Pagkabalik ko ay inihahatid na ni Caleb si Stacey pasakay ng kanyang sasakyan. May nakabalabal na isang puting tuwalya sa katawan nito. Beer lang ang ininom ng mga babae kaya sa tantya ko ay hindi naman ito nalasing. Napagod lang siya siguro dahil sa paglangoy at sa paghaharutan nila ni Caleb kanina.
"Gusto mo na rin bang umuwi?" kuryosong tanong ni Aaron habang sinusundan ng tanaw ang pares na tinitignan ko. He seemed not drunk but his eyes looked tired thus it's enough for me to call it a day. I quickly nodded.
Nagpaalam kami ni Aaron sa mga kaibigan niyang naiwan doon sa lamesa. Nakipag-beso ang ilang babae sa akin.
Hinanap ng mga mata ko si Michelle; namasdan ko na hinatid pala nito sina Stacey at Caleb papunta sa sasakyan ng huli.
Tanaw mula sa gilid ng mga mata ko ang maingat na pag-alalay ni Caleb kay Stacey habang papasok ito sa loob ng kanyang pick-up.
Pagkabalik ni Michelle sa pwesto namin ni Aaron ay inaya na siyang umuwi ng katabi ko.
Pinagsalikop ni Aaron ang mga palad namin habang iginigiya niya ako patungo sa kinapaparadahan ng kanilang sasakyan.
"Doon na lang tayo sa loob ng sasakyan magbihis Faith," ani Michelle na medyo nahuhuli ng paglalakad sa aming dalawa. Nilingon ko siya pagkaraan ay tinanguan.
Bumaba ang mga mata niya sa mga kamay namin ni Aaron na magkahawak pa rin. I don't know if I just overthink when I saw jealousy written all over her face.
Pagkabihis naming dalawa ni Michelle ay binuksan na niya ang bintana ng Montero. "You can come in now Aaron," nakangisi niyang wika sa nakatalikod kong boyfriend. Mabilis itong humarap.
Binuksan ni Aaron ang pinto ng front seat at marahang pumasok doon. Magkatabi kami ngayon ni Michelle ng upo sa passenger seat.
"So you can pick up your car tomorrow?" pag-uusisa niya sa nasa harap. Nakataas ang isa niyang kilay dala ng kuryosidad.
Ini-start na ng driver nina Aaron ang makina ng sasakyan. Aaron tilted his head in order to reply on Michelle.
"Yeah," mabilis nitong sabi.
Wala akong ideya kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa. Feeling ko tuloy ay maa-out of place na naman ako rito!
Buong galak na humiyaw si Michelle, "Wow, I'm so excited!" Nagniningning ang mata niya sa sobrang tuwa. Pinag-appear pa niya ang magkabilang palad.
"Bibili ka ng sasakyan?" Aaron draws his stare back at me. Mabilis din akong tinanaw ng katabi kong si Michelle.
"Oo," ani Aaron.
"It was his parents' birthday gift," pagpapatuloy pa ni Michelle sa mga nais pang sabihin ng boyfriend ko. Tinanguan ko na lamang sila.
"Tuloy na ba ang pagbisita nina Tita Madeline next week?" Napalingon akong muli sa kanilang dalawa.
"Yeah, sasama raw si Trixie." Nagliwanag na naman ang mukha ni Michelle dahil doon. Kagaya kanina ay wala na naman akong ideya sa mga pinag-uusapan nila.
"Really? Gosh! I missed your cousin so much!" nasisiyahang saad ng katabi ko. Agad ding ngumiti sa kanya si Aaron.
"Nasasanay na rin daw mag-Bisaya si Trixie sabi ni Tita," dugtong pa ni Aaron. Napadako sa direksyon ko ang mga mata ni Michelle.
"Oh! I'm sorry Faith. We we're just talking about Aaron's cousin. She's one of my closest friends here in San Ignacio. But their family has moved to Guimaras because Tito Conrado decided to focus on their mango plantation there." Napatango-tango na lamang ako sa kanyang mga ibinahagi.

BINABASA MO ANG
Fallen
RomanceTotoo nga kayang wala ng makapapantay sa pag-ibig na inialay natin para sa taong una nating minahal? Dumaan man ang napakatagal na panahon siya pa rin ang tinitibok ng ating puso. First boyfriend ni Faith si Aaron. For her he was the perfect epitome...