Kabanata 14.
Dahil sa halik niya sa akin noon, at naganap sa aking birthday sabayan pa ng pag aalala sa kaibigan na nasa ospital, hindi na ako nakatulog. Kaya kinabukasan bangag na bangag akong bumasok, maga ang Mata dahil sa antok at kitang kita din ang aking eyebags.
"Kung kagabi mala dyosa ka, ngayon para kang, pinag linis ng buong hotel ni tita, dahil sa itsura mo Maine." Naka pamenwang na sabi sa akin ni Aira.
Kararating ko lang sa tambayan namin. Kumakain sila ng chichirya, habang nag babasa ng libro.
Bumuntong hininga ako. I rested my chin to my arms na nakapatong sa table, at staka nakangusong tumingin sa kanya.
Antok na antok ako, ni wala nga akong naintindiham sa klasd. Dahil habang nag sasalita ang professor ko sa harapan, pumipikit ang akin mga Mata. Para akong hinihele ng kanyang boses. Buti na lang nasa bandang gitna ako nakaupo, kaya hindi ako medyo kita. Pero kapag nag lakad siya papuntang likuran at nakita ako na iaatok, mapapagalitan ako.
"Di ka ba nakatulog sa sobrang pag aalala, nung inahatid ka ni Alden?" Kuryosong tanong ni Margot.
Tinignan ko siya. "Nakatulog ako sa byahe pauwi, pagkatapos namin kayo ihatid." Pagod kong sagot sa kanya. "Pero nung nakahiga na ako sa Kama, paikot ikot lang ako. Di na ako dinalaw ng antok." Parang bata kong sabi. "Alam mo yun, yung tipong pagod na pagod yung katawan lupa mo, pero yung isip mo panay ang takbo at pag iisip sa mga nangyare, lalo na kay Rubini, kaya sa huli di ako nakatulog." I yawned pag katapos kp mag salita.
Isinarado ni Aira ang kanyang libro at nakataas kilay akong tinignan. "Mabuti pa umidlip ka muna, dalawang oras naman ang vacant natin. Tawagan mo yung driver mo at matulog ka sa kotse." Suwesyon niya sa akin.
Umiling ako. "Dito na lang ako matutulog. Anjan naman kayo, gisingin niyo na Lang ako." Sabi ko sa kanila.
"Pero mainit dito." Margot complain.
Napatingin kaming dalawa kay Aira ng tumayo ito.
"Tara, may alam akong vacant room, mamaya pa gagamitin yun alas singko dun tayo tumambay, para makapag pahinga ka. Para din hindi maingay." Tumango kami ni Margot bilang pag sangayon sa kanya.
Habang nag lakad kaming tatlo, nakaangla sa akin sa mag kabilang gilid ko si Aira at Margot. Kaya kailagan gumilid o kaya umiwas ng mga makakasalubong namin o mga nag lalakad na kasabay namin.
"Oo nga pala na basa niyo yung message ni Alden sa Group chat?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Tumingin sila sa akin at tumango. "Sasama ba kayo sa akin mamaya para bumisita?" Dagdag ko pa.
Nag kamalay na kasi si Rubini kaninang umaga, sabi ni Alden ntumawag Daw si Tita sa kanya, kaya nag tatanong siya sa amin kung gusto namin sumabay sa kanya sa pag bisita, after ng duty niya sa ospital.
"Oo Maine, nag paalam na ako kay Mommy kanina, bago ako umalis ng bahay." Sagot ni Aira.
Tumigil kami sa isang classroom na sarado, kumalas siya sa pagka angkla sa akin para buksan ito.
Kaya tumingin ako kay Margot para malaman ang kanyang sagot. "Ikaw Mar, makakasama ka ba mamaya?" I asked.
She nod. "Oo, nagpaalam din ako kanina kay Daddy." Aniya.
Nang nabuksan ni Aira ang pinto nauna siyang pumasok sa loob, binuksan niya ang aircon, habang kami naman ni Margot ay naupo na sa likuran.
Inaayos ko ang aking cellphone ng bigla umilaw ang aking cellphone at nakita ko kagad ang pangalan ni Alden.
Alden:
Dadaanan ko kayo sa eskuwela mamaya, ten minutes away lang naman ako sa school, para sabay sabay na tayo.