The X Clan:
Looking for the
Right MontefierosX Clan
Tahimik akong inaayos ang bookshelf ko dito sa kwarto ko nang biglang nagring ang telepono ko. It's my cousin.
["Buti naman at sinagot mo na! Nandyan ka na ba?"] nabalitaan na niya kasing dito ako pumasok sa MX University parte narin sa paghihiganti ko. Wala naman iyong kaso sakanya dahil saksi siya sa halos lahat nang pinagdaanan ko. Siya ang nandyan para sa akin nung tuluyang maglago ang kaisa-isang bagay na iniingatan ko. Ang pamilya ko.
Kahit rin naman tumutol ang lalakeng 'to ay wala siyang magagawa. Pinsan ko siya. Paniguradong gusto rin niya makamit ang hustisya para sa nangyari sa pamilya ko. Nasa mindset ko narin ang lahat ng dapat kong magawa simula noong araw na 'yon. Ito narin ang naging goal ko sa buhay. Kung ang ibang mga kabataan ay nag-aaral mabuti para maabot ang mga pangarap nila, para maging successful sa mga napili nilang field, ako naman itong... nabubuhay nalang para makamit ang hustisya sa pamilya ko.
Ito nalang ang dahilan kung bakit kumakapit pa ako at humihinga sa mundong ibabaw. Kung hindi lang dahil doon, panigurado gugustuhin ko narin sumunod sa kanila.
["Nag-aayos na nga ako ng mga gamit. Submission niyo na ng final requirements bukas diba? Naayos mo na ba yung mga dapat mong gawin, Bri? Yung papers mo?"] Pagpapaalala ko sakanya hindi ko na kasi kasabay ito dahil mas maaga ko ipinasa ang mga tinambak na requirements samin para makalipat ako kaagad dito. Dahil narin maaga akong naulila natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa habang itong pinsan ko naman kakalaking tao ay lumaking umaasa sa akin. Naging responsable ako at ako narin ang tumayong pader para sakanya. Napakadependent!
Hindi naman sa hindi siya marunong tumayo sa sarili niyang paa pero kasi... ugh! Napakairesponsable niya. Puro laro ang inaatupag niya, puro mga babae at iyong mga kinalolokohan niya.
["Bakit mo naman kasi ako iniwan..."] Napamura nalang ako sa sagot niya. Imbis na matakot isang tawa lang ang pumaibabaw sa kabilang linya.
["Chill, okay lang ako. I have tons of money. People ca—shut it Bri. Paano ka matututo sa sarili mo niyan?"] Putol ko sa kanya. Ilang beses ko narin siyang pinapangaralan na dapat iniisip niya rin yung future niya.. na hindi naman mabubuhay ng forever ang mga taong nakapaligid sa atin. Hindi mo alam mamaya wala na pala sila sa tabi mo.
["I don't need to study. We're rich. And besides sigurado naman akong papamanahan ako. Ang kailangan ko lang gawin ay magpakarami! Bubuntisin ko lahat ng mga babae ko para dumami pa ang mga Emeraude. Yun ang main goal ko Kitty! Paniguradong matutuwa pa sakin sila lolo."] Saka siya nagpakawala ng halakhak sa kabilang linya na kung hindi mo siya kilala ay kikilabutan ka talaga. Naigulong ko nalang ang aking mga mata sa pinagsasabi ng bastos kong pinsan. Kampante siyang siya ang tagapagmana lalo na't nag-iisang lalaki lang ito. Siya lang ang makakapagsalin ng last name ng angkan namin!
BINABASA MO ANG
Looking for the right Montefieros (Montefieros Series #1)
Novela JuvenilThe X Clan: Montefieros Series #1 Looking for the right Montefieros A girl namely, Mouitie Bellana Emeraude also known as Mouitie lives her entire life seeking for justice and aiming for revenge. The M in her name stands for Miserable. Once you ente...