Chapter 6

269 15 16
                                    

Caleb creases his forehead as he stares intently at Aaron. Tantya ko ay pulang-pula na ang magkabila kong pisngi dahil sa topic ng usapan ng dalawang kasama ko.

"Saglit lang, magbibihis na ako!" Mukhang napilitan na lang si Aaron na sumama sa game nila. Nakatabi ako ng upo ngayon kay Caleb sa sofa habang hinihintay namin na makabalik si Aaron.

Tahimik ang atmosphere sa pagitan naming dalawa. Dahan-dahan kong ibinaling ang tingin sa kanya. Saktong nakatanaw rin siya ngayon sa akin. May kakaibang pakiramdam ang biglang sumalakay sa pagkatao ko habang magkatitigan kami ni Caleb.

If Aaron's presence is calming, Caleb's company is the opposite. His aura is dark and haunting. His fierce look makes my heart beats rapidly; as if there is a turbulence coming. Maagap akong nagbaba ng tingin dahil pakiramdam ko ay ikalulunod ko ang nakakapaso niyang mga titig.

Mabuti na lamang at mabilis na nakabalik si Aaron sa sala. "May dala kang sasakyan?" tanong niya sa kaibigan.

"Oo," awtomatiko nitong tugon.

"Mabuti kung gano'n. Wala kasi 'yong driver namin. Hinatid si mama sa rice mill," ani Aaron sa kanya.

"Wala rin naman akong driver," mayabang na utas ni Caleb habang kinukuha ang isang susi na nakalapag sa ibabaw ng center table. Mabilis siyang tumayo pagkakuha roon.

Nagsalubong ang magkabilang kilay ni Aaron. Tinignan niya nang masama ang kausap.

"You're driving?" gulat na tanong niya rito. Caleb bestows a smirk.

"Sa isang buwan ay eighteen na ako," maangas nitong sabi habang pinaglalaruan ang hawak na susi sa kanyang kamay. Aaron shots an eyebrow.

"Wala ka pang lisensya!" giit nito. Humalikipkip si Caleb habang prenteng nakatanaw kay Aaron.

"Tatay ko si Rodolfo Romulo na siyang mayor ng San Ignacio! Sino kayang traffic enforcer ang maglalakas loob na humuli sa akin?" Caleb's gaze fixated on Aaron. Napailing-iling na lamang si Aaron sa kanya.

Nagdadalawang isip akong sumakay sa Ford Ranger ni Caleb. Bukod kasi sa wala itong lisensya ay hindi ako tiwala na maayos itong magmaneho. Mukhang kaskero ang mayabang na ito!

Hindi nga ako nagkamali. Napakabilis magpaharurot ni Caleb ng sasakyan. Natatawa na lamang sa ginagawa niya si Aaron na katabi niya ngayon sa front seat. Samantalang ako ay napapasapo na sa aking dibdib at ilang beses ng napa-sign of the cross habang narito sa passenger seat. Gusto ko nang sigawan si Caleb na bagalan lang ang pagpapatakbo kung hindi lang talaga ako nahihiya sa boyfriend ko.

Mabuti na lamang at narating na namin ang aming destinasyon. Ang basketball court na katabi ng plaza ang pinuntahan namin. Sa tingin ko iyong mga lalaking nakasuot ng basketball jersey na nakaupo ngayon sa magkabilang gilid ng court ang makakasama nila sa game. May iilang audience rin ang naroon ngayon sa mga bleachers. Mukhang estudyante pa nga ng CDSI ang ilan sa kanila.

Magkakampi sina Aaron at Caleb sa labang iyon. Ayon kay Aaron mga taga kabilang bayan ang makakalaban nila sa special game na ito. Katuwaan lang naman daw iyon dahil may isa silang kabarkada na may kakilala sa kabilang team.

Nakailang shoot ng bola si Aaron sa kalagitnaan ng laro. Kaya naman tuwang-tuwa akong nagchi-cheer sa kanya. Dito ako pumuwesto sa pinakaibabang bleacher malapit sa court.

Hindi ko alam kung overthinker lang ba ako o ano. Pansin ko kasi na sa tuwing isinisigaw ko ang pangalan ni Aaron ay ang galit na ekspresyon ni Caleb ang agad na sumasalubong sa akin.

Ano kaya ang problema ng isang 'yon? Galit ba siya sa akin dahil sa tingin niya ay inaagaw ko ang best friend niya? Mukha kasing kanina pa siya bad trip sa presensya ko!

FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon