Chapter 11

294 9 2
                                    

Warning: SPG

Pagkabukas ni Caleb ng pinto ay nakasindi na ang mga ilaw sa loob ng bahay. Pinagala ko ang aking paningin sa kabuuan nito.

Namumukod-tangi ang kulay kremang pintura. Napakagarbo ng grand staircase na yari sa metal at salamin na nakapuwesto sa pinakasentro ng bahay. Sa kaliwang bahagi makikita ang kusina at dining area. Sa kabilang banda naman ang living room. Wala ako masyadong nakitang appliances maliban sa isang nakapatay na TV.

"Hindi ko maintindihan, paanong-"

Hindi na niya ako pinatapos na magsalita. Pinatahimik niya ako sa pamamagitan ng pagpatong ng kanyang hintuturo sa aking labi.

"Hindi na kita hahayaang bumalik pa sa mga tita mo," aniya sabay lakad papunta sa direksyon ng sala. Sinundan ko siya roon.

"Caleb, hindi ko kayang magbayad ng upa rito!"paninigurado ko. Tinaasan niya ako ng isang kilay at sinabayan ng upo sa sofa.

"Sinong nagsabi na magbabayad ka ng upa?"tanong niya habang nakadekwatro ng upo. Idinantay niya ang kanyang magkabilang braso sa sandalan ng sofa. Rumolyo ang mga mata ko.

"Hindi rin naman libre ang pagtira mo rito. May katandaan na rin kasi 'yong katiwala nitong bahay kaya kailangan na rin niya ng katulong sa paglilinis," mariing paglilinaw niya. I was about to open my mouth when he cuts me again.

"Fifteen Thousand Pesos ang magiging sahod mo kada buwan!" Namilog ang mga mata ko. Sa sobrang pagkagulantang ko ay napaupo ako sa sofa.

"Iyong bakanteng guest room dito sa ibaba ang magiging kwarto mo. Katabi iyon ng silid ni Nana Choleng."Napakurap ako. Siya siguro iyong katiwala nila na tinutukoy niya.

"Mamaya tatawagan ko ang mga tauhan ni Daddy para ipahakot ang mga gamit mo mula sa bahay ng Tita Hilda mo."

Pagkagising ko kinabukasan ay nanibago ako sa kinaroroonan kong silid.

Tinulungan ako ni Nana Choleng kagabi na ayusin ang mga gamit kong galing sa bahay nina Tita Hilda. Agad kong hininaan ang temperatura ng aircon pagkabangon ko. Pagkatapos kong maghilamos ay nagpunta na ako sa kusina.

Kumapit agad sa ilong ko ang amoy ng mga bagong lutong pagkain. May hotdog, bacon, scrambled egg, pancakes at fried rice sa hapag.

Pagkaupo ko sa silya ay nagtagpo ang mga mata namin ni Caleb. Ngayon ko lang napansin ang presensya niya. Dito pala siya natulog.

"Good Morning! Kape tayo?" Masigla niyang bati. Sabay alok sa hawak na tasa ng kape. I nod at him and flaunt my serene smile.

"Thank you," tipid kong tugon.

"Did you sleep well?" tanong pa niya. Tinanaw ko ulit siya pagkaraan ay muling tinanguan. Dinampot ko na iyong gagamitin kong kutsara at tinidor.

Nang matanaw iyon ni Caleb ay mabilis niyang kinuha ang plato ng sinangag. Nilagyan niya ng katamtamang dami ang pinggan ko. Medyo naasiwa ako sa kanyang inasta.

"Kumain ka ng madami."Inabot pa niya sa akin iyong bacon at hotdog. Walang imik kong tinanggap ang mga inalok niya.

Habang abala kami sa pagkain, isang nakabibinging tili ang umagaw sa atensyon naming dalawa.

"So it's true!" Isang maputing babae na nakasuot ng pink na Dolce and Gabbana blouse ang agad na lumapit kay Caleb. Bumagay sa kanya ang suot na itim na leggings na tinernuhan ng pumps.

Pamilyar siya sa akin; parang nakita ko na siya noon sa birthday party ni Aaron. Kinurot niya si Caleb sa kaliwang pisngi.

"Nagtanan ka nga?" Caleb rolled his eyes at her.

FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon