STUCK Part 2

16.1K 758 96
                                    

***

"Mag-isa ka na lang dito sa buong office?" tanong ni Jacob habang kumakain kami ng dinner sa pantry.

Luto sa bahay ang dala niya. Naka-food container na siguradong kay Auntie Mona. Orange kasi lahat—bagong favorite color ni Auntie. May ginataan kami at pinirito. May sinigang na mayamaya rin. Ang dessert namin—na tinitikman-tikman ko na—ay 'yong cake na bake ni Auntie para sa pag-uwi niya.

Ang ideal scenario for the day, natapos ko ang artwork at hindi na ipina-revise ng client namin. Nakaalis na 'ko ng office ng two in the afternoon para may allowance sa traffic, at by four ay nakaabang na sa arrival ni Jacob. Mula pa sana kaninang four ay magkasama na kami. But the client just had to be capricious and nitpicky na na-stuck ako sa revision kaysa magsundo sa kanya.

"Yep. Kauuwi lang kani-kanina ng Creative Director namin at dalawa sa animation team. Hindi mo na inabutan sa baba pagdating mo?" ani ko. Naglagay ako ng taba ng isda sa plato ni Jacob kasi mahilig siya ro'n. Sumulyap lang siya sandali sa'kin at ngumiti.

"Hindi ko inabutan. 'Yong guard nga sa baba, parang inaantok na rin," sabi niya. Pinahid niya ng tissue ang tagiliran ng labi ko. "Icing."

I licked the corner of my lips bago kami magkatinginan ni Jacob. He cleared his throat.

"Ano 'yon?" untag ko.

"Ha?" Umiling siya. "Wala."

"How's your flight? Nakatulog ka?" ani ko.

Uminom siya ng tubig sa basong naroon. "Hindi. I was too excited to go home. Saka ilang oras lang naman ang flight mula Japan. Nagpatagal lang 'yong boarding at arrival."

Napatango ako. Naghanap uli ako ng taba ng isda sa sinigang at ibinigay kay Jacob.

"Kumain ka nang maayos," sabi niya sa'kin.

I pouted. "Maayos naman, ah."

"Eat well so you can go back to work. Masakit pa ang kamay mo?" aniya.

Itinaas ko ang kanang kamay ko at nagsumbong, "Masakit. Tingnan mo, hindi naman maugat ang kamay ko pero lumalabas na 'yong mga veins. Kado-drawing 'yan."

Kinuha niya ang kanang kamay ko at ikinulong sa mas malaking kamay niya. His hand was warm and powerful. Rough, too.

"Kailangan mong pagpahingahin 'to," sabi niya.

Lalong nanghaba ang nguso ko. "Gusto ko rin naman, eh. Kaso, may ilang oras pa 'ko para tapusin 'yong ginagawa ko. Akin na'ng kamay ko para matapos na 'kong kumain."

Magaan ang naging ngiti niya. "Pagpapahingahin mo nga muna eh."

"Ano?"

"I'll feed you." Kaswal na sabi niya at kinuha ang kutsara sa plato ko. Siya ang nangutsara ng kanin at ulam doon. Pagkatapos ay inilapit niya sa bibig ko. "Heto."

Natitigilan ako sa pagkakatingin sa kanya.

"Hm? Ano 'yon? Bawal ko bang subuan ang bride ko?"

Napalunok ako. "Ano kasi..."

"Hm?"

Wala akong maidadahilan at maitatanggi sa ngiti niya sa'kin.

"Say Ahh."

Tinanggap ko ang isinusubo niya bago sandaling mapatungo. He shouldn't be this adorable and sweet and the man of my dreams all at the same time. Kinakalma ko lang ang sarili ko para hindi ikamatay ang mabilis na tibok ng puso ko. He shouldn't attack me continuously like this.

A Whiff of Chocolate (Candy Series Special) (Published under Flutter Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon