Siya lang itong napapansin ko pati yung iba niyang mga pinsan, hindi ko naman type si Lester. So imposible akong makahanap ng taong magugustuhan.






Looking for the right Montefieros (Montefieros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon