STRANDED Epilogue

19.4K 981 484
                                    

***

Ivan:
Di pa kayo tapos dyan?


Naghintay akong bumalik ang reply ni Yanyan sa'kin habang nakaupo sa verandah. Nagpamasahe sila nina Pfifer at Iya sa spa sa ibaba ng hotel.


Yanyan:
Istorbo ka, Kuya. -__-

Ivan:
Matagal pa nga? Haha.

Yanyan:
30 minutes pa raw. Bakit?
Gutom ka na ba?


Ang usapan, magkakasama kaming kakain ng hapunan bago matulog. Pero ayokong sumabay sa kanila. Magkakasabay na kami kagabi dahil dumating sina Hakob at Iya. Eksaktong kailangan ding magpahinga ni Pfifer dahil ayokong magtagal 'yong sakit ng katawan niya.


Ivan:
Dito kami sa suite magdi-dinner
ni Pfifer.

Yanyan:
Nagpa-room service ka na?
Prepared na dyan? Magsa-shower
pa to si Ate.


Lumapad ang ngiti ko. Puwede naman kaming mag-shower nang magkasabay ni Pfifer. Tipid sa tubig.


Ivan:
Hindi pa naman. Kaya nga ko
nagtatanong para alam ko kung
ipahahanda ko na.

Yanyan:
30 minutes pa. Tapos saka kami
aakyat dyan.

Ivan:
Akyat agad kayo. Baka gutom na si
Pato at Hakob.

Yanyan:
Tsk. -__-


Nang hindi na mag-reply si Yanyan, tumawag ako sa room service para magpahanda ng pagkain. Ibinilin ko rin ang paboritong red wine ni Pfifer. Napa-request ko na 'yon kay Yanyan bago pa kami dumating.

Nag-group message din ako kina Hakob at Pato.


Ivan: hoy, di na kami sasabay sa dinner.


Ang bilis ng reply no'ng dalawang gago. Kagabi pa tsismoso makatingin dahil sa kiss mark ni Pfifer sa leeg.

Hakob: ?

Pato: Bakit?

Ivan: Matutulog na kami ni Pfifer.

Hakob: fck

Pato: style mo, doraemon


Triggered sila, eh. Alam agad nila 'yong sinasabi ko.


Ivan: hahahahahaha.

Ivan: para sa pamangkin nyo to, mga gago


Natawa lang ako nang puro thumbs down na ang matanggap ko.

***

Lagpas tatlumpung minuto nang bumalik si Pfifer sa suite namin. Naka-robe lang siya. Mas relax nang tingnan kahit na siguradong nakita nina Yanyan at Iya at ng mga masahista 'yong marks sa katawan niya. Hindi na siguro masyadong nahihiya.

"Hey, Potchi," bati niya at yumakap agad sa'kin.

She smelled of scented oil and flowers. Huminga ako nang malalim.

"Kumusta 'yong massage? Nawala sakit ng katawan mo?" tanong ko at iginiya siya papunta sa verandah kung nasa'n ang dinner namin.

Mahigpit ang yakap niya sa braso ko. Nararamdaman ko sa tagiliran ko ang dibdib niya.

Napalunok ako.

Kung dati, matutukso lang ako nang sobra kapag sinadya niya, ngayon, natutukso na 'ko kahit wala pa. Kailangan niya lang huminga sa isang lugar na kaming dalawa lang, matutukso na 'ko. Gugustuhin ko nang mahalin siya sa paraang ngayon lang namin ginagawa. Gugustuhin ko nang angkinin siya nang paulit-ulit.

Tanginang karupukan.

Inalalayan ko siyang umupo sa puwesto niya sa mesa. Nagsimula kaming kumain.

"The massage's good. Nawala 'yong sakit ng katawan ko," sabi ni Pfifer. "Nakatulong din 'yong warm bath kagabi at kanina." Malapad ang ngiti niya sa'kin. Masigla sa pagsubo. Walang inhibisyon kung hindi masyadong mahigpit ang pagkakatali ng robe niya at madali kong makita ang katawan niya.

Hindi ako makapag-concentrate sa pagkain ko.

"We were talking about the three of you way back in college. Ang daming kuwento ni Iya sa inuman session n'yo sa porch nila."

"Do'n kasi kami madalas sa compound uminom. Laging nakabantay si Iya kay Jacob."

"Yeah, she told me. Nagbabantay nga raw siya kasi baka lamukin si Jacob. She's too precious, that girl," sabi ni Pfi at mahinang tumawa. "Jacob's lucky."

Nakangiti ako sa patuloy na pagkukuwento ni Pfi. Bata ang tingin ko dati kay Iya, parehas kay Yanyan at Mimi. Nakabakod kami sa mga lalaking kumukursanada sa kanila para maprotektahan sila. Ngayon, lahat sila, nagto-two piece na at hindi nakikinig kahit bawalan. Susmarya.

"Ikaw? Ano'ng ginawa mo rito?" untag niya sa'kin.

Nag-exercise ako. Pero ang weird sabihin n'on. "Nanood lang ng TV."

"Napagod ka today?"

Nag-island hopping kami at nag-swimming sa Hundred Islands. Pero kasama ko siya kaya hindi ako napagod.

Hindi ako mapapagod.

"Hindi. Ikaw?"

Nagtagpo ang mata namin ni Pfifer. Nauna siyang kumurap kahit ako ang unang napaso.

"Uh... hindi rin," sagot niya.

Dalawang araw pa lang kaming kasal pero madali sa'king basahin kung kailan natutukso si Pfifer. At kagaya ko, marupok siyang matukso lalo na 'pag dadalawa na lang kami.

Bumagal ang pagnguya niya ng pagkain. Gano'n din ako. Nang magsalin siya ng red wine sa glasses namin, tuksong-tukso na 'ko sa kanya.

"Come here, Wife," sabi ko sa kanya.

Walang tanong siyang tumayo mula sa upuan at hawak ang alak niya ay lumapit sa'kin. Hinila ko siya para maupo sa kandungan ko.

"We still have wine," paalala niya.

"Alam ko," sabi ko at idinikit sa baso niya ang sa'kin. Maliit ang tunog na nilikha niyon. "Drink up."

Sumimsim siya nang kaunti sa inumin habang nanonood lang ako sa kanya. Nang ihiwalay niya sa labi niya ang wineglass, diretso niyang ibinaba iyon sa mesa.

"Potchi..."

"Ang sabi ko kina Pato at Hakob, matutulog na tayo," una ko sa kanya.

Kinagat niya ang labi niya. "Are we really sleeping tonight?"

"Oo," sagot kong nakatitig sa kanya. "But let me love you, first."

Malamlam ang mata niya sa'kin nang kalasin ko ang pagkakatali ng robe niya at hinayaan iyong malaglag sa sahig. Yumakap ang braso niya sa leeg ko. Sapo ko na siya sa batok bago pa bumaba ang labi niya sa'kin.

Sa kanya ang halik na buong buhay kong aasamin kahit paulit-ulit ko pang matikman. Nang sumisigaw na ang tensyon sa katawan ko, huminto muna ako. Kailangang huminto.

"Mag-shower muna tayo," bulong ko sa labi niya at binuhat siya.

"Okay, Potchi."

But she kissed my neck on the way to the bathroom. Kahit paghinga niya sa balat ko, malaking tukso. Gusto ko namang matapos muna kaming mag-shower pero wala. Hindi na naman kami umabot sa kama ng suite. ++1050g / 01022019

A Whiff of Chocolate (Candy Series Special) (Published under Flutter Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon