Chapter 14

102 6 2
                                    

The X Clan:
Looking for the
Right Montefieros
- - - - -
Sorry guys, minsan kasi ineedit ko ulit yung isang chapter kapag may nakita akong typo hehe. Ayun lang, happy reading!

 Ayun lang, happy reading!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Shutter sounds



Isa-isa kong ginamot yung mga sugat at pasa sa mga mukha nila. Hindi naman sila gaanong napuruhan pero halata parin sa pagmumukha nila yung bugbog. Habang nilalagyan ko ng ointment yung sugat ni Lester doon ko lang napansing mas malala pala ang nangyari sakanila. Hindi kagaya nung kay Chester na medyo bago-bago pa yung sugat niya. May mga marks sakanya na mukhang nung nakaraan niya pa nakuha at naghihilom na iyon.




"Ganito ba kayo lagi?" tanong ko sa kanya. Sandali niyang ginala yung tingin niya sa mga pinsan niyang mukhang hindi na inaalala yung nangyari kanina at nagsasaya nalang sa paglalaro dun sa mini arcade nila.



"Masaya? Oo naman. Walang araw na hindi kami nagsasaya" napadaing naman ito saka napanguso nung medyo nadiinan ko yung pagdadampi nung cotton.


"Hindi iyon Lester!" sabi ko sa kanya.



"Sorry na! Alin ba tinutukoy mo? Yung napapaaway? Ikaw naman kasi hindi mo nililinaw pero ano hindi naman palagi. Paminsan minsan lang pero ang tagal na nung huling beses na ganito kalala. Nakakapagtaka nga dahil may sinasabi yung mga humahabol samin na kailangan naming pagbayaran. Nihindi nga namin mapunto kung ano." pagpapatuloy nito. Kapag talaga itong si Lester ang tinanong mo tuloy-tuloy na. Madami ka ng impormasyong makukuha. Hindi katulad ni Chester na papahulain ka pa yata.




Napamura nalang ako sa isipan ko nang maalala kong hindi na ako nakapasok sa afternoon class dahil sa pangyayaring 'to! Paniguradong nakalagay na sa class record na nagcutting ako. Ayokong madetention huhu. 5pm nang yayain na ako ni Chester umuwi. Hindi daw sila uuwi sa kanya-kanya nilang bahay. Dun yata sa hide-out sila nakatira ngayon. Wala naman daw kasing say yung parents nila sa pinag-gagagawa nila kaya ayos lang iyon. Wala rin naman daw naghihintay sakanilang pag-uwi kung hindi yung mga pets nila at maids. Kaya mas pinili nalang nila tumira sa hide-out nila sa ngayon. Atleast doon magkakasama sila.





Nakauniform na ulit si Chester. Pero bago kami tuluyang umuwi dumaan muna kami sa campus. Nandito lang kami sa labas malapit sa bakod nung school nang may tinawagan siya doon sandali. Hindi nagtagal biglang may tumawag sa kanya mula sa itaas na kinakuha narin ng atensyon ko. Nanlaki nalang ang mata ko nang makumpirmang si Franjelle iyon. Paano siya nakaakyat dyan?!



"Kuya Chester!" sigaw nito at may hinagis na walang kahirap-hirap naman na nasalo ni Chester.
"Kuya ha yung sinabi ko sayo" dagdag ni Franjelle.



Looking for the right Montefieros (Montefieros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon