3 WEEKS

351 6 1
                                    

Chapter 27

Nick’s POV

“What brought you here?”

Napalingon ako sa babaeng umupo sa tabi ko, hindi ko sigurado kung ako ang kinakausap nya pero mukang ako nga dahil nakatingin na din sya sakin ngayon. Pero hindi ko nalang sya pinansin, binalik ko ang tingin sa basong hawak ko.

“Drinking alone?” she said with a sweet tone.

Why do I have this feeling na may hidden agenda ang babaeng to sakin?

“Do I know you Miss?” hindi na ko nakatiis, kahit kasi hindi ko sya lingunin alam kong nakatingin pa rin sya sakin.

“Nope… but I know you Mr. Domenic Anderson.” She smirked.

“Really huh? So who do you think I am?” nilagok ko ang laman ng hawak kong baso saka sya nilingon ulit.

“You are the one and only loving best friend of Benjamin’s wife…” lalong kumunot ang noo ko ng marinig ko ang pangalan ng asawa ni Tia. “I think we can be good friends…” ngumiti nanaman sya, pero this time makahulugan na talaga.

Para kong pinagpawisan ng malamig ng bigla syang tumayo saka ako hinalikan sa labi—but the next thing I knew, wala na sya.

Who is she? At bakt nya kilala si Benjamin at Tia? Even me?

Benj’s POV

Wala akong magawa sa office kaya nagpasya nalang akong bisitahin ang asawa ko…hmmmm sige na nga! Honestly marami akong kaylangan gawin pero kasi pakiramdam ko miss na miss ko na si Tia kahit na almost five hours palang kaming hindi nagkikita. Yiiih hindi ko naman alam na nakaka PBB teens naman pala talagang main love haha… imagine? Sa edad kong to…tsk. Forget about age hehe.

“Good morning Mr. Conde…” bati sakin ng staff sa lobby, nakatingin na din sakin ang iba pang staff…ayaw ba nila ko dito?

“Hi, I’m here for my wife…” pinilit kong ngumiti kahit ang totoo nagtataka na kong kung bakit parang ang daming nakatingin sakin.

“Ah...kaso sir sa pagkaka alam ko may meeting si Ma’am sa Cavite, kanina pa po sya umalis pero hindi ko po alam kung anong oras babalik… I’ll just call Ms. Candy nalang po muna.”

“Thank---”

“Benjamin?!”

“Ay Benjamin!” halos mapatalon ako sa gulat, pero may halong excitement kasi kilalang kilala ko ang boses na yon. Kahit nakita kong medyo natawa pa yung ibang staff okay lang nandito naman na ang lakas ko…woooh corny! “Hi B-babe!” nag alangan akong bigla nung lingunin ko sya, ang sama kasi ng tingin nya sakin. Mukang galing nga sya sa meeting.

“Why are you here?!” ayan na lagot na ata ako!

“Ah… eh babe kasi ano eh---”

“What?!”

Medyo napalakas ata ang sigaw ni Tia, nagtinginan na kasi lahat ng taong nasa lobby.

“LQ kaya sila?”

“Okay lang yan ang gwapo padin naman ni Sir Benj!”

“Sana ako nalang si Ma’am Tia…hindi ko sisigawan ang asawa ko kapag ganyan kagwapo…ihhhh”

Nag ha-hallucinate na ata ako sa kaba dahil kung ano ano na ang na ang naririnig ko.

“B-babe naman eh, do I need to have reasons para makita ka? Should I set an appointment next time? Sige I will talk to Candy later para maayos nya ang appointment ko sayo everyday with an agenda ‘I MISS YOU’ okay na ba yon babe?”

“Tsk. Ang dami mong sinasabi. Let’s go!”

Hehe ayos nakalusot galing mo talaga Benjamin!

Naglakad na kami papuntang elevator habang hawak ko ang kamay nya, tinatanggal pa nga nya hindi lang ako pumayag. Tsk hirap kaya lagi nalang syang ganon, laging may sumpong…minsan mabait madalas terror, daig pa teacher ko nung high school.

Pero naiintindihan ko naman kasi sabi ng doctor normal lang yon.

FLASHBACK:

 “Congratulations Mr. Conde, your wife is two weeks and 3 weeks pregnant!” nakangiting balita samin ni Dra. Lucas.

“WOOOOOOOOOOOH!” halos magtatalos talaga ko sa tuwa ng marinig ko yun. Oo alam kong nung una hindi ako masaya at kung hindi lang kami angkaron ng bagong kontrata ni Tia na ako ang magiging Daddy ng baby for ever eh baka nagbigti na ko dito! “Did you here that babe?” hinawakan ko pa ang kamay nya saka nagtatalon, di ko na mapigil eh.

“Benjamin!”

Waaaaaaaah napahinto ako sa sigaw nya, bakit nakasimangot? Hindi ba sya masaya? Ilang araw na kasi syang ganyan eh laging mainit ulo.

“S-sorry na babe, masaya lang talaga ko.”

“Okay, let’s go. Bye Dra. Lucas.” Yun lang ay tumalikod na sya.

“Wait babe! Mauna ka na sa kotse may tatanong lang ako kay doc.” Nginitian ko sya.

Mabuti at hindi na sya kumontra at lumabas nalang.

“WAAAAAAAAAH Doc mababaliw na ko, nakita nyo ba yon? Hindi manlang sya natuwa? Hindi na nga sya nagabalang magtanong ng iba pang detalye sayo…ano ba nangyayari sa asawa ko Doc? Lagi nya kong inaaway lately.” I know it’s so gay pero naiiyak na talaga ko pinipigil ko lang.

“Haha…don’t worry Mr. Conde nakuha na kasi nya ang mga information na kaylangan nya kanina pa nung nagbayad kayo sa cashier, pati ang schedule ng next check-up nya.” Nakangiti naman nyang paliwanag. “Tungkol naman dun sa pagbabago ng moods nya, normal yun sa mga butis, kaya intindihin mo nalang lalo na kapag nasa stage na sya ng paglilihi…baka kayo pa mapagliha haha”

Ahhhh ganon pala yun…Eh maswerte ang anak kop ag nagkataon J

END OF FLASHBACK…

Kaya ayun inuunawa ko nalang, nag search na din ako ng mga informations sa mga buntis para mas maintindihan ko sya, kaya ng ine-expect ko na maghahanap sya ng mga kung ano anong kakaibang pagkain eh…nabasa ko kasi sa internet, kaso parang wala naman syang nire-request. Tsk. Ang cute pa naman siguro non pag magpapabili sya sakin at lalambingin nya ko hehe.

“Benjamin!”

“Huh?” hala may na miss out ba ko kakaisip ko ng kung ano ano? Lagot nanaman ata ako ah.

KNOCK KNOCK KNOCK

Napalingon kami pareho sa pinto, ayos! Save by the bell, mayayakap ko ata kung sino ang papasok dito ngayon sa pasasalamat ah.

“Ma’am…ay Sir Benj nandyan ka pala.” Si Candy. Nako wag nap la kasi mas malalagot ako pag niyakap ko yan.

Tinanguan ko lang sya, lumapit sya kay Tia at may inabot na folders.

“Yan na po lahat Ma’am… after nyan pwede na po kayong mag leave.”

“Leave? Ikaw babe?”

“Hindi…ikaw! Sino ba kausap nya? Will you please shut up Benjamin?” napatingin na din sakin ni Candy,,,feeling ko naawa sya sakin. Oh ngayon pwede na ba kong mag lupasay?

Napatuko nalang ako, sabi ko naman kasi I’m not belong eh tsk.

“You may leave now.”

Tatayo na sana ko pero nakita kong kat Candy pala sya nakatingin, mabuti nalang hindi ako napahiya.

“B-babe…pwede na ba kong magtanong?” she just give me a death glare.

Tatahimik na nga lang, bakit sabi sa internet minsan magbabago ang ugali pero bakit si tia araw araw hindi naman minsan lang? mali mali naman si google!

MAKE it REAL <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon