ROSE

342 6 0
                                    

Chapter 14

Mamu’s POV

Nasa harap na kami lahat ng hapag kainan...mabuti at dumating na din ang asawa ng apo ko..pero halatang hindi parin sila maayos...kanina nga ay halos mapagot na ang litid ko kakatawag sa apo ko pero parang bingi bingihan ang mode nya.

Habang kumakain ay napaka tahimik namin, walang nagsasalita kahit ang sweet heart ko palipat lipat lang din ang tingin nya sa mag-asawa kagaya ko..para kasing hindi sila mag kakilala.

“Weekend na bukas...” basag ni sweet heart sa katahimikan. “Baka naman pwede nyo na kaming samahan mamasyal...tutal naman ay two days nalang kami dito sa Sunday ng gabi ay babalik na kami ng Cebu...”

Napatingin ang dalawa sa Papu nila...ako? hindi na nagulat kasi napag usapan na namin kanina yon. Simula kasi nung dumating kami dito hindi pa naman nakakasama ng maayos ang dalawa na to, lagi silang busy.

“Ah..eh Papu may mga inaayos pa ako sa---”

“Tatiana!” saway k okay Tia, alam ko na kasing idadahilan nya ang trabaho. “two days lang hindi mo pa kami mapagbigyan? Stable na ulit ang kumpanya...msyado bang mga tanga ang mga tao mo at hindi mo maiwan sakanila ang SGC?!” nag galit galitan na ako...baka sakaling pumayag na sya.

“O-okay...”

“San nyo po ba balak pumunta?” si Benj?

Buti pa itong bata na to hindi matigas ang ulo kagaya ng apo ko!

“Hijo balak sana namin mag swimming...” summer kasi eh ang init...

“May nakita kaming maganda resort sa internet kanina...dun namin balak ng Mamu nyong magpunta...bali two days and one night lang tayo dahil Sunday ng gabi na ang flight namin pabalik ng Cebu” dagdag pa ng sweetheart ko.

“Okay lang po sakin, matagal na nga po akong hindi nakaka pag outing eh...” nakangiting sabi ni Benj. Mukang mabait talaga itong bata na to...

“Ikaw Tatiana?!” tinaasan ko pa sya ng kilay...

“Do I have a choice?” hay pasaway talaga tong bata na to...

Tia’s POV

Hay kahit kaylan talaga hindi na nila ko binigyan ng choice...Swimming?! ano naman ang gagawin ko don eh alam naman nilang hindi ako marunong lumangoy!

Paglangoy lang sa kama ang alam ko...na ginagawa ko ngayon..hindi nanaman kasi ako makatulog kahit na hindi ko naman katabi si Benj.

Yep...hindi kami magkatabi dahil kanina inaway ko sya at pinilit kong sa sahig sya matulog...nakakapagtaka nga dahil hindi na sya nakipag talo at sumunod nalang sya....

Hindi kaya sya mapulmunya sa lamig ng sahig?

Sinilip ko sya...muka ngang mapupulmunya sya kasi nman ang lakas lakas ng aircon eh natutulog ng naka hubad...tapos may kumot nga yaw nman gamitin, feeling naman nya maganda syang tingnan na naka boxer lang at nakatihaya...hindi kaya sya magandang tingnan! Ang sexy lang!

WAAAAAAAAH!!!! HAAALAAA! Anu bang pinagsasasabi ko?! Makatulog na nga at maaga pa daw kaming aalis bukas!

__________

Nasa byahe na kami, napaka aga nilang kong ginising...halos kakaidlip ko palang nga ata non! Hindi nadin kami nag break fast...nagbaon nalang kami ng mga sandwich na ginawa kanina ni Mamu. Mga excited eh!

Sa laguna daw kami pupunta...dun daw kasi yung resort na sinasabi nila...

Ang dami nilang dalang gamit parang  dala na ata nila ang buong bahay, samantalang ako isang maliit na travelling bag lang ang dala ko pati si Benj. Hay matatanda nga naman.

MAKE it REAL <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon