Chapter 17

76 5 0
                                    

The X Clan:
Looking for the
Right Montefieros

The X Clan:Looking for theRight Montefieros

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Yours



Dumeretso ako sa auditorium pagkapasok na pagkapasok ko ng school dahil pinagtitipon-tipon ang mga estudyante doon. May mahalagang announcement daw at darating yung mismong head ng department namin para siya mismong yung mag-announce.




Si Jethro palang ang nakikita ko na nandito sa auditorium sa magpipinsan maliban kay Kiyo na kaklase ko. Nasa kabilang side siya dahil pinaghiwalay nila ang babae sa lalaki pero nasa iisang linya parin ang mga nasa iisang klase. Dami nilang alam. Malapit na sa pinakagilid ang pwesto namin dahil higher year kami. Halos magkatabi lang kami ni Hyacinth dito sa pila kaya kahit papaano hindi ako nabobored.






Ilang sandali lang dumating yung head ng department namin at pumwesto siya doon sa gitna ng stage.





"Hindi ko na patatagalin ito. We're letting all of you to have 5 days break habang yung mga gustong magvolunteer naman ang mag-aasikaso para sa darating na event." napaisip ako sandali kung anong event yung tinutukoy niya nang maalala ko yung notice last time. Shoot! Yung Parent's Day yata ito o Family day? Ewan! Wala naman akong pakielam doon. Kahit anong event yan basta related sa ganyan ay labas na ako. As if namang may papel ako dyan! Tss.




Ang dami naman kasing hanash nitong MXU! Hindi nalang magfocus sa academics... ilang linggo na kaming pumapasok pero parang hindi naman kami umuusad sa lessons! Sayang tuition puro sila event!








"Ugh! Nakakainis talaga iyong babaeng 'yon. She's getting into my nerves!" singhal ni Hyacinth as she gets to cafeteria. Pagkatapos nung ganap sa auditorium dito na kami dumeretso. Mas pinili naming dito nalang muna magstay para deretso na mamayang lunch dahil doon sa nangyari nung nakaraan. Pinagsabihan pa kami ni Jethro na huwag magtangkang lumabas ng campus. Si Hyacinth naman napairap nalang sakanya. Aware kaya siya?





"Anong nangyari ate?" Franjelle asked. Nandito rin siya dahil wala nang klase pagkatapos nung announcement. Sabi sainyo sayang talaga ang tuition dito. Akala ko pa naman maganda yung turo nila dito dahil narin sa reviews at feedbacks sakanila. Or I'm speaking too soon?





"Paano yung Dior na yon! Dito na naman pala mag-aaral. She deadass slammed my locker! Napakapapansin. Muntik na akong naipit doon" halatang-halata sa itsura ni Hyacinth yung pagkainis niya. Halos namumula na nga rin ang buo nitong mukha.




Ohmygod! Kung dito na mag-aaral si Dior... Ibig sabihin... Ohmygod! Mouitie!! Hindi nalang ako nagpahalata at pasimpleng kumain nung chocolate cake na binili ko sa cafeteria. Hays. Bakit naman ganito! Akala ko pa naman gate crasher lang siya nung ball dahil pinsan niya si Kiyo at kila Kiyo yung venue.




Looking for the right Montefieros (Montefieros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon