Chapter 29
Jake’s POV
Nandito kami sa Bar na magkakaibigan… ang F4 hehe.
“Sino kasama ni Tia? Buti pinayagan lang umalis?” tanong ni Lester kay Benj.
“Yeah right… hindi ka na ba battered husband?” gusto kong matawa sa sinabi ni Dave pero pinigil ko kasi ang sama ng tingin ni Benj. Hehe gago talaga tong Dave na to.
Pero totoo naman kasi, nakakatawa nga silang mag asawa eh laging nagaaway, lagi naman talo si Benj. Pero nakakatuwang makita syang ganon, kahit na nahihirapan sya sa pagbabago ni tia dahil ng buntis nakaka pag adjust sya…halatang mahal na mahal nya ang asawa nya.
Kasi kung dati eh siguro patay na si Tia hahaha sama kaya ng ugali nitong mokong na to… lagi tuloy inaasar nila dave na yung dating BOSS at UNDER NA NI MISIS haha totoo naman kasi. Sa aming apat sya ang boss, takot kami lahat sakanya pero ngayon takot sya sa isang babae lang.
“Anong nginingiti ngiti mo dyan?” napatingin ako kay Benj, sakin pala sya nakatingin at ngumingiti daw ako? Kung ano ano kasi naiisip ko eh hehe.
“Wala…Sino nga kasama ni Tia ngayon?”
“Sinabi ko na di ba? Should I say it hundred times Villacorta?” see? Eh sa hindi ko nga narinig eh.
“Space out ka na ata pre eh… sabi ni Benj si Candy day” si Dave na sumagot sakin.
Tumango tango nalang ako…
“Nag leave na sya hanggang sa makapanganak sya…” biglang nagsalita si Benj.
“Good for her kasi di ba sabi mo bawal na syang ma stress, so ikaw na muna bahala sa SGC? Kaso baka sayo naman yung ma stress haha” pang aasar nanaman ni Dave. Hindi na ko magtataka kung mamaya nakahandusay nalang to sa sahig at duguan haha.
Nakita kong tumango lang si Benj, himala hindi nagalit…kaso mukang may iniisip syang malalim.
“I’m planning to introduce her to my family…uuwi kami don next week.”
“HA?!” sabay sabay naming tanong nila Lester at Dave.
Nakakagulat naman kasi, simula nung umalis sya sa bahay nila 10 years ago ay hindi na sya umuwi don ulit, nakikipag kita nalang sya sa kapatid at Mommy nya sa ibang lugar dahil ayaw nyang makita ang Dad nya tapos ngayon eh babalik sya don at ipapakilala nya si Tia?
“Teka sure ka bang okay ka na pre? I mean baka mamaya eh mag back out ka nanaman?” si Lester.
Dati kasi sinubukan na din namin syang pilitin umuwi don pero nung nandon na kami sa labas ng bahay at nakita nya nag dad nya umuwi lang din kami… pero ngayon balak nyang mag stay don ng one week?
“Tia said na I should try…”
Ahhh kaya naman pala eh, mabuti at nakikinig sya kay Tia.
“Eh di mabuti Dude… tama naman ang asawa mo kasi hindi naman habang buhay kang makakaiwas sa Dad mo…besides sure akong miss na miss ka na ni Tita Deth.” Sabi ni Dave.
“Pero ready ka na din bang kausapin si tito?” I said. Muka kasing dahil don kaya sya nagiisip ng malalim ngayon. “Imposible naman kasing hindi kayo magkaharap kung one week kayong mag stay don…” I added.
“I know…” yun lang ang sinabi nya saka inubos ang laman ng basong hawak nya.
Nagkatinginan nalang kami ni Dave at Lester, kinakabahan ako at the same time hangga ako sakanya kasi haharapin na nya yung matagal na nyang iniiwasan… thanks to Tia.
BINABASA MO ANG
MAKE it REAL <3
RomanceMs. Tatiana Samonte- CEO/PRESIDENT/EVIL Queen 30 years of age Single looking for... WANTED: Husband Gwapo Matalino May maganda at stable na trabaho At higit sa lahat SINGLE... Artista lang ang peg di ba? Mr. Benjamin Conde- Hot Bachelor/ Young Busin...