Kabanata 2.

1K 57 2
                                    

Kabanata 2.

Tahimik kaming nanuod ng television dalawa ni Rubini pag katapos namin mag usap na dalawa, habang si Alden ay hindi pa rin bumabalik simula ng lumabas siya kanina.

"Kamusta na pala kayo?" Tanong ko sa aking kaibigan, habang nakatuon pa rin ang amin mga mata sa pinapanuod.

Naramdaman ko ang pag lingon niya sa akin, kaya tumingin ko sa kanya. "Okay naman, katulad pa rin nang dati. Kailagan pa rin ipagpatuloy yung oxygen therapy para umayos ang pag hingga ko." Nakangiti niyang sabi.

Si Rubini ay may intestial lung disease, isang uri ng sakit sa baga. Sabi ng Doctor birth defects daw ito.

Katulad ko, parehas kami hindi pwedeng mapagod, dahil sa kundisyon namin, ngayon pa nga lang pansin ko habang nag sasalita siya ay hinihingal na siya.

"Good to here, na kahit papaano okay kana." I smiled at her. "Nung nakaraan kasi, nasabi ni mommy sa akin, nagka pneumonia ka daw." May halong pag aalal kong sabi sa kanya.

Nag kibit balikat siya. "Sanay na ako Maine." She said. "Alam mo naman ang kumplikasyon ng sakit ko, kung di pneumonia, bronchitis naman ang bumibisita sa akin." Bumuntong hininga siya.

I really admired her, sa tuwing na pag uusapan namin ang mga sakit namin, dinadaan niya lang sa biro ang lahat. And she always postive thinker.
Naalala ko nung sinabi niya, why she takes her illness lightly.

"Hindi kasi magbabago ang kalagayan ko. Kung mag mumukmok lang ako at iisipin ang aking sakit. Mas mabuti na tawanan ko na lang ito, atleast hindi pa ako ma-stress, kakaisip di ba?" Nakangiti niyang paliwanag sa akin.

Simula noon lalo ko siyang hinangaan. Napaka positive ng aura niya. Kaya hindi nakakapagtaka kung bakit nagustuhan din siya ni Alden.

"Sabagay tama ka rin naman." Pag sang-ayon ko sa kanya. "Hindi porket may sakit tayo, eh, mag mumokmok na lang tayo sa isang tabi, kakaawaan ang sarili natin. Oo may sakit tayo, may mga bawal tayong gawin at limitado ang mga galaw natin, pero hindi ibig sabihin nun, hindi tayo pwedeng naging masaya, mag enjoy sa buhay. Di ba?" Tumango siya sa akin bilang pag sangayon.

I'm happy to have a friends like them. Especially her. Positive, Carefree and Caring. Yun ang nag papaganda lalo sa kanya.

I loved her, hindi niya ginagawang dahilan o hadlang ang sakit niya para naging masaya at ipag patuloy ang buhay. Kaya masaya ako kapag kasama ko sila, kasi para akong normal na teenager, nakakalimutan ko na may sakit ako, kami. May iba kasing tao, kapag nalaman nila na may sakit sila, tumigil na ang mundo nila, hindi na sila nag patuloy sa buhay. Nag papakain na sila sa karamdaman nila.

I know the feeling, kapag nalaman mo na may malubha kang sakit na hindi ka normal, kaya naiintindihan ko sila, pero sa huli kailagan mong tangapin ang lahat at kailagan mo itong labanan, hindi lang para sayo kundi para sa taong nag mamahal sayo.

"Tama ka girl!" Nag apir kaming dalawa. At natawa na lang sa kalokohan.

Kinuwa ko ang tasa sa coffee table na may laman tea, at ininom ito.

"Oo nga pala." Bungad ko, habang ibinababa ang tasa. "Sabi ni mommy, okay na Daw yung adoption papers niyo ni Alden?" Nakatingin kong tanong sa kanya. "Naikwento kasi sa kanya ni Sister. Rita, nung nagdala siya ng donation sa ampunan."

Kapansin pansin ang pag babago ng kanyang mood.

She sighed.

"Oo." Bagsak balikat niyang pag kumpirma.

Hinarap ko siya. Dahil nakaka pag taka ang kanyang naging reaksyon.
"Bakit ka malungkot? Di ba, dapat masaya ka, kayo ni Alden? Kasi magkakaroon na kayo ng magulang."

Heartbeat. (Completed.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon