The X Clan:
Looking for the
Right MontefierosProject
Hanggang ngayon pinepeste parin ako nung mga fangirls ni Chester. Hindi ko naman alam na siya pala itong may pinakamaraming admirer sakanila! Samantalang nung si Hasley yung kasama ko hindi naman ganito kagrabe yung mga comments? May mga nagshiship pa nga samin. Ugh! Mas pinalala lang yata nung nagtag sa account ko yung pangyayari. Hindi ko naramdaman yung kamandag nung mga fans kuno nila nung si Hasley ang kasama ko sa picture dahil hindi naman ako nakatag. In short, hindi nila ako kilala.
So what Mouitie kung alam na nila yung pagkatao mo? You're not weak. May pagkamaldita ka diba? Inaaway mo pa nga iyong mga babae ng pinsan mo! Ikaw rin ang in charge sa pagtataboy nung mga naghahabol sa pinsan mo at doon sa mga pinsan niyang pinsan narin ang turing mo. Tama Mouitie, basic lang iyan. Lalabanan mo lang naman iyong mga babaeng mangangahas na saktan ka dahil nakikita nilang malapit ka sa gusto nilang lalaki. It's just a piece of cake, self. You love yourself. You can do anything because you're deeply inlove with yourself.
Dineactivate ko nalang iyong facebook ko at pinrivate yung twitter at instagram ko. Para hindi magtaka si Brian kung bakit bigla akong naglaho sa social media. Wala naman akong tinatagong baho. Wala akong jeje phase no! Naiirita lang talaga akong makitang sumasabog yung notifications ko nang dahil sa magpipinsan na iyon. Lalo na yung Chester Gwenivere!
Kabukasan umakto nalang ako nang walang nangyari. Pero imposible yata ang gusto ko dahil pagkapasok na pagkapasok ko palang sa campus sa akin na nakatingin iyong mga tumatambay at naglalakad ring papasok na kasabay ko. Ugh, nasa akin ang atensyon nilang lahat. Yeah, you're doing great Mouitie. Nakukuha mo nang ganyan ganyan nalang ang atensyon nilang lahat.
"Are you sure she's Chester's girlfriend? Nakita niyo talagang nagdedate sila?" I heard as I walk slowly. Dinadama ang paninitig nila. Mapakinabangan ko namang 'yang atensyon na gusto nilang ibigay. I flipped my hair as I continuously walk.
"Wala namang sinabi. Pero she's also the same girl na kasama ni Hasley last time. I think she's really into X Clan? Baka gusto niyang tuhugin lahat. Malandi." sagot nung babae na siyang ikinataas ng dugo ko! That girl is getting into my nerves! Halos pagsasapakin ko na ang babaeng iyon sa isipan ko. Nagawa ko pang paghahampasin siya ng kahoy sa isipan ko. I stopped walking nang maramdaman kong may umakbay sa akin. Handa ko na sanang palisin yung kamay niya mula sa balikat ko pero nang makita ko kung sino iyon ay natigilan ako.
Napasinghap ako at pilit kinukumbinsing umakto ng normal habang nakatitig ako sakanya. Nakuha ako nitong kindatan kaya napangiti nalang ako ng tipid. It's Lester. Habang nakaakbay siya sakin nagawa niya pang hawiin yung buhok kong tumatakip sa mukha ko. And because of that I suddenly felt all the dagger looks around me. Kung literal lang na nakakamatay yung mga tingin nila ay paniguradong nakahandusay na ako sa sahig.
BINABASA MO ANG
Looking for the right Montefieros (Montefieros Series #1)
Novela JuvenilThe X Clan: Montefieros Series #1 Looking for the right Montefieros A girl namely, Mouitie Bellana Emeraude also known as Mouitie lives her entire life seeking for justice and aiming for revenge. The M in her name stands for Miserable. Once you ente...