ONE WEEK

325 6 0
                                    

Chapter 10

Benj’s POV

Nilapitan ko sila sa sala... nakita kong yakap ni Mamu si Tia at tingin ko ay umiiyak ito.

“Babe...water?” inabot ko kay Tia ang dala kong isang basong tubig.

“Thanks.” Kinahuha nya yon at ininom.

Naupo ako sa tabi nya.

“Ah hijo...apo.” si Mamu. Parang may gusto syang sabihin at tumingin pa sya kay Papu, parag nanghihingi ng permiso sa sasabihin. “Dito muna kami magi –stay for a week...okay lang ba sa inyo?”

“Ahhurrg....urrgghh ahham akkk akkk...” halos magkanda labas sa ilong ang tubig na iniiinom ni Tia...ano kaya yun? Kadiri talaga tong babaeng to, natalsikan pa kasi ako ng kaunting tubig na naibuga nya! Ewww!

“O-okay ka lang ba apo?” halos sabay pang sabi ng dalawang matanda.

Hindi [a din sya makapagsalita...kahit ako, alam kong nagulat si Tia kasi naman wala sa plano naming ang makasama sila ng one week!

“Okay lang ba Benj?” baling sakin ni Papu.

“Ah eh...oo naman po.” I give him a big smile... as if naman may choice ako!

“Bakit naman one week Mamu...Papu?” ayan nakapagsalita din sya...tubig nalang kasi hindi pa mainom ng maayos eh.

“What’s wrong with that apo? Ayaw mo---.”

“Gusto nya Mamu...gusto po naming. Okay nga po yon para makapag bonding pa tayo, iniisip lang po kasi ng asawa ko nab aka mainip kayo dahil pareho kaming busy sa work pag week days...” paliwanag ko nlang...sana makalusot at hindi kami makahalata....

 “Aw!” kinurot ko kasi sya...napaka botcha naman kasi ng babaeng to!

“Bakit apo?”tanong ni Papu?

“Aw...I mean ah wala pong problema...tama po ang asawa ko, nagaalala lang ako sainyo di ba babe?” ngumiti sya sakin pero alam kong yung ngiting yon iba ang ibig sabihin...parang sinasabi nyang “HUMANDA KA SAKIN MAMAY!!!” hahaha pero atleast nakakurot naman.

“Dun nap o kayo sa guestroom.. tulungan ko nap o kayo sa mga gamit nyo.” Kinuha ko ang dalawang travelling bag na hindi naman kalakihan...

Hindi ko alam kung anong plano nila at dito sila magi –stay kahit na marami nmang hotel at may pambayad naman sila...siguro gusto nila kaming bantayan...It will be a tough week I’m sure.

Nasa guest room na ang dalawang matanda at kaya pumasok na din kami sa kwarto ko...inis na inis si Tia ako naman tuwang tuwa...haha pabor kaya sakin to!

“Ang liit naman ng kama mo!” nakahiga na kami sa kama..halos mahulog na ako sa kama dahil tulak sya ng tulak...diring diri ah!

“Stop!...kapag ako nainis magsisisi ka!” umayos ako ng higa at tumigil na din sya sa pagtulak, tumalikod sya sakin at niyakap ang unan. Mas gusto pang yakapin ang unan eh! Mas huggable kaya ako! “Kung makatulak ka parang hindi mo ko nakatibi ng isang buwan!” pang aasar ko pa...totoo naman kasi, nangyayakap pa sya kapag nananaginip...gusto ko naman hihi.

“Tse! Matulog ka na nga dyan!” umusog sya palayo sakin, halos mahulog na sya sa pagiwas sakin eh...

“Huh...napaka arte! Feeling mo naman gusting gusto kitang katabi!” hindi nga ba Benj??? Hehe syempre denial stage! Makatulog na nga rin.

Tumalikod din ako sakanya at inilagay ang isang unan sa pagitan namin.

Tia’s POV

MAKE it REAL <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon