Pagkatapos ipakilala ang pinakahuling muse ay nagsibaba na ang lahat ng mga kandidata kasama iyong mga flag bearer ng bawat kolehiyo. Mukhang magsisimula na ang parada; kung saan lilibutin ng mga manlalaro ang kabuuan ng Colegio de San Ignacio. Pagkabalik nila sa gymnasium ay sisindihan na ang torch na siyang magsisilbing hudyat sa pagsisimula ng Intramurals.
"Faith, kuhanan mo ng litrato ang pinsan mo habang pumaparada," utos na naman sa akin ni Tita Hilda. Sabay abot ng tangan niyang digicam.
Mag-aalas diyes na ng umaga, mataas na ang sikat ng araw kaya't masakit na ang tama nito sa balat. Napabuntong hininga na lamang ako habang naglalakad patungo roon sa kalye kung saan dadaan ang parada ng mga manlalaro. Samantalang ang magaling kong tiyahin ay prenteng nakatayo roon sa lilim ng isang puno at hindi man lang ako pinahiram ng payong!
Mabuti na lamang at maraming matataas na punong kahoy sa paligid ng school. Pumuwesto ako sa ilalim ng puno ng acacia na nakita ko.
Pagdating ko ay saktong dumaan iyong College of Engineering. Sobrang ingay ng grupo nila lalo pa at sumama rin pala sa parada iyong mga miyembro ng cheering squad. Pinapayungan ni Aaron iyong muse nila. Bakit gano'n? Pawisan na siya pero ang bango-bango niya pa ring tignan.
Kinuha ko ang cellphone ko mula sa dala kong backpack. Kinuhanan ko siya ng stolen shot. Naka-tatlong kuha ako ng larawan sa kanya. May iilang tilian din akong naririnig sa paligid habang dumadaan ang grupo nila. Hindi ko mapigilan na kiligin sa tuwing napapangiti si Aaron sa mga estudyanteng kumakaway sa kanya.
Ilang sandali pa ay dumaan na ang pulutong ng mga taga-College of Education. Agaw-pansin din ang ingay nila dahil sa mga cheering squad at lyre and drum band na kasama nila sa hanay. Agad akong lumapit upang makuhanan nang maigi ang aking pinsan. Mukhang napansin ni Eunice ang presensya ko sa crowd kaya agad siyang tumingin at ngumiti sa harap ng hawak kong camera.
Nagpasya na akong bumalik sa lilim ng puno na tinambayan ko kanina. Inabala ko ang aking sarili sa pagtingin sa mga kuha ko kay Aaron. Napaka-gwapo niya talaga!
Hanggang sa nakatanggap ako ng isang text message galing kay Tita Hilda; bumalik na raw ako sa gymnasium at ibili ko raw siya ng sandwich at tubig sa canteen.
Naglakad na ako pabalik sa gymnasium. Sa sobrang pagmamadali kong makapunta roon ay nabangga ako sa isang bulto. Pakiramdam ko ay tumama ako sa isang napakatigas na pader. I can feel the firm muscles on his chest as my skinny body bump into him. Sobrang natulala ako pagkakita ko sa nahulog na digicam sa kalsada.
"Naku patay!" biglaan kong hiyaw. Napahinga ako nang malalim bago dahan-dahang nag-angat ng tingin upang mamasdan kung sino ba ang sira ulong ito na nakabunggo sa akin.
Then I saw Caleb wearing a blank reaction. May dala siyang isang bote ng Gatorade sa kanang kamay. Napansin ko rin ang itim na arm band niyang suot. Nandito siya, ibig sabihin hindi siya sumama sa parada kanina?
Caleb raises an eyebrow. Pagkaraan ay tinignan lang niya ang nahulog na digicam sa kalsada at dali-daling umalis na parang walang nangyari.
Napakawalang galang! Nasira na nga itong digicam ni Tita nang dahil sa kanya hindi man lamang siya humingi ng sorry!
Mabilis kong kinuha iyong nabagsak na digicam. Nabasag ang lens nito. Nagkalasog-lasog din ang housing dala marahil ng malakas na impact ng pagkabagsak nito sa semento. Pinulot ko isa-isa 'yong bawat nasirang parte ng camera. Nilagay ko ito sa loob ng bitbit kong backpack.Kabado akong naglakad pabalik ng gymnasium.
Nahanap ko agad si Tita Hilda roon sa bleachers na tinukoy niya sa text message niya kanina.
"Ibili mo ako ng sandwich sa canteen," bungad niya pagkakita niya sa akin. Marahan akong tumango kahit na labis-labis na ang nararamdaman kong pagkabahala.
BINABASA MO ANG
Fallen
RomanceTotoo nga kayang wala ng makapapantay sa pag-ibig na inialay natin para sa taong una nating minahal? Dumaan man ang napakatagal na panahon siya pa rin ang tinitibok ng ating puso. First boyfriend ni Faith si Aaron. For her he was the perfect epitome...