Kabanata 6.
Naging maayos na ang lahat simula ng lumabas si Rubini sa ospital, nakalipat na rin si Alden sa bahay nang kanyang magulang. Siempre di maiiwasan na malungkot ng mga bata sa pag alis nilang dalawa sa ampunan, gayun pa man lagi naman nila ito binibisita.
Tatlong linggo simula ng bumalik sa eskuwela si Rubs, parehas sila ni Alden na gustong maging Doctor kaya naman parehas silang kumuwa ng kursong Nursing bilang pre-med nila. At siempre magka-klase silang dalawa, napag alaman namin na naasikaso ni Tita. Rowena ang lahat, na enrolled niya si Rubs kahit nasa ospital pa ito, at pinakiusapan ang administration na mahuhuli lang siya sa pag pasok dahil sa nasa ospital ito.
Sa nag daan mga linggo, lalong umusbong ang pag kakaibigan namin tatlo, mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa at siempre kasabay nun ang pag usbong ng pag mamahalan nilang dalawa, naging saksi ako kung gaano sila ka sweet sa isa't isa ngayon kumpara nung mga nag daan taon at buwan. Kung paano naging triple ang pag aalaga ni Alden kay Rubini, na kulang na lang ay subuan niya ito sa tuwing kumakain at buhatin sa tuwing nag lalakad kami. Siempre, masakit sa akin, dahil kasabay ng pag usbong ng pagmamahalan nilang dalawa, ang pag usbong din ng matinding nararamdaman pagka gusto kay Alden. Pero pinilit ko itong pigilan, ayoko din kasi masira ang pag kakaibigan namin dahil sa nararamdaman ko para sa kanya, na iba ang mahal.
Kahit may gusto ako kay Alden, alam ko kung saan ako lulugar at kung hanggang saan lang ako, hindi lang para sa pagkakaibigan namin, kundi para sa akin sarili, para maiwasan ko din ang masaktan ng tuluyan.
Lagi kong sinasabi sa akin sarili na.
Hanggang crush ka lang dapat sa kanya, wag ng so-sobra pa duon. Parang naging mantra ko na siya. Minsan sinasadya ko silang iwasan o umalis kapag hindi ko kaya ang nakikita kong sweetness nila.Buti na lang may mga bago akong naging kaibigan na kaedadan ko, sa eskuwela, kapag may lakad sila Alden at Rubini na silang dalawa lang, sila ang mga kasama ko.
Katulad ngayon, busy silang dalawa sa pag hahanda para sa kanilang birth.
Dalawang linggo mula kasi ngayon, ise-celebrate nila ang seventeen birthday nila, tatlong araw lang kasi ang pagitan ng birthday nila, at nakasanayan na namin ito I celebrate mg sabay.Igrande ang selebrasyon, dahil ipapakilala din sila ng kami kanilang mga magulang sa pamilya at mga kaibigan nito.
"Maine, mall tayo mamaya pag katapos ng klase." Pag aaya ni Aira sa akin.
"Oo nga Maine, tapos na naman ang exam natin, kaya pwede na tayong mag relax." Pag sangayon naman ni margot sa aking kaibigan.
Katatapos lang kasi ng exam namin kanina, at halos isang linggo din akong nag kulong sa bahay para mag aral. "Sige." Pag payag ko. "Tatawagan ko si Mommy mamaya para makapag paalam ako." Nangiti kong sabi.
Nagpatuloy kami sa pagkain sa quadrangle ng amin lunch, puno kasi ang canteen ng mga estudyante kaya dito namin napili kumain na lang. Besides mas gusto ko dito, dahil nasa ilalim ng malaking puno ang lamesang kahoy. Para lang kaming nagpi-picnic sa park dahil sa mga nag gagandahan bulaklak at kulay berdeng tanawin dahil sa mga halaman.
"Oo nga pala, na tanggap na namin ni margot, yung invitation sa birthday nila Alden at Rubini." Biglang sabi ni Aira sa akin. "Infairness bagay sila ah. Sila na ba? Tanong niya sa akin.
Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin. "Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.
Nagkatinginan sila ni margot. "Hindi mo ba nakita yung, Birthday photoshoot nila?" Umiling ako. "Baka post sa Facebook at Instagram kanina, sabay nga silang nag post." Kinikilig na sabi ni Aira.
Dahil naging busy ako sa pag aaral, hindi ako nag log-in sa aking mga social media account, para maka pag focus ako.
Agad kong kinuwa ang aking cellphone at mabilis nag log in sa aking Instagram. At dun bumungad sa akin.