Kabanata 19.

653 48 1
                                    

Kabanata 19.

Nung gabing yung hindi siya umalis sa harapan ko hanggang hindi nauubos ang aking pagkain, nakaupo siya sa silya sa harapan ko, habang nag lalaro sa kanyang cellphone, kahit  busy sa pag lalaro panay naman ang sulyap niya sa akin at sa pagkain ko, habang ang aking dalawang kaibigan ay busy din sa pag upload ng kanilang mga litrato sa kani-kanilang social media account.

Sa awa naman ng Dios, natapos akong
Kumain ng gabing yun kahit medyo distracted ako sa kanyang presensya.

Ngayon ang pang apat na araw namin sa siargao, napag isipan namin kong bumalik sa tatlong Isla, dahil hindi ko ito na enjoy, noon nag punta kami ditong apat nung unang araw namin dito, hindi sasama sila Aira at Margot, napag desisyunan nilang mag stay sa resort at dun na lang mag sunbathing kaya kaming dalawa lang ni Alden ang aalis.

Panay ang contact namin kay Rubini, pero sa tuwing tumatawag kami, si tita ang nakaka sagot o si Tito. Roel laging tulog kasi si Rubini o kaya nasa X-ray room. Kapag tinatanong naman namin sila Tita. Rowena kung kamusta ang pakiramdam ni Ruby, ang sagot niya ay mabuti naman ito, at tuloy tuloy ang pag galing, pero iba ang sinasabi ng kanilang mga mata ni Tito. Tired, Worried and Sad. Katulad kahapon nung nakausap namin sila, parang kagagaling lang ni Tita sa pag iyak.

"Sorry, Maine at Alden, dahil sa puyat nag karuon ako ng flu." Aniya at sumingot.

At hanggang ngayon hindi pa namin sila na ko-contact.

Lumapit si Margot sa akin, habang inaayos ang ang kanyang buhok. "Baka, naka silent yung phone ni Tita, o baka naman laboratory sila." Aniya sabay bumalik sa kama at nag pahid ng sun block sa kanyang katawan.

Pero iba pa rin ang aking pakiramdam, parang may mali o paranoid lang ako.

Lumabas si Aira sa bathroom, inaayos niya ang kanyang bathrobe. Tumingin siya kay Margot at sa akin.
"Hindi mo pa rin ma-contact?" Tanong niya sa akin umiling lang ako.

She wiped her hair using the towel, habang nag lalakad papunta sa kama.

"Try na lang ulit natin mamaya tawagan. Baka busy lang talaga sila." Aniya. "Wag kang masyadong mag alala Maine, I'm sure she's okay at nag papahinga lang talaga." Dagdag pa ni Aira.

I sighed and nod.

"Sana na nga Aira and Margot."

Sabay sabay kaming lumabas nang amin kwarto tatlo, para puntahan si Alden sa Restaurant para maka pag breakfast na din.

Naabutan namin siya na hawak ang kanyang cellphona, at panay ang pindot dito. Siguro katulad namin, his trying to contact Rubini too.

"Good morning Den." Bati ng dalawa kong kaibigan sa kanya.

Nag angat siya ng tingin sa dalawa at ngumiti bago tumingin sa gilid niya kung asan ako. I gave him a smiled at ngitian niya din ako.

He looked worried. Halata din sa mga Mata niya na hindi siya nakatulog kagabi.

Umupo ako sa kanyang tabi, at bahagya siyang hinarap, habang kumakain at panay tingin sa phone.

"Alden, kung nag alala ka sa kanya, wag na tayong tumuloy sa pag punta sa Isla." Seryoso kong sabi.

Tumingin siya sa akin. "Na-kausap niyo na ba siya?" Tanong niya sa akin. Habang isa isa kaming tignan.

Tinignan ko ang dalawa kong kaibigan na nasa harapan namin dalawa, umiling sila habang nag lalagay ng pagkain sa Plato.

"Huli kong nakausap si Tita. Rowena kayo tulog si Rubini, nakita ko nung itinapat niya yung video sa kanya." Sabi ko sa kanya.

He sighed habang nakatingin sa kanyang pagkain. Ilang beses na siya nag pakawala ng buntong hininga, na tila ba pinipilit niyang kalmahin ang kanyang sarili.

Heartbeat. (Completed.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon