naisip ko lang na mas ok pala kung maglalabas na ulit ako ng chapter about Lawrence, dapat kasi pang chapter 29 pa to, pero ok lang din naman kung ngayon nyo na sya makikilala :)
enjoy reading!
---------------------
KAIRYN'S POV
--------flash back-------
Araw-araw akong naghihintay sa pagdalaw ni Lawrence.
Bawat door bell na marinig ko, umaasa akong sya na yun...
Bawat ring ng telepono agad kong sinasagot dahil baka sya na un...
pero palagi akong bigo. Umaasa lang yata ako sa wala.
Dahil marahil...ang pagkakaibigan namin ay pang-isang araw lang.
Akala ko pa naman iba sya sa lahat, pero nagkamali lang yata ako.
Gaya rin sya ng iba :(
2 linggo na ang nakalipas noong una kaming magkakilala...pero kahit ganun...umaasa pa rin ako na makikita syang muli.
Jannice: Kairyn! bakit malungkot ka yata?
Kairyn: Ahm...Hindi naman! naiinip lang ako...bakit kaya late si ma'am?
Annya: May emergency meeting raw kasi, narinig ko dun sa higher graders kanina!
Jannice: Yun pala! wag mo ng pakadibdibin ang pagka-late ni ma'am, Kairyn! Maglaro na lang tayo ng spin the bottle--truth or dare!
Kairyn: Ha?Eh... (Nagpuppy eyes na si Jannice, matatanggihan ko pa ba?) ....Sige.
Annya: AYOS!
Halos buong klase ang sumali sa larong yon...
sa unang pag-ikot ng bote ay kay Leo ito napaturo...
Leo: Truth!
Question: Sinong crush mo dito sa room?!
Leo: Eh...pano kung wala?
Brent: Anong wala?! Kakasabi mo lang sakin kahapon eh!
Pinagkatuwaan sya ng klase hanggang sa mapilitan syang umamin.
Leo: Aish! ano...CRUSH lang naman eh! si ano...
si Kairyn!
Napangiti na lang ako sa sagot ni Leo. No choice lang siguro sya, kaya pangalan ko ang binaggit nya.
Annya: Sus palagi na lang si Kairyn crush nyo!
Carlos: Eh alangan! sya lang naman maganda dito sa room eh! mga pangit kayo!
Hindi naman yun totoo...pang-asar lang yun ni Carlos...sa totoo lang mas maganda pa nga si Annya kesa sakin eh!
Mulinh pina-ikot ang walang kahiluhang bote...kay Charles naman ngayon napaturo.
Charles: Dare!
Alam naming lahat na hindi talaga kumakanta si Charles...at dahil makulit ang mga classmates ko...edi napagkatuwaan nilang pakantahin si Charles dedicated sa crush nya...parang ang daya no? parang dare + truth yung sa kanya.
Bakit kaya palagi na lang crush ang topic kapag ganitong laro?
Tumayo na sa harapan si Charles at nagsimulang kumanta...binato pa sya ng eraser ng mga loko-loko kong classmate dahil madaya raw at hindi lumalapit sa crush nya.
BINABASA MO ANG
My Time With You (COMPLETED)
RomanceKapag may taong umaalis, may taong darating hindi ba? Pero bakit ako? Bakit sa buhay ko? Umaalis lang ang mga taong mahal ko at walang dumarating? Malas lang ba talaga ako? O mali lang ang mga taong pinagkatiwalaan ko na nagsabing hindi nila ako...