HONEYMOONERS Part 2

16.9K 907 163
                                    

***

"May knock-knock ako," sabi ni Jesuah habang nasa manibela. "Knock, knock..."

I rolled my eyes even though I'm used to his antics. Pang-ilang knock-knock na ba 'to mula kanina? Kaya ko pa ba?

"Give it a rest, Jesuah," sabi ko. "Pagod ako."

Ang lapad ng ngiti niya sa'kin. Kumpiyansang nagpapakipot lang ako. Alam naman naming pareho na kung hindi ko siya papatulan sa knock-knock, siya na rin ang magtatanong ng 'Who's there?' para lang matuloy.

"Knock, knock, Misis..."

I hissed at the endearment. "Who's there?"

"Pangasinan."

Oh my God. "Pangasinan who?"

Pagtikhim niya, naka-ready na 'kong palisin ang siguradong pagtaas ng balahibo ko.

"Get this party started on a Saturday night
Everybody's waitin' for me to arrive..."

Napailing ako sa intro ng kanta ni Pink. Nahuhulaan ko na kung saan papasok 'yong 'Pangasinan' at hindi ko alam kung kakayanin kong marinig. Pagdating ng chorus, todo na ang pagkanta ni Jesuah.

"Pangasinan, so you better get this party started!"

What. The. Hell. Niyakap ko ang mga braso ko sa malamig na hagod ng kilabot sa buong katawan ko. This must be what cat feels when threatened and all their hairs stood up in protest. Libang na libang naman si Jesuah.

"Okay na ba?" ani ko nang matapos siya.

"Naku po. Wala man lang ngiti diyan, Misis? Isa lang, o."

Umirap ako. "Pa'no 'ko ngingiti kung busy akong mangilabot?" Itinuro ko sa kanya ang braso kong may naninindigang balahibo. Parang mahahatak 'yon mula sa balat ko. "See? It's not done protesting, yet."

Matunog ang halakhak niya sa kotse. "Parang hindi mo 'ko mahal, ah. Parang hindi ka supportive Isa pa bang knock-knock?"

"No!" pigil ko na nanlalaki ang mata sa kanya. "Tantanan mo ang balahibo ko!Mag-drive ka na lang para makarating tayo sa Enchanted Cave!"

"Knock, knock..."

"Jesuah!" saway ko.

"Isa na lang," ungot niya sa'kin. Ngumiti nang gusto kong ngiti.

Damn that smile. Hit or miss pa rin ang jokes at knock-knocks niya kaya hindi ko dapat na kinukunsinte. But when he smiles like that... "Isa na lang, ha?" paniniguro ko.

"Yes, Misis. Knock, knock..."

Nailing ako sa sarili ko. Sino ngang mas in love kanino?

"Who's there?"

"Pekeng duck."

Kunot ang noo ko. Naghahanda na uli sa maririnig ko. "Pekeng duck who?"

Huminga siya nang malalim bago sumayaw-sayaw. Nag-intro ng nursery song. "Pekeng duck, doo doo doo doo doo doo. Pekeng duck, doo doo doo doo doo doo. Pekeng duck, doo doo doo doo doo doo, pekeng duck!"

Gustong manlagas lahat ng buhok ko sa katawan. Nangilig ako sa kilabot at napasapo sa noo ko habang hindi maialis ang mata ko sa pagsayaw-sayaw ni Jesuah. Pagsulyap niya sandali sa'kin na malapad ang ngiti, nangiti ako kahit na sisimangot dapat ako.

"Last mo na 'yan, ah!" angil ko. "Kapag hindi pa rin..."

"Last na 'yon," sabi niyang mahinang tumatawa. Ngiti ka kasi kahit mainit at wala pa tayong kasama rito sa Pangasinan dahil naglalagalag pa 'yong mga best friends mo."

A Whiff of Chocolate (Candy Series Special) (Published under Flutter Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon