HONEYMOONERS Part 6

14.7K 836 248
                                    

***

Sandali lang nawala si Jesuah sa silid. Pagbalik niya, akala ko pakakawalan na niya 'ko sa comforter. Pero in-scoop niya lang ako mula sa higaan at dinala sa balcony. Umupo siya sa dati niyang puwesto at iniupo ako sa kandungan niya.

"Dito na lang tayo para hindi nakakakaba," sabi niya.

I'm sure I was blushing like crazy. Nakabalot ako sa comforter pero wala pa rin akong bra at bukas ang damit ko. Alam naming pareho 'yon. Malinaw rin sa memory ko kung pa'nong muntik na siyang bumaba sa dibdib ko at may gawin do'n.

Nagbuntonghininga siya. Huminga rin ako nang malalim.

"Naiinis ka?" untag niya sa'kin.

Kunot ang noo ko sa kanya. "Sa pagkakabalot na parang turon? Yes." Lalo na dahil pati kamay ko, hindi ko maigalaw.

Mahina siyang tumawa. "Hindi 'yon. Sa panunukso mo."

Umirap ako sa kanya.

"I'm holding out, Diane Christine. Hindi ba halata?"

"Hindi," mabilis na sagot ko.

"Torture na ngang makita kang naka-bikini, pumaparada ka pa na kakapiraso ang suot. Hindi ka naman flat-chested."

Umingos ako. "Ang sama mo. Sinasabi mo ba'ng ang mga flat-chested--"

Pinisil niya ang pisngi ko para patigilin akong magsalita. "Wala akong sinasabing masama sa mga flat-chested. Ang sinasabi ko, ang chicks ng figure mo, sinisilaw mo pa 'ko. Hindi ako bulag."

Nagbuga ako ng hangin. "It's just... I'm getting impatient."

"Para kang lalaki, ah. Baka abusuhin mo ang puri ko 'pag mag-asawa na tayo."

I hissed. "I know you have that, too. When you want to touch me more than we usually do. When you want to kiss me... differently."

"FYI, Manang Diane, lagi akong may ganyan. I want you. Kahit hindi ka mag-bikini sa harapan ko. O magpamasahe kasabay ko. O mag-jacuzzi kasama ko. Kahit balutan mo ang sarili mo mula leeg hanggang talampakan... gusto kita bilang babae," seryosong sabi niya.

Napalunok ako.

"Alam kong sa isip mo, akala mo, ready ka nang gawin natin 'yong ginagawa ng iba. Siguro sa iba, walang sense ang maghintay. Pero para sa'kin, walang sense ang magmadali. Gusto ko, bago ako tuluyang bumigay sa panunukso mo--kahit patol na patol na 'ko at luging-lugi na 'ko--kasal na tayong dalawa. Kasi kasama sa mahal kita 'yong iniingatan kita--kahit ang sakit-sakit na."

Hinawi ni Jesuah ang buhok kong nilalaro ng hangin at tumatabing sa mukha ko. "Muntik na 'kong matangay. Akala ko, kaya kong baliin 'yong pangako ko sa sarili kong iingatan kita--kaso, 'di ko pala kaya. Kahit mag-consent ka pa at pumarada nang naka-string bikini, kahit ang sakit-sakit na, hihindi muna ako," dagdag niya pa. "Bago mo 'ko tuksuhin nang tuksuhin, panagutan mo muna ako. Virgin pa 'ko, 'wag tayong magmadali."

Umangil ako. "Virgin pa rin naman ako, 'no!"

" 'Ayun naman pala. It's a tie!" Sumeryoso uli siya. "Pakasalan mo muna 'ko bago tayo magkulong sa mga honeymoon suite na ganito. Okay?"

Maamo na ang naging tango ko sa kanya. "Okay."

"Totoong sagot 'yan? Pakakasalan mo 'ko?" ulit niya.

"Pakakasalan kita," sabi ko.

Ang lapad ng ngiti niya. " 'Yun naman pala."

Inilabas niya sa tagiliran niya ang isang kahon at binuksan. "Pakasal tayo. Tapos magkulitan tayo habambuhay."

Napakagat ako sa labi ko habang nakatitig sa singsing na may hugis bituin na bato. Para iyong kapares ng kuwintas na bigay niya sa'kin.

"Isusuot mo na sa'kin 'yan ngayon?" nakangiting tanong ko sa kanya.

"Oo. Pero... mag-bra ka muna," sabi niya.

Umangil ako. "Tanggalin mo muna ako rito sa turon."

"Tatanggalin ko 'yong buhol pero dadalhin muna kita sa banyo para safe," sabi niya.

Inirapan ko siya. "Bakit kasi ibinalot mo 'ko rito? Ang romantic na sana kung dito mo 'ko susuotan ng singsing sa balcony."

"Walang romantic sa masakit na ano ko, Diane Christine," naiiling na sabi niya.

Tumingin ako sa kandungan niya. Sinusubukang aninagin kung may tanda ng masakit na ano ro'n.

Pumalatak siya. "Ano'ng sinisipat mo diyan?"

"Sabi mo, masakit..." Matamis ang ngiti ko sa kanya. "Gusto mo, imasahe ko?"

Sunod-sunod ang palatak niya. "Susmarya ka. Maawa ka naman sa ano. Baka magpakamatay na 'yan sa paghihirap, 'di mo na mapakinabangan."

Ang lakas ng halakhak ko sa sinabi niya. Nakangiti naman siya sa panonood sa'kin.

Nang magbalik ako ng tingin sa kanya, naghawi uli siya ng buhok ko. "Magpakasal tayo sa isang taon. Pag-uwi natin sa compound, sasabihan ko na sina Mama at Papa para mamanhikan."

"Okay, Mister."

Tumingin pa siya nang ilang sandali sa'kin bago ako halikan sa labi. The brush of a kiss turned to something akin to our kiss on the bed. Pumipintig na uli ang masarap na tensyon sa katawan ko nang bitiwan ako ni Jesuah.

Malalim siyang huminga. "Susmarya. Delikado talaga. Dadalhin na kita sa banyo para makapag-bra ka."

He must have had the image of my breasts on his mind kaya hindi siya makapag-filter ng words. Bra ko talaga ang concern niya.

Nang buhatin niya 'ko uli para dalhin sa banyo, I teased his ear and his neck with my lips. Naramdaman ko ang paggapang ng tensyon sa balat niya papunta sa balat ko.

Tumatawa ako sa pang-aasar nang ibaba niya 'ko sa banyo at pagsarhan ng pinto. Panay ang palatak at iling niya sa'kin. Mamamatay na raw si junior. ++418ma / 12242018

A Whiff of Chocolate (Candy Series Special) (Published under Flutter Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon