Chapter 2

177 9 0
                                    

The X Clan:
Looking for the
Right Montefieros

The X Clan:Looking for theRight Montefieros

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chester Gwenivere


Hindi na ako nagabala pang pumunta doon sa ceremony na sinasabi nila. Mas pinili ko nalang na mapag-isa sa library. Kung alam ko lang na hindi pa pala talaga start ng klase hindi na sana ako nag-abala pang pumasok! Tsk. Pero sabagay para mairampa ko naman ang existence ko hahaha! Anong silbi ng magandang mukha kung hindi ko naman mapapakinabangan? Huwag lang silang mahuhulog sa akin dahil wala akong planong sumalo.





Isa-isa kong dinaanan ang mga bookshelves hanggang sa mapadpad ako sa dulo. Inabala ko nalang ang pagtitingin sa mga libro na kala mo talaga e may hinahanap ako. Malay mo diba. Hanggang sa may librong nakakuha ng atensyon ko kaso nasa pinakataas naman nitong shelf. Kaagad rin naman akong nakaisip ng paraan kung paano ito kukuhanin. Sana naman may hagdan na malapit dito!



Nakuha ko pang ilista kung pang ilang shelf yung libro para lang hindi ko makalimutan. Maski yata librarian ay wala dito kaya magagawa ko ang gusto kong gawin, kahit magsisisigaw pa ako dito ay walang maninita hahaha! Gawin ko kaya? Habang naglalakad ako para maghanap ng hagdan naalala ko iyong sinabi nung babae kanina. Na familiar daw ako sakanya dahil nakita niya ako sa isang Paparazzi page..



Hindi nga ako nabigong makakita ng hagdan kaya dali-dali ko iyong hinila papaunta sa shelf. Medyo masakit sa tenga dahil sa ingay na dulot nito kaya napagdesisyunan kong isapak sa magkabilang tenga yung earphones ko. Ayoko pang mabingi. Ilang minuto rin ay nakarating ako sa shelf nung librong gusto kong kuhanin. Umakyat ako doon para tingnan at doon ko natuklasang isa pala 'tong novel. Umupo ako sa pinakatuktok ng hagdan nang makuha ko iyon saka na inilapag sa kandungan ko.





Nagbukas ako agad ng wifi dahil sa sobrang curious ko sa Paparazzi page. Hindi naman ako nahirapang makita agad yung page dahil sa dami nitong likes. Halos mga kababaihan lang rin yung nakalike. Patuloy akong nagsscroll, pareparehas na mukha lang ng pitong lalaki ang nakikita ko. Siguro sila yung X Clan na tinutukoy nung girl kanina.




Parang familiar yung X Clan kaso hindi ko lang maalala kung kanino at kailan ko narinig. Nagpatuloy lang ako sa pagsscroll sa feed hanggang sa hindi nga ako nabigo—nakita ko ang sarili ko at.. may kasamang lalaki! Teka, eto yung suot ko nung nagmall ako ha?? Sino 'tong—"Oh my god!" halos pasigaw kong sabi. Sino ba namang hindi magugulat!



Siya yung lalaking humila sa akin- iyong nakabangga sakin sa mall! Sa sobrang taranta at alarm ko dahil sa nakita kong bilang ng reactions ay napabukas narin ako ng comment box na wala naman sana ako pakielam. Madaming naka-huhu at wow reactions pero mostly angry reaction siya!!


Ohmygod who is she?

Wtf is this?

Bitch bakit kasama niya si fafa Hasley ko!

Looking for the right Montefieros (Montefieros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon