STUCK Part 5

14.9K 791 144
                                    

***

We were entangled under the blanket. Alam kong hubad si Jacob. Naramdaman ko na ring kumalas mag-isa ang pagkakabuhol ng tuwalya ko. But all the kisses we had still weren't enough.

I was heating up and aching for something more. I know I'm ready to be his. Every part of my body screamed of being touched and being owned by him.

If he would just take me.

Pero tinapos niya ang malalalim na halik kahit na ayoko. Bago ako makasamo pa, pinihit niya 'ko patalikod sa kanya at mahigpit na niyakap. His breath was hot on my ears and my neck. Malalim ang bawat hugot at buga niya niyon.

"Damn it, Ishayana. Kailangan nating tumigil," he said with a thick voice laced with desire. Mabilis ang tibok ng puso niya sa likuran ko--kasimbilis ng sa akin. "I'm trying my hardest to be in control."

Alam ko naman 'yon. "Jacob..."

"You may think you're ready to take me. I may think that, too. And fck, I wanted that so much--to touch you and take you right now. I wanted to do that with you..." Huminga siya nang malalim, magaspang pa rin ang boses niya. "Pero ayokong gawin 'yon nang hindi ka pa pinakakasalan o sinusuotan man lang ng singsing. Hindi ako patatawarin ni Auntie at nina Tito at Tita. Nangako ako sa sarili kong maghihintay ako. Nangako rin ako sa'yo... kahit hindi mo alam.

"I want to own you but not this easily. You're my bride. I'm okay waiting. Let me wait for you."

Lumunok ako at hinaplos ang mahigpit na braso niya sa'kin.

"Sandali na lang naman," mas malumanay nang sabi niya. Sumubsob siya sa sulok ng leeg ko at huminga nang malalim. "Sandali pa."

Pumikit ako nang mariin. Gumagapang at nanunukso pa rin sa katawan ko ang apoy na gawa niya. Natutupok pa rin ako ng init. Alam kong gano'n din siya.

Kung naiba siya at ako, we could have done it by now. He would strip me off this towel and I would feel his lips on my flesh--branding me his inch by inch. I wouldn't complain even if I regret a little after.

But if he broke a promise, he would feel bad and I would feel bad for him, too. Kung kaya niyang maghintay, kaya ko rin dapat. Lalo na kung naghihintay siya para sa'kin.

"I'm sorry, Jacob..." sabi ko at pinilit na lumingon sa kanya.

"Don't be..." aniya. Sinapo niya ang pisngi ko at magaang hinaplos. "Just... I think it would be safe, not to kiss again. Mamaya na lang 'pag hindi na tayo nakakulong."

Tumango ako. Natahimik kami sandali bago sabay na bumuntonghininga.

"Uhm... How do you think... we can calm down?" tanong ko. Mabilis pa rin kasi ang tibok ng puso ko at mainit pa rin ang katawan ko. It's painful down there, too.

"Just breathe. Deep breaths."

Sabay kaming huminga-hinga nang malalim bago mahinang natawa.

"Ang weird nito," sabi ko sa kanya.

"Awkward din," aniya.

"Oo nga."

"But there will be more of the awkward and weird things in the future. Kapag asawa na kita."

Lumunok ako. "By then, the awkward and the weird things will smooth out?"

"Hindi. By then, the awkward and the weird things will turn into something else."

"Ano 'yon?"

"You'll know on our first night."

Muntik akong masamid sa sarili kong laway nang mapalunok ako.

"Don't tease me," angal ko.

"Ikaw nga ang tukso mula pa kanina."

"Ako?" Oo nga pala, ako ang nagsabi ng 'a little bit more'. "Ako nga."

He laughed softly. Inihilig niya ang pisngi niya sa ulo ko at mahabang huminga.

"Sa susunod, ako na'ng manunukso. Kaya ngayon, matulog muna tayo. To survive the night in this little blanket."

"Okay." I made a kissing sound for him to hear. "Goodnight kiss mo 'yon sa hangin."

"Bukas ko na lang kukunin 'yong goodnight kiss ko."

"Hindi na goodnight 'yon."

"I don't care," aniya. "Basta kukunin ko bukas."

Mahina akong tumawa at pumikit kahit na alam kong hindi naman ako agad makakatulog.

***

Milagrong nakatulog ako sa gabing nagdaan. Dahil yata sa pagod. Alas-sinco y media na ng umaga nang kusa akong nagising. Wala na si Jacob sa tabi ko.

Pumupungas akong luminga sa paligid bago manlaki ang mga mata. Nakatayo si Jacob ilang hakbang ang layo sa sleeping mat. Wala pa ring damit habang nakatalikod sa'kin.

Pipikit sana ako pero sinusukat na ng mata ko ang proportion niya. I wanted to draw him... naked. Well, I once sculpted a likeness of him naked pero hindi naman niya alam. His behind is more delectable than I imagined it to be. This is my chance to--

Mabilis akong pumikit nang maramdaman kong pipihit siya sa gawi ko.

"Iya?" mahinang tawag niya.

Hindi ako gumalaw. Nakalimutan ko ring huminga nang ilang sandali.

Nakiramdam ako. Nang marinig ko ang ilang yabag niya at ang pagsara ng pinto ng banyo, saka lang ako nagmulat uli.

Binalikan ko sa memorya ko ang nakita ko. I have to draw him right away!

Paglabas niya sa banyo, nakapantalon na uli siya. Nakaupo naman na 'ko sa sleeping mat at humihikab.

"Tapos ka na?" ani ko. "Ako naman ang magbibihis para matawagan na 'yong security."

"Sige. Iniwan kong nakabukas 'yong blower kagabi sa mga damit natin. Medyo natuyo."

"Ah..." Nagkusot ako ng mata ko.

"Okay ka lang ba kung tutuloy na tayo sa Pangasinan o gusto mong umuwi muna at magpahinga? Ako na ang magsasabi kina Ivan kung sakali."

Ngumiti ako sa kanya. Wala ro'n ang mga balak kong gawin.

"Kung kaya mo nang mag-drive, okay lang na tumuloy na tayo sa Pangasinan. Miss ko na sina Mi at Yanyan."

"Sige. Bihis ka na," aniya.

Magaan ang mga paa ko papunta sa banyo. Ido-drawing ko si Jacob mamaya habang nasa kotse. Hindi ko lang lalagyan agad ng mukha niya para hindi niya alam. ++758g / Nov012018

A Whiff of Chocolate (Candy Series Special) (Published under Flutter Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon