STUCK Part 1

20.7K 953 116
                                    


***

"Iya, uuwi na kami. Sigurado kang okay ka lang dito?"

Nag-angat ako ng mukha kay Kyle, Creative Director namin sa company. Kasabay na niya sina Tiana at Dolly, bitbit ang mga bags nila.

"Your pen," aniya.

"Ay, oo nga." Mabilis kong iniangat ang drawing pen sa tablet na gamit ko. "Uh... okay naman ako rito. Don't worry about me."

"You said earlier na may susunduin ka sa airport or something, 'di ba? Okay na ba 'yon? It's getting late," si Dolly a.k.a Merida from Brave. Her curls, like always, are rebellious. Nadi-distract ako.

"Uhm... Okay na 'yon. Mga Tito ko na ang nagsundo."

"Sino nga uli ang darating?" si Tiana.

Pinigilan ko ang paglapad ng ngiti ko. "Taga-compound namin."

"It's her boyfriend, guys. Ano ba kayo?" si Kyle.

Makulit ang mga mata nila. "Nahihiya ka pang magsabi, ha?" si Tiana. "We're just asking to tease you, ayaw mo man lang magbigay ng opportunity."

Ngumiti lang ako. "Sorry."

"Sorry you have to work late, too," si Kyle. "Pero finishing touches na lang naman 'yang sa digital artwork na ginagawa mo, 'di ba? How long pa 'yan?"

Finishing touches means blending, highlights, light source, and background details. It would take me a good three to four hours to finish. But I don't want them to worry. Wala namang may kasalanan kung demanding at fickle-minded ang client namin. Nakailang revise na kami ng artwork para sa billboards at animation na gusto niya. Hindi lang kami makahindi dahil nagbayad siya ng extra para sa kapritso.

"I'll manage," sabi ko. "Mauna na kayong umuwi. May mga pupuntahan pa kayo, 'di ba?"

Nagkatinginan silang tatlo.

"I'm okay here," una ko. "I have cake and snacks."

"If you say so. Balitaan mo kami kung kailangan naming bumalik dito, ha? Charge your phone. Baka makalimutan mo na naman," si Dolly.

"Yep. Will do. Now shoo," taboy ko sa kanila.

Kumaway pa sila bago tuluyang lumabas. After the beeping sound of the automated door shutting, there was total silence. Madilim na ang kabuoan ng opisina maliban sa hanay ng tables ko at ng digital team. It was almost eight in the evening and I still have a couple of hours to spend with my drawing tablet before I can run to—

My phone rang and displayed my favorite name. Kinuha ko agad.

"Hello? Jacob? Nasa'n ka na? Nasundo ka na ni Tito at ni Papa? Nasa compound ka na? Are you mad at me?"

"I miss you," mababa ang boses na sabi niya. I could hear relief in his voice. It felt like he was smiling, too.

Napalunok ako at napahawak sa kuwelyo ng blouse ko. Pinatahimik ng boses niya ang panic ko. It was sending warmth through my veins. Happiness, too. Longing, too. Lumalalim ang paghinga ko.

"I miss you, too," bulong ko. "Sorry hindi kita nasundo sa airport. Nasa compound ka na?"

"Kanina," sabi niya. "Nasa building n'yo na 'ko ngayon."

"W-what?" ani ko.

"We're supposed to drive to Pangasinan tonight. Text nang text sina Ivan at Jepoy."

"But... are you okay? You're still tired."

"Kaya nga ako pupunta sa'yo."

Nakagat ko ang labi ko. "Okay..."

"Pagod ka rin, 'di ba? Matagal ka pa?"

"Yeah," I pouted. "Mga tatlo o apat na oras pa. Nangangalay na nga ang kamay ko. Pero kailangan ko 'tong tapusin ngayong gabi, eh. Maghihintay ka nang matagal."

He chuckled softly. "Iche-cheer na lang kita. May dala akong dinner natin."

"May cake ka rito na ibibigay ko dapat sa'yo."

"Buti naman. Pa'no paakyat diyan sa office n'yo?"

"Kuha ka ng access card sa security guard. Itatawag ko lang sa kanila para paakyatin ka."

"Okay. See you in a while."

Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko. I have to remind myself not to jump on him once I see him. I have to be calm.

How to be calm? My raging heartbeats just wouldn't listen to me. Pagdating kay Jacob, mahina ako.

"See you," I whispered before cutting the call.

Tumayo ako sa table ko at lumabas sa reception ng office para tumawag sa security. Ibinigay ko ang pangalan ni Jacob. Pagkatapos, nakatanga na lang ako sa pinakapinto ng opisina kahit na ang unang plano ko ay bumalik sa table ko.

Mabagal ang patak ng bawat minuto. Nananadya. Dalawang taon ko nang hindi nakakasama si Jacob dahil sa two-year contract niya sa Japan branch ng company nila. Kahit lagi naman kaming magkausap sa telepono at sa video call, nami-miss ko siya na malapit sa'kin. I miss hearing his voice without the interference of any gadget. I miss seeing his face without the interference of pixels.

I miss him.

Pag-beep ng automated door at pagbukas niyon, mabilis na nagtama ang mata namin ni Jacob. His presence hit me so hard, I got weak.

Every angle of his face, every single movement of his body, every damn smile—everything about him is lethal to me. I was melting.

Nakangiti siya habang bitbit ang malaking paper bag ng pagkain. Halatadong pagod. Halatadong mahal ako. Ibinaba niya ang paper bag sa sahig at ibinuka ang mga braso sa'kin.

"I'm home, Ishayana."

This one man can make me this eager and this lovesick every damn time.

Mula sa maliliit at hindi siguradong hakbang ay patakbo akong lumapit sa kanya. I threw myself inside his arms and breathed his scent in. Mahigpit ang mga braso niya sa'kin. Mainit ang katawan niya. At kung puwede ko lang mas idikit pa ang sarili ko sa kanya para maramdaman siya, gagawin ko.

Nang lumuwag ang braso niya sa'kin ay tumingala ako sa kanya.

"Welcome back, Jacob," sabi ko.

Namungay ang mata niya sa'kin bago matipid na ngumiti. "Yeah."

I closed my eyes to receive his eager kiss. Idinikit niya 'ko lalo sa katawan niya nang gumanti ako. Napakapit naman ako sa kuwelyo niya. We kissed hard by the door without regard for anything else.

He's home. To me. ++0406h / Oct312018

A Whiff of Chocolate (Candy Series Special) (Published under Flutter Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon