1 : Facebook

24 1 2
                                    

~Kia

May mga tao talaga sa mundo na nabubuhay lang para mabuhay hindi para maging masaya. Hindi ko sinabing hindi ako masaya pero mas masaya kaya kung may jowa ka kasi lalambingin ka,bibilhan ng chocolates and at the same time sasaktan ka rin.

Oh diba ang kakapal ng mukha. Yung feeling na sila na nga yung papasok at gugulo sa buhay mo sila pa yung magpapacold para iwan mo at kapag may babae na sinasabing sila ang iniwan. Ganun naman diba? Without knowing 99.9 percent of germs charot lang 75% of the population ng lalaki manloloko. Ano bash nyo ako kasi hindi lahat? Kaya nga 75% e nakakalerke naman kayo.

"Kia bumaba kana para kumain" tawag sa akin ni Chevrolet (Shevroley) .Alam kong familiar yung mga pangalan namin at oo tama kayo. Mga kotse ang pangalan namin. Sosyal na kotse wala naman kaming kotse MWHAHAHAHA

Inayos ko ang kwarto ko at nagsuklay. Napatingin ako sa sarili ko sa salamin. Ako si Kia Fuentes Vergara. Hindi kagandahan pero crush ng bayan HAHAHAHAH okay akala niyo e puro lalaki lang ang mahangin. Hindi no! Baka mas mahangin pa ako sa bagyo e.

Bumaba ako at nagtungo sa lamesa.

"Morning ma,morning pa,morning kuya" bati ko sa kanila.

"Good morning" sabay nilang bati sa akin. Hindi kami mayaman sakto lang na makapag aral kami. Tatlo kaming magkakapatid pero namatay yung kuya kong si Deluxe dahil sa airplane crash patungong abroad kasi doon sana siya babalik sa trabaho niya. Sobrang nahirapan kami nun kasi guro lang ang ama namin. Alam niyo naman ang guro maliit lang ang sahod. Si mama naman mananahi lang pero kahit ganun pinalaki nila kaming mapagmahal sa kapwa,may respeto sa sarili,at matapang.

Masaya kaming kumain ng umagahan. Ako ang naghugas kasi pupunta pa sa trabaho si papa.

"Love,kuya,bunso aalis na ako wala ba kayong ipapabili pag uwi ko?"
M
"Love magpapabili sana ako ng tela dun sa kay aling Marta. Papalitan ko lang ang kurtina natin"

"Masusunod love e ikaw Erol wala kabang ipapabili?"

"Kahit chics lang sa tabi tay"

Nahampas naman agad siya ni mama.

"Puro ka kalokohan bata ka. Isang sem nalang magtatapos kana kaya tumino ka para mag retiro na ang papa mo sa trabaho"

"Kayo talaga e kahit mag ka trabaho na yan si Erol love syempre kailangan kong magtrabaho para patapusin itong si Kia."

Napangiti ako. Simpleng buhay lang ang meron kami pero sobrang saya. Mas masaya siguro pag nandito pa si Kuya Elux.

"Kia? Ayos ka lang ba?" Napatingin ako kay mama .

"Ha? Oo naman ma bakit?"

"Kanina kapa tinatanong ng papa mo kung may ipapabili ka pag uwi niya"

"May problema ba anak?"

"Wala po ma pa. Naalala ko lang si kuya.. Siguro kung nandito siya mas masaya tayo." Malungkot kong pahayag

Sabay silang lumapit at niyakap ako

"Kahit hindi natin nakikita si Elux alam kong ginagabayan niya tayo anak" nakangiting pahayag ni mama

"Hoy ang drama mo Kia aga aga e. Malelate na si papa oh" pag epal ni erol. Kahit kailan talaga psh

"Mauuna na ako love, Kia wala kabang ipapabili?"

"Wala po pa mag ingat po kayo" at hinalikan ko siya sa pisnge .

"Sige aalis na ako bye love" sabay nakaw ng halik ni papa sa labi ni mama.

If only I could marry someone like dad. Natigil ang pag iimagine ko ng pingutin ni Erol ang ilong ko.

"Hoy tumigil ka nga kaka imagine e hindi ka pa nga tapos mag hugas ng pinggan e."
Lumapit ako sa kanya at kinurot ko siya.

Pag nag imagine ako lagi kang epal. Epal ka talagang asungot ka e.

"Tumigil na kayo hindi na kayo bata. Erol ga graduate kana puro ka parin asar. Tigil tigilan mo nga yang kalokohan mo kaya ka iniiwan kasi hindi ka mature" napatawa ako. Hmp!

"Mama naman e sadyang iniwan lang ako kasi mas may deserving sa pagmamahal ko" sabay kamot niya ng ulo.

Hindi ko na sila pinakinggan at naghugas na ako ng piggan.

Nang matapos ako pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ang cellphone ko. Medyo matagal tagal na ring hindi ako naka pag online kasi busy ako sa school. Nursing student kasi ako.

Nung nagbukas ako ng facebook may mga pambungad na memes,mga post,mga pictures kaya scroll ako ng scroll. May nag friend request sakin. Lamboo Deloso. Aba'y iba den.

Syempre hindi ko pa kilala e kaya wala munang accept. Napagod ako kaka scroll ng may mag message request sa akin. Si Lamboo Deloso na naman ano bang kailangan nito sa akin.

Lamboo Deloso added you in messenger
Lamboo Deloso: Hi
Delete•Accept

Syempre tahimik e kaya accept hehe marupok ako pero with brain naman.

Kia: Hello

Lamboo: Tigasan ka?

Kia: Gago potang enang bastos ang pota. So tingin mo bakla ako? Gago ka babae ako pre baka gusto mong tadyakan kitang ulol ka

Lamboo: Ha? I mean Taga saan

Napahiya ako punyeta

Kia: Taga Ford Street Baranggay Sasakyan.

Lamboo: Ah kaya pala Kia kasi taga baranggay sasakyan kayo hehe bagay tayo .

Kia: Hoy! Nang iinsulto kaba?!

Lamboo: Hindi Lamborghini kasi ang meaning ng pangalan ko. Kia ka bagay tayo *wenk*wenk*

Susko maryosepp. Grabe naman to. Parang binabawi ko na ang sinabi kong gusto kong magka jowa lord. Promise.

Kia: Hindi tayo bagay. Alam mo bakit?

Lamboo: Bakit?

Kia: Kasi tao ako animal kang pestemg yawa ka isa pang banat babalatan kita!

Lamboo: Ang highblood mo teka meron kaba

Mygoshhhhhhhhh. Bat ba ang dorect niya. Hindi ko siya nakikita pero namumula ang mukha ko sa sinabi niya

Kia: Bastoss! Punyemas kang ulol ka.

Lamboo: I love you too baby HAHAHAHAHAHAHAHAH

Ah i love you too pala ah.

Block kita tingnan natin MWHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHS at ayun nga blinock ko siya.

J o k e

Kia: Tigilan mo ako hindi nakakatuwa e.

Lamboo: Maganda ka sana e. Kaso mukha kang manang laging galit HAHAHAHAH

Wao sarap mang asarm tawang tawa ba pre.

Kia: Pakyu betchhh

Lamboo: Mag a out muna ako babalik ako mamaya. And opps don't forget to accept me ;)

Kia: Mama mo accept mo!

Lamboo Deloso
Active 2 minutes ago

Hindi ko alam pero natatawa ako. Hindi pa nga kami nagpapakilala magaan na yung loob ko sa kanya.
~~~~~~~~~~~~~~

Author's note:
Hello mga readers so ayun.
Leave a comment and vote every chapter. Mahal ko kayo mga wheelers 💛
Update will be publish pag maraming comment sisipagin ako mwah 💚

Our Perfect Lovestory Gones Wrong (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon