MY HUSBAND

340 5 0
                                    

Chapter 11

Tia’s POV

Natapos ang meeting ng walang nagsalita isa man sa mga board members, hindi ko alam kung natuwa ba sila sa ibinalita ko o itutuloy parin nila ang pagbebenta ng shares nila.

“Good job Ms. President...” narinig kong sabi ni Mr. Tan. “Sabi ko na nga ba at magagawa mong i save ang company...” lumapit sya sakin at kinamayan ako.

“Congratulations Tia...” isa isa na rin lumapit sakin ang iba pang board members.

“Thank you...Thank you...Salamat....” napangiti na ako, ngayon sure na kong okay na ang company.

Pakiramdam ko may malaking tinik na nawala sa buhay ko kaya makakahinga na ko ng maluwag.

“Ma’am...” napatingin kami kay Candy.

“Yes?”

“N-nandito po si...hinahanap po kayo ng...” problema nito? Choppy ba ang signal?

“What?!” hindi ko na napigilan ang sarili ko, pati kasi mga board members mukang nagtataka na kay Candy. “Sino ba ang naghahanap sakin?!” kunot nanaman ang noo ko, nawala na din ang ngiti ko...kainis kasi tong babae na to, panira ng moment.

“Hi babe...” may lalaking sumingit kay Candy.

Whaaaaah!!!! Si...si Benj? Bakit sya nandito?, at papalapit na sya sakin!

“Ayan Ma’am...si Sir Benj po.” Si Candy. Napakamot nalang ito sa ulo saka tumalikod.

“Mr. Conde?” kilala sya ni Mr. Tan?

“Oh..hi, long time no see Mr. Tan?” hala magkakilala nga.. nagkamay pa sila.

“Hmmm are you related to Ms. Samonte?, bakit naligaw ka ata dito?” may pag ka tsismoso din talag tong matanda na to eh.

“Ikaw ang anak ni Gabriel Conde? The owner of Conde International?” tanong din ng isa pang board member, lumapit din ito at mukang na curious na din ang iba dahil nakatingin na sila sa gawi namin ngayon...

Bakit kasi bigla tong sumulpot?! At sikat pala sya?

“Yes I ‘am sir...” nakaniting sagot ni Benj.

“So...what brought yoy here?, wala naman business ang company sa company nyo I think??” curious talaga si Mr. Tan?

“Ah...di ba malelate ka na sa office? Bakit nandito ka pa?” singit ko, hoping na ma divert ang attention nila sa ibang bagay.

“Bumalik lang ako...naiwan mo kasi to.” Itinaas nya ang kamay nya na hawak ang cell phone ko.

“Mukang close kayong dalawa...pati ang cell phone mo naiiwan mo sa kanya Ms. Samonte?” singit nanaman ni mr. Tan, hindi parin pala sila umaalis sa gilid namin...ati yung ibang board members...Hindi ba uso ang word na PRIVACY sa mga ito?

“Mrs....Mrs. Tatiana Samonte- Conde.”

Whaaaaaah! Sinabi nya? Sinabi ba nya talaga?! God wala sa plano namin ang ipaalam to sa ibang tao...lalo na sa mga taong nandito sa loob ng conference room!

Npatingin silang lahat samin, narinig din ba nila? Pati si Mr. Tan hindi ko mabasa ang reaksyon.

“You mean...you and Ms. Samonte are---”

“Married... were married and I’m her husband.”

“T-teka...Ahmmm mabuti pa---” gusto ko na sanang lumabas pero hindi ako makasingit sa dalawa...

“Congratulations! Kaya naman pala inspired itong President namin... saying naman at hindi kami nakarating ng kasal nyo. Kaylan kayo kinasal?”

Okay...things are getting worst! Epal ka kasi Benjamin! Epal!

Gusto ko ng matunaw sa kahihiyan... nakatingin silang lahat samin, sakin. Mukang hindi rin sila makapaniwala sa mga nalalaman nila.

“Last month...gusto kasi namin talagang maging private ang lahat.” Private? Anong private sa ginagawa mo? Nalaman na nilang lahat tapos private????

“Ah... excuse us...m-may kaylangan kasi kaming pag usapan.” Hinila ko na palabas si Benj. Bahala na kung ano ang iisipin nila.

“Ma’am ano po ang nangyari?” nakasalubong namin si Candy pero hindi ko na sya sinagot, mas binilisan ko pa ang paglakad at hindi ko padin binibitawan ang braso nya.

“Damn Benjamin! Ano sa tingin mo ginagawa mo?!” kulang nalang ay ipalibag ko sakanya lahat ng nasa loob ng opisina ng makapasok kami. Feeling ko kaya ko syang pira pirasuhin sa galit.

“Hey calm down...ano bang mali sa ginawa ko? Wala nman akong sinabi na hindi totoo ah...”

“Calm down? You want me to calm down Benjamin? Damn!”

“Aw!” hindi ko na napigilan ang sarili ko, binato ko sa kanya ang unang bagay na nakahawakan ko...ball pen. “Shit! Kanina ka pang umaga ha! Namumuro ka na sakin!”

“Ikaw pa ang nagagalit ngayon?!!! Nalaman na ng lahat ng board members ang tungkol satin, sa tingin mo ano nalang ang mangyayari kapag nalaman nilang after 3 months hiwalay na tayo?! Nagiisip ka ba?!” hindi sya umiimik, naka tingin lang sya sakin at ewan ko kung tama ang nakikita ko sa mga mata nya. Disappointed sya? Saan? Bakit?

“Wala sa plano to, ang usapan natin magpapanggap ka kila Mamu...hindi sa lahat ng tao!” hindi parin sya nagsalita.

Silence....

Silence....

Silence.....

“I’m Sorry...” ibinaba nya sa table ang cell phone ko at lumabas ng opisina...

Naiwan akong nagtataka...hindi sya nagalit? Hindi sya nakipag talo?

Benj’s POV

Kaninang umaga ang saya saya ko, nagising kasi akong nakatitig sya sakin...nakangiti sya. Kahit na itinulaka ta sinipa nya ko, kahit na msakit ang pwet ko dahil nahulog ako sa kama at kahit hinila nya ko ng hindi pa ayos ang polo ko hindi naman ako nagalit...hindi ako nainis. Nagkunwari lang ako kaninang naiinis ako pero Masaya talaga ko...

Bumaba sya ng kotse at madaling madali, naiwan nya ang phone nya sa sasakyan kaya bumalik pa ako ng SGC para ibigay sakanaya yon...

Excited pa ako, hindi ko alam kung bakit.

Pero nagalit sya...dahil lang sinabi kong ako ang asawa nya...totoo naman di ba? Kasal kami.

Parang nage-echo parin sakin ang mga sinabi nya kanina, galit nag galit sya.

“Ikaw pa ang nagagalit ngayon?!!! Nalaman na ng lahat ng board members ang tungkol satin, sa tingin mo ano nalang ang mangyayari kapag nalaman nilang after 3 months hiwalay na tayo?! Nagiisip ka ba?! Wala sa plano to, ang usapan natin magpapanggap ka kila Mamu...hindi sa lahat ng tao!”

Nung narinig ko ang mga sinabi nya para kong sinampal ng disappointment, kung para san at bakit? Hindi ko din alam... baka dun sa part na after 3 months hiwalay na? O dun sa... ang usapan natin magpapanggap ka kila Mamu...hindi sa lahat ng tao!

Ewan ko ha pero nalilito din ako, naiinis ako pero hindi ko alam kung bakit, ano ba kasing masama kung malaman ng ibang tao? Totoo ang kasal namin...hindi nga lang totoo ang mga vows... haaay.

What’s happening Benj? Focus okay? Ano naman kung ayaw nyang ipaalam sa iba? Ikaw din naman di ba???? Ako din di ba??? Baby lang naman ang kaylangan mo Benjamin...baby lang...wag kang mag inarte dahil lang napagalitan ka ng witch na yon!

MAKE it REAL <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon