Chapter 24

59 0 2
                                    

The X Clan:
Looking for the
Right Montefieros

The X Clan:Looking for theRight Montefieros

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I'm doomed


"Sa dami ng lugar na pwede mong pagbuhusan niyang kamao mo talagang pinili mo pang sa loob ng campus. Nag-iisip ka ba Chester?" boses ni Kiyo ang nangingibabaw sa loob nung bakanteng classroom. Nanatili lang kaming tatlong nakatayo sa labas at pinapakinggan sila. Dito kami dumeretso dahil kay Franjelle alam niya kasi kung nasaan ang magpipinsan. Nakakapagtaka nga ang kaso imbes na magtanong ako natuon yung isip ko sa ginawa ni Chester. Ibinalik ko ang atensyo ko sa loob nung bakanteng classroom kung saan sila nag-uusap. Nag-aaway ba sila kasi base sa tono ng boses ni Kiyo...




"Ouch. Dahan-dahan naman Kiyo may dahilan naman si Chester kung bakit niya yun ginawa. Sa lahat ng tao tayo dapat ang mas nakakakilala sakanya. Tayong palagi niyang nakakasama" dramatic na sabi ni Hasley.





"Huwag kang sumabat di kita kinakausap" baling sa kanya ni Kiyo. Mukhang nagbibiro lang naman sana si Hasley pero itong si Kiyo sa lahat siya itong mukhang galit na galit. Ilang segundong natahimik sa loob kaya pasimple akong sumilip at doon nahagip ng paningin ko ang pagngisi ni Hasley.





"Wow nahiya naman kami sayo. Yan na naman tayo nagmamagaling ka nanaman. Sa tingin mo malinis ka ba? Ikaw nga rin tong ang daming kabalastugan ang ginagawa sa loob pa mismo ng campus" nagkatinginan kaming tatlo dito nila Franjelle at kapwa napasinghap dahil sa sinabi ni Hasley. Hyacinth even mouthed, "He snapped"






"Guys. Chill. Yung ginawa ni Chester ang topic" this time si Cloud na ang nagsalita. Invasion of privacy man pero wala niisa saaming tatlo ang nagyayang umalis na doon para bigyan ng space yung magpipinsan. Mga chismosa!





"Bakit Cloud ayaw mong mabuking? Isa ka rin kasi. Dahil lang naman sayo kaya tayo hinahabol nung mga gunggong na yon" sabi ni Kiyo na ikinalaki ng mata ko. Yung dalawa naman hindi bakas sa kanila yung gulat. Ako lang talaga itong nashock sa nalaman mula kay Kiyo. Ang dami ko pa talagang hindi alam.





"Mga gago hindi to oras para magsisihan at maglabasan ng baho at isa pa ibang istorya na yang pinagsasasabi niyo, manahimik nalang please" this time si Lester na ang nagsalita pero imbis na tumigil si Jethro naman ang sunod na nagsalita.





"Sorry Lester pero teka lang parang sumosobra naman yata si Kiyo dahil pagkakaalam ko tapos na tayo dyan sa issue kay Cloud." sabi nito na ikinatango lang nung dalawang kasama ko. May alam talaga sila! Tinignan ko naman silang dalawa ang tingin na nagtatanong pero sinenyasan lang ako ni Hyacinth na huwag maingay. Hindi naman ako nag-iingay! Nagtatanong lang naman yung mga mata ko.





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Looking for the right Montefieros (Montefieros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon