Chapter 9

244 11 5
                                    

Dali-daling nagtatakbo si Aaron paalis ng pool area. Hinabol ko pa rin siya sa kabila ng hirap ko sa paghinga. Hindi matanggap ng pagkatao ko ang mga nakakagimbal na rebelasyon niya sa akin kanina.

Dumiretso siya ng takbo sa kinaroroonan ng garahe at pumasok sa loob ng itim na sportscar. Nang marinig ko ang pag-start niya sa makina ay pinaghahampas ko ang bintana ng driver's seat.

"Mag-usap tayo Aaron!" nagmamakaawa kong hiyaw sa kanya mula sa labas kahit na walang pag-asang marinig pa niya 'ko. Iyon na lang kasi ang naisip kong paraan para mapigilan siyang umalis.

Pinaharurot niya nang mabilis ang kanyang sasakyan pagkabukas ng gate. Maagap ko itong hinabol sa labas ngunit hindi ko na ito naabutan. Wala na akong nagawa kung hindi humahagulgol ng iyak.

Isang matipunong braso ang umakbay sa balikat ko. Paglingon ko ay namasdan ko ang nanlulumong mga mata ni Caleb. Kumuha siya ng panyo mula sa suot na pantalon at agad iyong iniabot sa akin.

Pagkakuha ko roon sa panyo ay napaupo na lamang ako sa sementadong gutter sa may gilid ng kalye. Itinukod ko ang aking noo sa ibabaw ng aking magkadikit na tuhod.

Ilang minuto akong walang tigil sa pag-iyak. Naramdaman ko ang ginawang pag-upo ni Caleb sa tabi ko. Tahimik lang siyang nakaupo habang isang katerbang luha na ang ipinapahid ko sa ibinigay niyang puting panyo.

Nang mahimasmasan ako ay nag-angat ako ng tingin. Nakakapasong mga mata ni Caleb ang sumalubong sa akin.

"Salamat dito," pagtutukoy ko sa panyo na ipinahiram niya sa akin kanina. He nods in acknowledgement.

"Palagi bang may nakalagay na panyo sa bulsa mo?" Napaawang ang kanyang bibig.

"Sa tuwing umiiyak kasi ako, lagi kang ready e?" Tipid akong ngumiti. Nagpakawala naman siya ng isang malalim na buntong hininga.

"Nagkataon lang," alanganin niyang sagot. Nagpalinga-linga ako sa paligid na nababalot ng kadiliman. Tanging ang liwanag na nanggagaling sa mga nakabukas na poste ng ilaw ang nagpapaliwanag sa kahabaan ng kalye ng Brgy. Poblacion.

"Anong oras na?" baling kong muli kay Caleb. Dumukot siya mula sa kanyang bulsa pagkaraay pinailaw ang screen ng kanyang cellphone.

"It's already twelve midnight," kaswal niyang wika.

Mariin niya akong tinitigan. Mukhang hinihintay niyang mauna akong mag-open ng topic tungkol sa naging pag-uusap namin ni Aaron kanina. Napalunok ako habang iniisip nang mabuti kung dapat ba akong magsabi kay Caleb ng saloobin ko.

"Just give him some space for the meantime. He's just mad." Umayos ako ng upo habang pinagninilayan ang mga sinabi ng aking katabi. I cleared my throat.

"Siguro nga. Pero maniwala ka, wala akong alam sa mga naging kasalanan ng Mommy ko sa pamilya ni Aaron," mariing pagpapaliwanag ko. Seryoso niya akong tinanguan.

"Nadamay lang talaga kayo sa pagkakamali ng mga ng parents n'yo. Hindi kayo dapat magpaapekto sa mga nangyari sa nakaraan," determinado niyang sabi.

I cast a deep sigh. I can't believe that Caleb has a soft side. Ang babaero at mayabang na si Caleb, magaling din palang magpayo.

"If he really loves you, his heart will understand," he said calmly. Caleb's encouraging word is a breath of fresh air. Kahit papaano ay napakalma niya ang puso kong nawawalan na ng pag-asa.

Nagprisinta siyang ihatid ako pauwi. Nang mapadaan kami sa may plaza ay nag-ring ang cellphone niya. Kinuha niya iyon mula sa kanyang bulsa. Tita Antonia ang nagrehistrong pangalan mula sa caller id. Pagkatanaw rito ni Caleb ay agad niyang itinabi ang kanyang sasakyan.

FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon