Chapter 5

227 10 0
                                    

Dahil ang College of Social Science ang nag-champion sa basketball sila ang ipanglalaban ng CDSI sa provincial meet.

Nakita namin agad si Caleb pagkapasok namin sa gymnasium. May kausap itong isang babae na nakasuot ng PE uniform;sobrang iksi ng short nito. Nang matanaw niya kami ay agad niyang binulungan ang katabing babae. Hinalikan siya nito sa kaliwang pisngi bago umalis.

"Iba na naman ba 'yon?" Nakangising tanong ni Aaron sa kanya.

Tanging pagtaas ng isang kilay ang naging tugon ni Caleb. Nilahad ni Aaron ang isang long folder dito.

"Salamat 'tol. Puspusan na ang training namin. Wala na tuloy akong oras para magawa 'to." Pagtutukoy niya sa folder na hawak niya.

Kung hindi ako nagkakamali si Aaron ang pinagawan niya no'ng project niya. Tinapik siya ni Aaron sa kaliwang balikat bilang tugon.

"Ipanalo n'yo ah!" Nag-fist bump pa silang dalawa.

"Si Faith nga pala," ani Aaron

Nabaling sa akin ang atensyon ni Caleb. Pinilit ko munang alisin ang nararamdaman kong inis sa kanya. Kailangan kong magpaka-civil ngayon dahil magkaibigan sila ni Aaron.

"Girlfriend mo 'tol?" deretsahang tanong ni Caleb. Isang makahulugang tingin ang iginawad sa kanya ni Aaron.

"Nililigawan pa lang."

Napangalumbaba si Caleb at marahang hinihimas ang kanyang pang-ibabang labi habang nakatanaw sa akin. One corners of his lips lifted up in a smirk.

"Mukhang seryoso na 'to ah," biro niya sa kaharap.

Agad siyang tinampal ni Aaron sa kaliwang braso at pagkaraan ay nginusuan.

"Joke lang 'yon Faith ah! Mabait 'yang si Aaron!" Natatawa niyang wika sa akin.

"Kasi ikaw maraming babae!" utas ni Aaron habang natatawa. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Kaunti pa lang naman. Nakakahiya naman dito kay Faith 'tol!" Napakamot pa si Caleb sa kanyang ulo.

Pagkaalis namin sa gymnasium ay hinatid na ako ni Aaron sa susunod kong klase. Bago siya umalis ay tinanong niya kung anong oras ang huling subject ko. Naalala ko iyong assignment ko sa AUTO CAD. Hindi kasi ako pinapagamit ni Eunice ng laptop niya kaya nagre-rent lang ako sa labas.

"May tatapusin akong assignment sa AUTO CAD. Dadaan pa akong computer shop," tugon ko. Mukhang napaisip siya nang malalim habang tinitignan ako.

"Gusto mo sa bahay na lang tayo. Para maturuan na rin kita?" he asked.

Nagdadalawang-isip ako kung papayag ako sa alok niyang iyon but I also want to save on my allowance that's why I decided to accept his invitation.

Kabado ako habang papasok sa bahay nina Aaron. Nahihiya kasi ako sa mapanuring paraan ng pagtingin nang sa tantya ko ay mayordoma sa bahay nila. Puro puti na ang buhok nito na pirming nakapusod.

Wala doon ang parents niya dahil may inasikaso raw sa kabilang bayan.

"Kukuhanin ko lang sa kwarto 'yong laptop," aniya habang nakaupo ako sa sofa.

Dala na niya ang laptop pagkabalik niya sa sala. Napag-aralan na raw kasi nila ang subject kong iyon kaya madali naming natapos 'yong plates ko sa AUTO CAD. Siya na rin ang nag-print nito.

Inaya niya akong kumain ng dinner bago umuwi. Alas otso na ng gabi kami natapos kumain. Hinatid niya ako patungo sa kanilang sasakyan. Habang naglalakad, isang umiilaw na bagay ang nakaagaw ng atensyon ko.

"Ano 'yon?" Sabay turo ko roon sa nakita kong lumilipad.

"Alitaptap!" maagap na sagot ni Aaron. Napatigil kami saglit sa aming paglalakad. Palipad-lipad ang alitaptap palayo sa kinatatayuan namin.

FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon