ICE CREAM

289 5 0
                                    

Chapter 21

Tia’s POV

“Oh…kakamayin mo bay an?” inabutan nya ko ng kutsara.

Gutom na din ako kaya inabot ko na din…inilapag ko ang dalawang gallon na ice cream sa center table. Kaso hindi kaya sumakit ang tyan ko kasi ice cream agad?

“Bakit?” tanong nya sakin…binuksan na nya yung isang gallon. “Ayaw mo ba? Kala ko uubisin mo to?”

“H-hindi kaya sumakit ang tyan ko?”

“bakit nakakasakit na ba na ba ngayon ng tyan ang ice cream? Bakit mo pa binili?”hay kahit Kaylan talaga ang sama ng ugali nito!

“Hindi pa po kasi ako kumakain ng dinner!”

“Huh? I thought---”

“Ano? Na nakipag date ako at nakipag yakapan nanaman kaya busog ako?! Hindi kaya ako nakapag lunch kanina dahil sa dami ng meetings ko tapos di padin ako nagdi-dinner!” Inirapan ko sya then I crossed my arms…puro kasi akala!

“Tsk….bakit di mo kasi sinabi agad. Ipapagluto kita, wait lang…” tumayo sya at nagpunta sa kitchen.

Pano ko naman masasabi eh para syang machine gun kanina!

KRUUUUK KRUUUUK

Ayan nagrereklamo na ang tyan ko… L

_________________

“Ikaw kasi noodles lang kinain mo kanina!” he hand me a bowl of crab and corn soup and a plate with rice and fried fish…

“Eh hindi ko mabuksan yung stove baka sumabog eh!” pano nya kaya nalaman? Ah baka nakita yung cup ng noodles.

“HAHAHAHAHAHAHA” nakahawak na sya ngayon sa tyan nya….may pa padyak padyak pang nalalaman! Ano bang nakakatawa don? “HAHAHAHHA….Ptfff….HAHAHAHAHA”  nagkakanda higa na sya sa sofa sa kakatawa.

“Kabagan ka sana!” inirapan ko nalang sya habang nagpupunas ng luha…tears of super joy! Asar!

“S-sorry…dapat kasi pinagluto na kita bago ko umalis.” Bigalang sumeryoso ang muka nya. “Kumain ka na…hintayin kitang matapos para sabay tayong kumain ng ice cream…” ngumiti sya.

Gutom na talag ko pero bakit parang ayaw ko pang kumain dahil gusto ko pang titigan ang muka nya?

“Kumain ka na…hindi ako nakakbusog.tsk.”

Binabawi ako na….YABANG! hmp.

Kumain nalang ako. Pakiramdam ko hindi dirediretso na sa bituka ko yung mga kinakain ko…sobrang gutom kasi eh.

“WAAAAh…I’m full…” sumandal ako sa sofa at hinimas himas pa ang tyan ko, naubos ko kasi ang binigay nyang pagkain. Busog na busog ako.

Kinuha nya ang pinagkainan ko at nilagay sa kitchen. “Anong full may ice cream pa!” sabi nya pagbalik,tiningnan pa nya ko ng masama at umupo ulit sa tabi ko.

“Hindi ako mahilig sa matatamis….pero dahil galing sa asawa ko kakain ako…” nilingon nya ko at ngumiti sya...

LUB DUB LUB DUB LUB DUB

“Hindi ako mahilig sa matatamis….pero dahil galing sa asawa ko kakain ako…”

“Hindi ako mahilig sa matatamis….pero dahil galing sa asawa ko kakain ako…”

“Hindi ako mahilig sa matatamis….pero dahil galing sa asawa ko kakain ako…”

Natulala nanaman ako, pakiramdam ko nage-echo sa tenga ko ang sinabi nya…totoo ba yon o imagination ko lang? pero bakit naman ako magiimagine ng ganon?

“Babe?”

“Huh?” back to reality.

“Hindi ka pa ba kakain? Hindi ko to mauubos….” Nakangusong sabi nya….parang bata ang cute lang...”Bakit ka nakangiti?”

“W-wala…” shit bakit ba ko biglang ngumingiti?

“Oh…say ahhh.” Itinapat nya sa bibig ko ang isang kutsarang may ice cream…ang kulit busog na nga ako eh. “Pag hindi ka kumain iisipin kong bigay lang to nung hampas lupa!” nakanguso nanaman sya.

LUB DUB LUB DUB LUB DUB

Waaaaaaaaaaaaaah ! anu nanaman? Baka hindi ako matunawan nito eh…pakiramdam ko nagkakagulo nanaman ang mga organs ko, bakit ba parang nagugustuhan ko pa kapag tinatawag nyang hampas lupa  si Nick?

“Shit! Bakit ko ba to kinain! Sabi ko na ng aba, this is from your fucking price charming!” padabog nyang ibinaba ang kutsara.

“A-ano ka ba! Natapon na oh!” pinulot ko ang lutsara saka pinunasan ng tissue ang hita nya…natalsikan kasi ng ice cream.

Kasi naman eh bakit ba hindi ko nalang sinubo? Natulala nanaman kasi ko!

“Matutulog na ko!” hinawi nya ang kamay ko sa hita nya at tumayo.

Ano ba yan parang paulit-ulit naman kami… talikod, upo, walk out, balik…haaaay. Pero this time nakapasok na talag sya sa kwarto.

Pero hindi pa ko nakakapag- sorry sakanya eh! Damn bakit ba kasi hindi ko pa sinabi kanina? Saka para san ng aba yung sorry? Tsk. Ngayon lang ako magsosorry sa tao hindi ko pa alam ang dahilan!

Tumayo ako dala ang ice cream, yung isang gallon na hindi pa namin nabubuksan nilagay ko nalang sa freezer, then I carry the other one saka pumunta sa harap ng pinto ng kwarto ni Benj.

Am I really doing this? Bakit ba kasi parang hindi ako makakatulog hanggat galit sya? Bahala na nga!

KNOCK KNOCK KNOCK

Walang sumasagot…pinihit ko ang door knob. bUkas naman pala. Nakita ko syang nakahiga….ay nakadapa pala sa kama.

Lumapit ako at umupo sa gilid ng kama nya.

“Benj look oh….hmmmm ang sarap ng ice cream oh.” Tsk. Ang pangit para naman akong bata! Iba nalang…

“Benj…kinakain ko na oh….” Haaay failed!

Hindi pa rin sya gumagalaw pero alam kong gising pa sya. Ibinaba ko ang ice cream sa side table saka tinitigan ang nakadapa kong asawa….

One month nalang…one month nalang at hindi na nya ko magiging asawa, magiging baby maker nalang nya ko.

Bakit parang ang sakit? Bakit parang ayoko pa? natatakot ba kong manganak? O natatakot akong iwanan na nya ko after I gave birth?

Takot??? Haaaay natatakot na ng aba kong iwan nya ko? Bakit? Hindi ko alam…hindi ko maintindihan!

Iniling iling ko ang ulo ko…ayoko ng naiisip ko, ayoko ng malaman kung bakit. Besides yun naman talga ang usapan.Papakasalan nya ko.

After 3 months makukuha na nga ang gusto nya

After I gave birth magdi-divorce kami at lalayo na sya.

Wala naman dapat mabago dun…wala naman dapat baguhin pa don Tatiana.

Nasalba mo na ang kumpanya, tapos na ang problema mo di ba? You should be happy. Pero bakit------.

Natigilan ako nanlabo ang paningin ako at…mag bumagsak nalang na mga luha sa mata ko.

MAKE it REAL <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon