Chapter 12 (Final Chapter)

518 21 10
                                        

A/N : This is the last chapter! As you can see, this is just a short novel. I hope you'll enjoy the last part of Aaron, Caleb and Faith's love story :)

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nakaramdam ako ng panginginig nang magkatitigan kaming dalawa. Bumagal din ang paraan ng aking paghinga. Humarap siya sa'kin ng tuluyan. Hindi ko na mapigilan ang pagdaloy ng mga luha ko.

Hindi ako makapaniwala! Buhay si Aaron! Nandito siya ngayon at nakatayo sa harap ko! Gusto ko pa sanang mas makalapit sa kanya ngunit tila napako na ako sa aking kinatatayuan, hindi ko maihakbang ang mga paa ko.

Kitang-kita ko ang biglaang pagbaling ng atensyon ni Caleb sa taong nakapukaw sa atensyon ng halos lahat ng kanyang mga bisita.

Kumalampag ang puso ko nang marahang maglakad si Caleb patungo sa kinatatayuan ni Aaron.

Isang solido at malakas na suntok ang pinakawalan ni Aaron sa kaliwang panga ni Caleb. Nagtakbuhan at nagsigawan ang mga guest na naroroon. Nagsilapit ang mga kabarkada nila upang awatin si Aaron!

"Kaya pala umalis ka agad kagabi, nakukunsensya ka ba? Demonyo ka!" malakas na mura ni Aaron kay Caleb.

Ano ang ibig sabihin ni Aaron? Nagkita ba sila ni Caleb kagabi? Kaya ba umuwi ng lasing si Caleb pagkatapos ay may nangyari sa amin?

Hindi kumikibo si Caleb sa bawat patutsada ni Aaron. Pirming nakatitig lang siya sa nanlilisik na mga mata ng kaharap.

Isa pang upper-cut pa ang iginawad ni Aaron sa kanya. Napasigaw si Tita Candy dahil sa nangyari.

"Awatin n'yo 'yong dalawa!" pagmamakaawa niya sa mga tauhan ng kanyang asawa.

Hindi na maampat ang pagdurugo ng namamagang labi ni Caleb. Namumula na rin ang kanyang kaliwang pisngi. Pilit na hinawakan ng mga tauhan ni Mayor ang mga braso ni Aaron para mapigilan na itong makasugod muli kay Caleb.

"Traydor ka! Wala kang kwentang kaibigan!" hiyaw na naman ni Aaron sa kanya.

Walang patid sa paglandas ang mga luha sa aking mga mata. Parang sasabog na ang utak ko sa pagkatuliro sa mga nangyayari. Dagling lumingon si Aaron sa kinatatayuan ko.

Kumawala siya sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya ng mga tauhan ni Mayor. Pinagsalikop niya ang mga palad naming dalawa at iginiya ako patungo sa direksyon ng gate.

"Faith!" Nanghina ako sa ginawang pagtawag ni Caleb sa akin. Ngunit hindi ko siya nilingon.

"Huwag kang umalis! Huwag mo akong iwan!" pagmamakaawa pa niya; paos na ang kanyang boses. Humarang sa daraanan niya ang mga tauhan ng kanyang daddy kaya hindi na niya ako nagawang lapitan.

Walang imik si Aaron habang naglalakad kami palabas. Nang mapabaling ako sa kanya ay ang madilim niyang mukha ang nasilayan ko.

Napakaraming kong gustong itanong sa kanya ngunit tila napipi na ako hanggang sa makasakay kami sa loob ng kanyang sasakyan.

Maagap niyang ni-lock ang pinto pagkaupo ko sa front seat. Nag-umpisa na naman sa pagpatak ang mga luha ko habang binabagtas namin ang daan patungo sa hasyenda nila. I was completely speechless and shocked.

Pagkahinto ng kanyang sasakyan sa tapat ng kanilang bahay ay nilingon niya ako. Doon ko mas natitigan ang kanyang mukha. Kapansin-pansin ang naging pagpayat niya. Gayunpaman sadyang nakakapagpabago sa bilis ng tibok ng puso ko ang matangos niyang ilong, manipis na labi at nangungusap na mga mata.

Nang magtama ang aming mga paningin doon na tuluyang nadurog ang puso ko. May mga butil ng luha na umusbong sa kanyang mga mata. Ramdam ko ang pagdurusang nakapaloob doon.

FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon