HONEYMOONERS Part 3

15.4K 879 82
                                    

***

Nakasimangot ako nang huminto ang sasakyan namin sa parking lot ng hotel. Papagabi na at walang natuloy sa plano ko. Pangasinan waters ruined everything! Nakakainis. Sayang 'yong blue bikini ko!

"Mainit pa rin ulo mo, Misis?" magaang tanong ni Jesuah. Obvious na natatawa sa'kin. Obvious na alam ang ikinaiinis ko.

Pumalatak ako at binuksan ang pinto sa tagiliran ko. Nauna akong bumaba.

Bakit kontra sa'kin ang timing ngayong araw? Nagsolo kami sa trip pero hindi ko man lang siya nakunsumi. Puro lalaki ang nakasabay namin sa paglangoy sa Enchanted Cave na na-off akong mag-bikini lang. Lalo na dahil kahit may shirt ako, iba 'yong mga tingin nila. Panay ang harang ni Jesuah sa'kin dahil eskandalosa ang dibdib ko sa malinaw na tubig. Nang lumipat naman kami sa Bolinao falls, nakapag-bikini nga ako pero panira sa panunukso ang floater na ipinasuot sa'kin nang mag-cliff dive kami.

Nakakainis talaga!

Humabol sa'kin si Jesuah at magaang umakbay. "Gutom ka na? Gusto mo nang mag-dinner?"

"Late dinner na lang," sabi ko. "Puro tayo snacks sa sasakyan."

"Ano'ng gusto mo pang gawin bukod sa mangulit?" aniya.

"Wala. Magso-soak na lang ako sa jacuzzi sa kuwarto nina Kuya. Ikaw? Sama ka?"

"Hindi ka pa sawa sa tubig?"

As if, may napala ako sa tubig ngayong araw. "Para lang ma-relax. Baka mawala inis ko."

Mahina siyang tumawa. "Baka sa kuwarto muna ako. Tawagin mo na lang ako 'pag magdi-dinner na tayo."

Hindi na 'ko kumibo.

Umakyat kami sa kani-kaniya naming silid. Ibinaba ko lang ang mga gamit ko sa kuwarto namin nina Iya bago lumipat sa honeymoon suite nina Kuya.

I texted everyone on our way back to the hotel. Magulo ang status nilang lahat. Sina Kuya at Ate Pfi, stuck pa sa traffic. Sina Iya at Jacob, nagkita na yata dahil hindi na maka-reply si Iya kahit na dapat ay nasa trabaho lang siya. Kahit si Mimi, isnabera sa texts ko.

The plan for summer was falling apart! Sayang ang pagpaplano ko kung wala naman pala silang lahat dito at hindi ko makunsumi si Jesuah!

I was still on my blue bikini when the phone in the room rang. Sinagot ko.

"Hello, good evening po. This is from the spa po. Itatanong ko lang po kung ia-avail na nila ang First Night promo?" bungad ng nasa kabilang linya.

Nablangko ako. Hinahagilap ko sa isip ko kung ano ang sinasabi niya. "Uhm... what promo?"

"You booked one of the hotel's honeymoon suite po. May kasama pong free foot spa, body massage, at wine and fruits ang suite for our honeymooners. Available lang po for redemption during the first night of your stay in our hotel," sabi ng kausap ko.

"Oh. Thus, the First Night promo."

"Yes po, Ma'am. Puwede po kayong magpa-schedule na ng appointment ngayon or opt for a late appointment after mai-discuss sa Mister ninyo. Tatawag lang po kayo sa reception kung ia-avail ninyo."

Right. Puwede kong i-discuss... sa Mister ko. Unti-unting sumingaw ang init ng ulo at inis ko sa buong araw. May pag-asa pa 'kong makapangulit.

"Where do we go for the massage, uhm, promo?" ani ko.

"Ang massage at foot spa po ay dito sa spa ia-avail. Ang wine at fruits naman po ay ihahatid na lang sa kuwarto ninyo."

"After the massage?"

A Whiff of Chocolate (Candy Series Special) (Published under Flutter Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon