MEET THE FATHER

324 8 2
                                    

Chapter 32

Bernice’s POV

Maghapon na kaming tawanan ng tawanan ni Ate Tatiana, ang cute ng name nya kaya gusto kong sinasabi ng buo kahit sabi nya Tia nalang daw…

“Ate alam mo akala ko talaga dati bruha ka” out of nowhere bigla ko nalang nasabi, hindi ko naman na balask sabihin yon kaso makulit talaga dila ko eh hehe.

Buti nalang at wala si Mommy lalo na si Kuya dahil nasa kusina sila, kung hindi mapapagalitan nanaman ako.

“Ha?” napakunot ang noo nya. Opps mukang mali ata nasabi ko hehe.

“Hehe…wala lang kasi nung nakausap kita dati sa phone napaka sungit mo.” Paliwanag ko saka itinuloy ang paglalagay ng mga damit nila sa closet.

Tinulungan  ko kasi syang magayos ng gamit nila sa kwarto.

“We’ve talk?” mukang wala syang idea sa sinasabi ko.

“Hehe ako kasi yung nakausap mo dati…remember the girl na pinagbabaan mo ng phone dahil sinabi na natutulog pa ang asawa mo? That’s me hehe” napakamot ako sa ulo. Baka kais magalit sya sakin eh.

Halata kasing galit sya noon, or should I say nagselos sya kasi naman babae ang sumagot sa phone ng asawa nya tapos sinabi pang natutulog eh di syempre iba na iisipin non.

“Ahhh ikaw pala yun…sorry.”

“Nako ate ako nga dapat mag sorry eh, pero sinamahan ko lang naman non si kuya kasi ayaw daw nya umuwi kaya nag stay sya sa hotel… tapos ayun pinaliwanag na nya sakin yung tungkol sa nabasa naming news about sa inyo.”

“Haha, I understand… yun pala yung sinasabi nya noon na inayos nya.”

“Eh ate pano nga ba kayo nagkakilala? Wala naman samin nababanggit si kuya dati na may girlfriend sya, kahit sila kuya Jake kaya nagulat kami nung kasal na pala sya…tapos hindi ako ang abay huhuhu”

“Haha sorry, sa US kasi kami nagpakasal…saka hindi naman sa church kaya---”

“Let’s eat…”

Naputol ang kwentuhan namin nung biglang bumukas ang pinto.

Si Kuya lang pala!

“Babe let’s go…” sabi ni kuya saka mabilis na lumapit kay ate at inalalayan ito patayo.

“Kaya ko naman na Benjamin!”

“Babe naman eh…na miss kaya kita.” Ngiting ngiti naman si kuya.

Pinigilan kong matawa sa expression ng muka ni Kuya, para kasi syang bata.

Pero ngayon ko lang sya nakitang ganon at ang cute nilang tingnan… kitang kita na mahal nya talaga si Ate kasi ngayon  ko lang din naman sya nakitang ngumiti eh.

Kinikilig tuloy ako! Yiiiiiih! Maka pag asawa na nga din hihihi.

Tia’s POV

Kumakain na kami ngayon at ang tahimik… wala akong naririnig na nagsasalita kahit ang mga kasambahay, kahit na kanina naman ay hindi ganito katahimik sa bahay.

Dahil siguro nandito na ang daddy ni Benj? Parang lahat kasi takot sakanya eh…

“Ahm hija, ilang months na pala ang tyan mo?” sa wakas ay nagsalita si Mommy Deth, malapit na kasi akong maiyak sa tension eh.

“Ah…eh malapit na pong mag three.” Hay bakit ba kinakabahan ako.

Tiningnan ko si Benj, ang dilim ng muka nya… pakiramdam ko anytime pwede syang makasakit.

MAKE it REAL <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon