HONEYMOONERS Part 4

14.8K 829 91
                                    

***

Nakahalukipkip ako sa elevator suot ang robe ko, pinanonood ang pagpapalit ng floor numbers sa display. Sumusulyap naman si Jesuah sa'kin, nakikiramdam sa kasungitan ko. Naka-robe na lang din siya. Nang mag-shower ako sa honeymoon suite, lumipat siya sa kuwarto nila at doon nag-shower.

Ngumiti siya sa'kin nang magtama ang mga mata namin. Nagbuntonghininga naman ako.

Alam kong ang moody at temperamental ko ngayong araw dahil lang hindi ko magawang mangulit nang ayon sa gusto ko. Wala siyang kasalanan pero sumasalo na naman siya ng pagsusungit ko.

Kumabit ako sa braso niya at tumingala sa kanya. "Sorry, Mister."

"Saan?" aniyang magaan pa rin ang ekspresyon sa mukha.

Bumusangot ako. "Sa pagsusungit."

Umakbay siya sa'kin at idinikit ako sa tagiliran niya. Hinalikan niya 'ko sa basang buhok ko. "Okay lang. Ang cute mo nga, eh."

"Cute pa rin sa sa'yo 'tong tantrums ko?" I asked in disbelief. Whenever he says that my tantrums are my charms, seryoso siya ro'n?

"Ayaw mong maniwala? Gusto mong gawan ko pa ng knock-knock 'yan?"

Inirapan ko siya. Mahina naman siyang tumawa.

"Basta, sorry, ha? I didn't mean to be so moody," sabi ko.

" 'Wag ka kasing masyadong magplano ng masama para hindi ka mainis 'pag napurnada," aniya.

Tsk. Hindi rin naman siya gano'n ka-affected sa'kin today--unlike most days. Siguro dahil tirik ang araw kanina? Mas may mood siguro 'pag gabi na? Like tonight?

"Mga ga'no raw katagal 'yong massage?" untag niya sa pananahimik ko. "Matatapos ba agad 'yon?"

Tumingin ako sa kanya. Bakit parang gusto na naman niyang mag-oras? 'Yong sa bathtub, kalulublob pa lang namin, nagtatanong na siya kung magtatagal pa. Itong massage, papunta pa lang kami, parang impatient siya agad. Hindi naman siya 'yong klase na impatient. Maliban kung ayaw niyang magpamasahe.

"Ayaw mo ba ng massage?" I asked.

"Okay lang. Masakit din balikat ko, eh."

"It will be good, lalo na dahil pagod ka. Mga forty-five minutes daw 'yong full body massage."

"Sa iisang room ba tayo?"

"Hindi ko sure, pero malamang? Bakit?" ani ko.

"Wala. Curious lang."

***

Sinalubong kami ng attendant nang makarating sa spa. Ipinaliwanag sandali ang procedure at pinapirma kami sa claim stub ng promo. Since I was already wearing a robe, I was told to take my brassiere off before going to the massage room.

Gaya ng malamang ko, sa iisang kuwarto nga lang ang couple's massage. We were welcomed by fragrant oils and flower scents. Two massage tables were in the middle of a low-light room. Pinadilaw pang lalo ang silid ng mga kandilang nakasindi. May mahina ring musika na tumutugtog.

It's for relaxation but the set-up feels both sensual and awkward to me.

Kahit si Jesuah ang kunot ang noo nang malingunan ko. Alanganin ko siyang nginitian. Umuurong ang makukulit na plano ko dahil sa awkwardness. We were told to lie face down on the table, with only a piece of fabric to cover us. Lumabas sandali ang mga masahista.

"Labas din muna ako," sabi ni Jesuah, "para hindi ka mailang."

Tumango lang ako.

Nang wala na siya sa silid, maingat kong tinanggal ang robe ko at itinakip sa'kin ang sheet na naroon. Tiningala ko ang kisame para makita kung may kahina-hinalang mounted things do'n. Sure naman sigurong walang CCTV or spy camera sa ganito. Reputable naman ang hotel.

A Whiff of Chocolate (Candy Series Special) (Published under Flutter Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon