STUCK Epilogue

16.2K 901 266
                                    

***

Mahimbing ang tulog ni Iya. Sabi niya, mahihirapan siyang makatulog pero ako ang mulat pa rin kahit kanina pa 'ko pagod. I was stroking her hair as gently as her breath. And every time I tried to sync with her breath, I breathed her scent in.

Hindi ko alam kung sobrang na-miss ko lang siya o baka nababaliw na 'ko. But she's too soft and tempting. Masakit sa ano, fck.

Kanina ko pa sinusubukang umalis sa tabi niya at magpunta sa banyo para kalmahin ang sarili ko pero nararamdaman niya agad 'pag aalis ako. Umuungot siya. Gumagalaw. Ayoko namang maistorbo ang tulog niya. Pagod siya sa trabaho.

I stared at the room's ceiling thinking about the ring. Dapat pala, hiningi ko na kina Tita kanina para dala ko na ngayon. It's not romantic to propose in a situation like this... pero ang sarap mag-propose. Baka mamaya, umandar ang sixth sense ni Pato kapag nalamang nakulong kami rito sa opisina ni Iya, imbestigahan na naman ako. Isusumbat pa sa'king wala pa 'kong pasingsing kahit wala naman akong ginawa pa. Ako na'ng nahirapan, ako pa babanatan.

Gumalaw sandali si Iya kaya bumalik sa kanya ang atensyon ko. Pumihit siya paharap sa'kin, nakaunan pa rin sa braso ko.

"Jacob..." mahinang tawag niya.

"Hm? Ano 'yon, Ishayana?"

"Jacob..." ulit niya lang. She chewed on her lips.

Napalunok naman ako. Her lips were moist and full because of me. Fck. Tulog na siya, hindi pa rin ba tapos ang tukso?

Sumiksik siya sa katawan ko. Malapit na malapit do'n sa ano. Iniiwas ko naman pero sumiksik uli siya. Nahahatak na ang kumot sa pagitan namin. Nakababa na rin 'yon sa braso niya.

It's not my fault that I have a hard-on. 'Wag lang sana siyang magising nang nakadikit do'n tapos ma-curious at magtanong kung bakit gano'n 'yon.

Huminga ako nang malalim.

Damn it, Ishayana. Matulog ka nang hindi nanunukso.

She continued chewing on her lips. Paghawi niya sa buhok niya, sumabit ang daliri niya sa ilang buhol. Inayos ko naman. At pagtihaya niya, nakalas ang tuwalya sa katawan niya.

I stared at the fullness of her breasts, the flat of her stomach, and her soft curves. Tumingala ako sa kisame kasama ng mga walanghiyang naiisip ko.

Tangina naman.

Huminga ako nang malalim bago ibalik ang tingin sa kanya. She's soft and sensual... and mine.

But I should fcking hold out.

Maingat kong kinuha ang tuwalya at ibinalik ang pagkakabuhol. Hindi ko magawa nang maayos kaya nakalitaw pa rin ang umbok ng dibdib niya. Itinaas ko ang kumot hanggang sa leeg niya para maitago siya sa makasalanang mata ko.

She was still sleeping soundly without an idea of everything I was thinking about. Iniayos ko ang pagkakaunan niya sa braso ko. Pinakiramdaman ang pagkakalapit namin.

"Sandali na lang, mapapakasalan na rin kita," bulong ko sa kanya. "Nauna lang si Doraemon, tapos si Pato, tapos tayo na. Sandali na lang, Ishayana."

Pumikit ako para makapagpahinga na sana nang umilaw ang cellphone ko sa isang message. Nag-open pala ng messenger si Iya sa cellphone ko.

Dolly:
Girl! Tumatawag ako sa number mo
pero walang sumasagot. Nakalabas
na kayo sa conference?

Ire-reply ko ba 'yon para kay Iya o pababayaan ko na lang?

Dolly:
Nakakaistorbo ba ko sa inyo ng
boyfriend mo? Hahaha.

Dolly:
I'll be quiet! Pero sabihan mo ko
kung tama yung sculpture mo
sa kanya, ha?

Dolly:
Tell me if he looks like this! ;)

May naka-attach na picture sa message. Sculpture ng hubad na lalaki. Mukha ko.

Napatingin ako kay Iya. Did she make sa sculpture of me... naked?

Siya?

Kumurap ako at napalunok.

Fck. She wears skimpy lace underwear. She likes kissing me and speaks her mind when she wants more. And she already imagined me naked.

Damn bride. Ilang anak ang mabubuo namin nito?

Itinakip ko ang kamay ko sa mukha ko pero hindi ko mapigilan ang ngiti at iling ko.

Kauuwi mo lang. Nagpapagawa pa lang kayo ng bahay sa bagong compound. Magpapakasal ka pa muna. Fck you, self. Don't get too excited.

++922g /Nov012018

A Whiff of Chocolate (Candy Series Special) (Published under Flutter Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon