~Kia
Gumising akong namamaga ang mga mata. Lechugas na Lamboo. Isang linggo na ang lumipas simula ng pumunta siya sa condo. Neknek niya! Ngayon nasa bahay na ako dahil for rent na ang condong iyon. Isaksak niya ang condo niya sa baga niya leche siya!
Mahal mo naman
Oo mahal ko pero pano naman ako? Ganon ? Tatanggapin nalang yon?
Ngayong 1 pm ang flight ko. Umuwi nadin si Kuya Erol galing U.K. dahil siya na ang mag aalaga kay mama simula ngayon. Kikita naman ako ng hundred thousand kaya okay lang.
Pero babalik din siya ng U.K. after 2 months kasi kailangan siya ng agency nila. So mag ha hire nalang kami ng dalawang katulong siguro.
So much for that tumayo ako at tumingin sa kwarto ko. I'll miss my room.
"Kia! Bumaba kana daw at mag almusal. 9 na ng umaga babiyahe pa tayo papuntang NAIA." sigaw ni Kuya Erol galing sa labas.
"Sige magliligpit lang ako." sagot ko naman.
Naghilamos ako at niligpit ang kwarto at napatingin sa box.
Naalala ko nandito pala yung mga pictures namin ng pesteng yawa na iyon.
Paki ko sa kanya. Inikot ko nalang ang mga mata ko at bumaba.
"Anak sigurado kana ba talaga sa desisyon mo? Paano naman si----"
"Ma,we separate our ways already. Pag pumunta siya dito,wag niyo na siyang e welcome kasi nakakapeste sa buhay yon" sagot ko ng may hinanakit.
Hindi nalang umimik si Kuya at si Mama kaya kumain kaming tahimik.
Natapos kaming mag almusal at bumalik ako sa kwarto para maligo at magbihis.
*ring ring ring
Dr.Jonas Calling.....
Sinagot ko naman agad iyon.
"Hello doc good morning" I greeted him.
"You ready? Don't forget to bring the contract and the important documents." Paalala niya.
Hindi siya fluent mag english kaya naiintindihan ko. Sabi doon mag aaral ako ng French language for 1 month at papasok na sa hospital.
Wala namang problema dahil ang anak ni Mr. Jonas ang magtuturo sakin. Sabi niya,fluent daw ito sa english,tagalog,at french dahil half american at half pinay ang asawa niya na lumisan na.
"Yes doc. Noted." sagot ko at may pinag usapan kami saglit at pinatay na ang tawag.
Nagsuot ako ng ripped jeans na navy blue at tinernohan ko ng crop top na black at nag jacket ng denim at nag sapatos ng fila na kulay black. Not bad .
Kinuha ko ang dalawang maleta at isang shoulder bag at sling bag na lalagyan ng mga document. I'm ready.
Tinulungan naman ako ni kuya na magbuhat nung gamit at nilagay sa likod ng sasakyan.
Si kuya ang nasa driver's seat at kami naman ni mama sa back seat.
"Anak mag ingat ka doon ha. Nako anak maraming kano doon pwede kaa----"
"Ma naman! Ayoko sa Kano"
"Aba'y ayaw mo nun magandang lahi at ma sa satisf-"
"Fine. Fine. "
Nag kwentuhan lang kami hanggang sa narating namin ang NAIA at nag hihintay sa waiting area si Sir Jonas.
Lumapit kami sa kanya at nagbeso sila. Nag usap sila kaya umupo nalang ako at sinaksak ang headset sa tenga.
Pasado 11 pa naman at 1 yung flight kaya maaga pa.
Nakatingin lang ako sa paa ko.
Tumingin ako sa relo at 11:30 na pala.
Para bang may nakamasid sa bandang gilid ko. Tiningnan ko ito at nakita ko si Lamboo.
Kahit may galit ako sa kanya,hindi ko inexpect na pupuntahan niya ako dito. Hindi ko alam anong nagtulak sakin pero tumakbo ako at niyakap siya.
"Where h-have y-y-o-u b-e-en" while sobbing sa dibdib niya. Niyakap niya ako ng mahigpit. Alam kong pinagtitinginan kami ng mga tao pero wala akong pakialam.
Ang importante ay aalis ako at masagot lahat ng katanungan ko ng may magsalita na kinabibilis ng tibok ng puso ko.
"Kia,pl-pleaseeee stay beside me. I need you and please gave me another chance. Aayusin natin to diba? "
"N-no Lamboo,I don't know what to do anymore" sabay iyak ko.
"Please you have an hour to choose. Me or your dreams Kia." Sabi niya sabay luhod na nagmamakaawa. I know that all eyes are on us.
I turn my back at him and walk through the plane. Nakasunod sa akin si Sir Jonas at pagkapasok ko sa eroplano,doon na ako humagulgol ng iyak.
Sobrang sakit. Tatlong taon.
Tatlong taong pinagsamahan pero hindi man lang niya maintindihan. Eh ano yung ginawa niya? Palalampasin ko lang.?
Umiyak ako at inalala yung mga ala ala naming dalawa hanggang sa makatulog.
Masakit yung ginawa niya pero andito yung guilty na ginawa ko sa kanya.
Til we met again Lamboo Deloso .......
BINABASA MO ANG
Our Perfect Lovestory Gones Wrong (On Going)
Teen FictionSimula ng ma broken hearted si Lamboo Deloso,lagi niyang kinukulit ni Kia Vergara ang babaeng hindi niya inaakalang mag bubuo ulit sa nawasak na puso niya. Halos perpekto ang relasyon ni Kia at Lamboo. Masaya at simple kahit ang yaman ng binata. Ng...