STUCK Part 4

15.1K 844 196
                                    

***

Before hitting the one hour mark, I was beyond anxious with the closed door and our wet clothes. Nakailang tawag na 'ko sa security pero wala pa yatang tao. At iba na ang panlalamig ko.

Subsob ako sa trabaho nang mga nakaraang araw. Ilang ulit na kaming nag-overnight sa opisina dahil sa pabago-bagong isip ng client namin. At masyado na 'kong pagod buong araw bago ako mabasa. Baka matuluyan akong magkasakit. 'Pag nangyari 'yon, hindi ako makakasunod sa Pangasinan na bakasyon dapat namin. Mami-miss kong maka-bonding sina Mimi, Yanyan, at Pfifer. Then, I'd hate this summer.

At pa'no na si Jacob? Basa rin siya at pagod sa flight. Pa'no kung magkasakit din siya?

"Ano'ng problema, Iya?" tanong ni Jacob nang mahuli akong nakatingin.

Pareho na kaming nakaupo sa sulok ng conference room, yakap ang mga tuhod namin. Malamig pa rin ang kuwarto na lalong pinalalamig ng basang mga damit.

"Nilalamig ka?" nanginginig na tanong ko.

"Medyo. Bakit? Nilalamig ka pa rin?"

Tumango ako. Mabilis niyang inilapat ang mainit na palad niya sa noo ko.

"Hala!" Hinawakan ko ang palad niya sa dalawang kamay ko at pinisil-pisil. It's warm in a weird way. Parang, "Lalagnatin ka ba?"

"Hindi. Sa pagod lang 'yan kaya ako mainit. Mainit ka rin," sabi niya. "At parang hindi sa pagod 'yan."

"Parang magkakasakit na nga ako," amin ko. "Dahil 'to sa damit. Basa yata pati underwear ko." Nakagat ko ang labi ko. This big mouth. Hindi ko naman kailangang isumbong sa kanya pati 'yong basa kong underwear.

"Hindi na nga rin ako komportable sa damit ko," sabi ni Jacob. "Inaantok na rin ako."

"Ako rin." Pero hindi talaga 'ko inaantok.

Tumikhim siya at napahawak sa tainga niya. "Maybe..."

"Ano?"

Tuwid niyang sinalubong ang mga mata ko. "Hubarin na natin 'tong basang damit. Kaysa magkasakit tayo pareho."

I stared at him until I make sense of his suggestion. "You mean..."

Naked. Get naked. With him? In this closed room?

"May kumot naman dito. Use it to cover yourself," kaswal na sabi niya habang nagpa-panic ako. "Ang sa'kin..." Dalawa kaming napatingin sa nakalatag sa ibaba ng conference table, "yong sleeping mat na lang siguro."

Dahil nakatingin pa rin ako, magaan siyang ngumiti sa'kin. "Come on. Kaysa magkasakit ka."

Lumunok ako at nag-isip ng iba pang bagay. "Pa'no 'pag dumating na 'yong security?"

"Saka tayo magbihis," aniya.

He sounded too reassuring and casual that I got up and took the blanket with little hesitation.

It's Jacob. Alam niya ang gagawin niya sa'kin. He never crossed any lines even when our kisses go way too... hot.

"Tanggalin ko lang 'yong damit ko," sabi ko.

Tumango siya.

***

Gaya ng iniisip ko, basa nga pati underwear ko. I peeled off all my clothes and took a quick, hot shower. Nang matapos ako, pinigaan kong mabuti ang mga basang damit at isinampay ang mga iyon sa rack. Nagtapis lang ako ng tuwalya kong nando'n pa. Hindi 'yon nabasa kaya mas mabuti nang 'yon ang gamitin ko para kay Jacob na lang 'yong kumot. Mas maiksi sa kanya ang tuwalya.

A Whiff of Chocolate (Candy Series Special) (Published under Flutter Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon