Chapter 4

222 10 2
                                    

Bandang alas kwatro ng hapon dinalhan kami ng merienda ng isang maid nina Aaron. May macaroni salad, clubhouse sandwich at French fries. Pagkatapos ay naki-charge ng laptop ang mga kaklase ko sa loob ng kanilang bahay.

Habang namamahinga kami sa sala ay inaya kami ni Aaron na mamasyal sa kalapit na palayan. Inabot ng limang minuto ang nilakad namin bago namin marating ang pinitak na mukhang kakaani lang ng mga tanim na palay. Isa-isang naglakad sa pilapil ang mga kaklase ko. Medyo nahuli ako sa paglalakad dahil hindi naman ako laking probinsya na sanay sa mga ganitong klase ng lugar.

Tumambol ang dibdib ko nang nilahad ni Aaron ang isang kamay niya upang matulungan akong makasampa sa pilapil na lalakaran namin. Naging maingat ako sa aking paglalakad, nakakahiya kasi kapag nahulog ako sa maputik na palayan.

Namahinga kami sa isang kubo na pahingahan daw ng mga trabahador ng farm. Nagkatabi kami ng upo ni Aaron sa isang bench na naroon.

"Parang pamilyar ka talaga sa 'kin Faith. Nagkita na ba tayo dati?" mahinang tanong sa akin ni Aaron. Nginitian ko muna siya bago ako sumagot.

"Nagpa-autograph ako sa 'yo no'ng Intrams." Napatango-tango siya at mukhang naalala na 'yong naging huli naming pagkikita. He shots an eyebrow.

"Ikaw 'yong inaway ni Eunice?" Kilala niya rin pala iyong pinsan ko.

"Oo. Actually mag-pinsan kami." Natigilan si Aaron at bahagyang kinunot ang noo .

"Talaga? Pero bakit gano'n ang trato niya sa'yo?" buong pag-aalala niyang tanong.

"Nagkaroon lang kami ng misunderstanding noong araw na 'yon," mariing pagpapaliwanag ko. Tinanaw niya ako ng nanunuring mga mata. Mukhang hindi siya kumbinsido sa naging sagot ko.

"She was bugging me the whole time." Impit ang kanyang naging patawa habang sinasabi iyon. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Kaya pala gano'n na lang ang galit sa akin ni Eunice dahil siya pala itong todo pagpapapansin kay Aaron.

"What's your course again?" Mukhang gusto na niyang i-divert ang topic naming dalawa. Ngumiti ako habang inaayos ang aking buhok.

"Drafting. Pero gusto ko talaga ng Architecture." Interesante siyang nakatanaw sa akin.

"Wala ng ibang pwedeng magpaaral sa akin. Ulila na kasi ako. Saka ko na lang siguro ipu-pursue ang Architecture kapag nakapagtrabaho na ako." Marahan siyang tumango at ginawaran ako ng sinserong ngiti.

"I admire your determination. I'll ask my dad if he can grant you a scholarship." Napakurap-kurap ako.

"I'm not sure about the required grades. Pero sa tingin ko naman kayang-kaya mo 'yon." Nabuhayan ako ng loob. I see his sincerity and willingness to help.

"Salamat Aaron!" Sa sobrang saya ko ay napahawak ako sa mga kamay niya.

Napalingon ako sa gawi ng mga kaklase namin na kanina pa pala nagmamasid sa aming dalawa. Ginawaran ako ng makahulugang ngiti ni Hannah. Habang panay naman ang bungisngisan ng iba.

Bumalik na rin kami sa bahay nina Aaron. Doon na namin pinagpatuloy sa sala ang tinatapos naming report. Bandang alas sais na kami nakauwi. Hinatid kami ng van nina Aaron.

Bago matulog ay tiningnan ko muna ang cellphone kong nakalapag sa side table. May tatlong mensahe roon.

Ingrid: Sis kamusta ang lakad n'yo kanina?

Ingrid: Tulog ka na?

Aaron: Still awake?

Parang nakikipagkarera ang puso ko dahil sa bilis ng pintig nito. Nagtipa muna ako ng mensahe para kay Ingrid. Wala akong maisip na reply kay Aaron dahil sa sobrang pagka-tense ko.

FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon