RUNAWAY Epilogue

20.1K 1K 111
                                    

Sleep drunk
***

"Tulog na tulog siya," sabi ni Jeron sa likuran ko.

Humarang ako sa bukas na pinto ng backseat para hindi niya mapanood pa si Mimi. Ilang minuto pa lang sa biyahe, panay na ang hikab ni Mi. Panay rin ang deny na inaantok na siya tuwing magkakatinginan kami. Nakabantay ako sa rear-view mirror nang tuluyan siyang makatulog.

"Pa'no? Gisingin mo na," si Jeron. "Nakaayos na 'yong kukuwartuhan niya sa loob."

Nilingon ko sandali ang malaking bahay. Ang sabi ni Jeron, Lola at Tiya niya lang ang nando'n. Girlfriend niya lang ang bisita.

" 'Yong girlfriend mo?" tanong ko.

"Sabi ko, mauna nang matulog. Ewan ko lang kung naghihintay pa," sagot niya.

"Tulog na'ng Lola at Tiya mo?"

"Kanina pa."

Bumalik ang mata ko kay Mimi. Malalim ang paghinga niya sa backseat. Nakakiling ang mukha sa headrest—naliliwanagan ng mahinang ilaw ng kotse.

"Subukan ko siyang gisingin," sabi ko. But it would be a feat. Mas madali kung bubuhatin ko na lang siya. Hindi pa siya maiistorbo sa pagtulog.

Tumango si Jeron. Dumukwang naman ako sa kotse at mahinang niyugyog sa balikat si Mi.

"Mi? Nandito na tayo. Gising ka muna."

Umungot lang siya. She nibbled on her lips bago naghawi ng buhok. Pagbaling ng mukha niya sa kabilang parte ng kotse, mas malalim na ang paghinga niya.

Tumuwid ako ng tayo at lumingon kay Jeron.

"Tulog naman na'ng mga tao sa bahay n'yo, 'no?" ani ko.

"Oo. Bakit?"

"Buti naman."

Dumukwang ako uli sa backseat at iniyakap ang braso ni Mi sa balikat ko bago siya buhatin.

"Hoy, dude..."

"Sa'n ang kuwarto niya?" tanong ko kay Jeron.

Naiiling siyang lumakad sa direksyon ng bahay nila. "Tara."

Umungot si Mimi sa leeg ko bago humigpit ang yakap. "Tulog ka lang, Mi," bulong ko. "I got you."

***

Mas magaan na si Mimi kaysa sa naaalala ko. Nang ihiga ko siya sa silid sa ground floor, malakas pa ang braso ko. Parang gusto ko pa siyang buhatin uli. Kaso, nakaabang si Jeron manukso kaya nagpigil ako. Binalikan namin ang mga maleta at bags sa kotse. Pagkadeposito ng maleta sa kuwarto ni Mi, tumuloy kami sa kuwarto ni Jeron.

Unang nakatulog si Jeron kaysa sa'kin. Ako naman, hindi matahimik. Kailangan kong i-check si Mi. Parang may nakalimutan kasi ako.

Pagbukas ko ng pinto ng kuwarto ni Mimi, nakaupo siya sa kama.

"Mi?" tawag ko. "Gising ka?"

Ungot muna ang nakuha kong sagot. "Warren..."

Malabo ang mukha niya sa mahinang ilaw na naiwang nakabukas. Pumasok ako sa kuwarto niya para makita siyang mabuti.

"Ano 'yon, Mi?"

Nakapikit siya kahit nakaupo. Kapag parang napapamulat siya, maliit na maliit ang bukas ng mata niya.

A Whiff of Chocolate (Candy Series Special) (Published under Flutter Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon