Kabanata 44.

797 51 4
                                    

Kabanata 44.

Masarap pala ang pakiramdam na wala kang dinadala na mabigat sa puso mo. Yung nakakatulog ka n may ngiti sa labi, nakakatulog ka na ang ranging iniisip mo yung masayang araw niyo, na hanggang panaginip gusto mong dalhin.

Ilang linggo na ang nag daan simula ng nag kaayos kami ni Alden. Aaminin ko masaya ako. Nanliligaw siya sa akin ngayon kahit alam namin dalawa na hindi na kailagan yun dahil kaming dalawa na. Pero ayaw niya. He insist na mag simula ulit sa umpisa.

"Alden you don't have to do this. Mag simula man tayo sa umpisa, ilang beses ka man manligaw hindi mababago ang nakaraan natin. Pero ang maganda niya. Nagka marka man ang atin puso dahil sa nangyare, ang mahalaga ang marka na yan ay mag sisilbing palatandaan na natuto tayo sa nangyare sa atin dalawa." Sabi ko sa kanya, nung nag uusap kami tungkol sa kanyang panliligaw.

Pero dahil si Alden siya at buo na ang kanyang desisyon sa panliligaw hinayaan ko na lang siya, aminin ko man o hindi kinikilig din naman ako sa mga ginagawa niya kahit minsan corny ito.

Katulad nung nakaraan linggo na sinurpresa niya ako sa Restaurant.
Pinuno niya ng dilaw na bulaklak ang magulong restaurant na pinaayos namin nila Aira at Margot, sa bawat dilaw na baloon sa dulo na ribbon na tali andun ang mga Polaroid pictures namin noon, hindi ko alam kung paano niya nakuwa iyon sa bahay namin. Ang alam ko iniwan ko ito sa akin closet nung umalis ako. The dim lights and the romantic music gives shivering feelings to me. The romantic vibes makes my stomach twist and my heart squeeze tightly.

It's like a memory lane, sa bawat hakbang at tingin ko sa mga litrato, napapangiti, napapairap, nalulungkot at kinikilig ako sa tuwing naalala ko ang mga kaganapanan sa bawat litrato.

Napatingin ako kay Alden ng nakarating ko sa akin pinaka paboritong litrato. I smiled, lumapit siya sa akin, at hinawakan ako sa bewang. Sabay namin ito tinignan.

Hinawakan niya ang Polaroid at nakangiting tumingin sa akin.
"Ito ang pinaka paborito kong picture natin." Aniya. "Masaya tayong dalawa habang nasa itaas, habang sinasalubong ang hampas ng hangin dagat. That time we both carefree, lalo ka na, ang saya saya mo nung araw na yan."

His right.! I enjoyed that moment. Para akong isang ibon na pinakawalan sa hawla. The photo show how happy and carefree I am kaya paborito ko siya.

Ang larawan ay kuwa sa isa sa mga bakasyon namin sa isang Isla, nag paraseling kaming dalawa, naalala ko muntik pang mahulog yung cellphone ko dahil sa likot namin dalawa.

Isa rin ito sa pinaka paborito kong bakasyon namin dahil isa itong surpresa. Katatapos lang ng amin exam nung sinundo niya ako sa school, akala ko kakain lang kami sa labas, dahil sa sobrang pagod ko nakatulog ako habang nasa byahe nagising na lang ako nasa isang resort na kami sa norte. Ofcourse my mom and friends help him to packed my things. The night I'm speechles, I just hug me, dahil sa tuwa. Ilang beses ko kasing sinasabi kila Aira at sa kanya na gusto kong pumunta sa beach after ng exam ng makapag relax man lang. At hindi ko alam na mag aala genie siya para tuparin ang akin kahilingan.

Hindi ko maiwasan mapangiti at gumanda ang araw ko, kapag naalala ko ang lahat ng mga simpleng bagay na ginagawa niya sa akin.

"Maine, nakausap ko na yung supplier nga mga kitchen wear at iba pa." Napatingin ako kay Margot. "Mag start na sila mag deliver sa Friday para maayos na natin, natawagan na rin ni Aira yung mga na hire mong staffs dito sa Restaurant para masimulan na ang pag aayos ng mga gamit sa kitchen, isupervise sila ng interior designer natin para kung saan dapat ilagay ang mga gamit." Dagdag niya.

Next month naka set mag bukas ang amin Restaurant, maayos na ang lahat, gamit na lang ang kulang. Minimalist ang style ng Restaurant. Pinoy, Italian and American foods ang nasa Menu ng amin Restaurant, tatlo kaming chef. Kaya hindi magkakaruon ng problema sa oras sa pag tratrabaho ko sa hotel.

Heartbeat. (Completed.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon