The X Clan:
Looking for the
Right MontefierosTremonti
Ngayon yung araw ng parents day sa MX University, yung ibang mga students at mga parents nagsisidatingan narin pero hindi ko pa namataan yung magpipinsan simula pagkadating ko dito sa campus, kahit si Aizen at Hyacinth ay wala rin. Uhm naisip ko lang baka kasabay nila yung mga parents nila.
Umupo ako sa isang bench na malapit sa main entrance ng campus para dito magpalipas ng oras habang hindi pa nag-uumpisa yung program. Bakit nga ba ako pumasok pa hindi rin naman ako pupunta sa event center tss, attending this event is a waste of time for me, wala naman akong parents. But seriously why am I here anyway? Kung hindi lang talaga dahil sa attendance hindi ako papasok ngayon.
Bukas na bukas yung main gate ng school at marami-rami narin ang nagsisidatingang mga sasakyan. May red carpet pa doon sa main entrance nitong lobby para sa pagpasok nung mga students at parents. Nag-invite pa ng mga press at may nakahanay na sandamakmak na photographers sa labas nung red carpet. Parents day ba ito o ball? Napakaengrande naman yata. Ganito nalang ba talaga nila icelebrate ang event na ito? Sigh. I can never relate.
May paredcarpet sila tapos ang daming photographers idagdag mo pa yung mga students at parents na halos nakaformal at semi-formal ang karamihan well siguro ito ang nakagawian ng school. Wala naman kasing nakaindicate na theme so maybe ganyan lang talaga sila magbihis tuwing ganito ang events. Hindi naman na nakakapagtaka dahil mayayaman ang lahat nang nag-aaral sa MXU. Normal lang nilang maging elegante. Pero para sa akin hindi normal maging ganyan sila kaelegante para lamang sa isang school event...
Kahit pa kasakasama yung parents nila there were still some students na naghihintay sa pagdating ng X-Clan na para bang hindi dapat nila palagpasin. May mga parents nga rin ang nagtipon tipon sa place na pinuwestuhan ko at kapwa hinihintay ang pagdating nung magpipinsan. Don't tell me bet din nila yung pito? Ohmygod. Hindi kaya isa sa kanila yung secret partner ni Steele?! Sinasabi na nga ba't may pamilya na iyon!
"Mom!! They're here!" one of the students shouted. Iyong nanay naman niya lumapit kaagad sa kanya. Napasinghap nalang ako nang magsipuntahan doon lahat ng mga tao! Maski iyong mga katabi ko lang na nanay dito sa bench lumapit sa red carpet! Pinapalibutan na nila ngayon yung place. Out of my curiosity wala sa sarili akong tumayo at sinubukang makiisyoso rin doon. For sure they're with their parents! I kinda want to see the Gwenivere's parents, to think na sobrang biniyayaan ng magagandang visuals yung mga anak nila hindi mawala sa akin ang macurious kung anong itsura ng pinagmulan nila! For sure ethereal din sila just like their children, the Gwenivere siblings.
Hindi pa sila lumalabas dun sa limousine nila hindi na magkandaugaga yung mga press at photographers. Na maski yung pagstop nung sasakyan nila pinipicturan nila, unlike others na sa red carpet lang pinicturan. Something's going on. I'm pretty sure hindi normal ito or maybe it's just me
BINABASA MO ANG
Looking for the right Montefieros (Montefieros Series #1)
Teen FictionThe X Clan: Montefieros Series #1 Looking for the right Montefieros A girl namely, Mouitie Bellana Emeraude also known as Mouitie lives her entire life seeking for justice and aiming for revenge. The M in her name stands for Miserable. Once you ente...