Chapter 33: F4?!?

1K 16 2
                                    

<edited>

CHAPTER 33

Pagkagising ko, halos wala ng tao sa paligid.Si Akira at Ayumi nasa tabi ko pa rin.Nakabantay.

Baka mga nasa cafeteria lahat.Lunch na eh.Hindi naman kasi sikat ang Library.Anong ipupunta ng mga estudyante dito?Aaksayahin nila yung 30 min. break na dapat eh kumakain na lang sila ng kanin?No way no.

"Pupunta ako sa Green House.Pwede na kayong umalis.Gusto ko mapagisa."Sabi ko dun sa dalawa ng hindi man lang tumitingin sa kanila.

Maya maya pa ay nag hiwalay na kami ng landas.

Hindi ko alam kung saan sila pupunta kasi hindi ko naman gawain na tanungin sila maski dati pa.Eto kasi yun eh.Yung totoong ako.Hindi ako yung babaeng, namumula dahil lang nasabihan ng mga bagay na maganda, Hindi ako yung babaeng ngumingiti sa mga taong hindi talaga ako kilala, Hindi din ako yung tipong Nagdadala ng mga kaibigan.No.

I'm ruthless.I'm alone.I'm Dangerous and I'm happy that way.Kasi walang nadadamay na iba.

Tsk.Who am I kidding? I don't really give a fuck about the others.The real reason why I stayed alof is because I hate the mentality na kapag nag bigay ka, ay dapat may kapalit.Lahat ng tao ganyan.Nag aantay ng kapalit.Maybe not now, pero balang araw hihingi sila at pag dumating ang araw na yon at hindi ka handa, Iiwan ka na lang nila sa ere.

Lumaki ako na kapag may kailangan ako, Kailangan pag hirapan ko.It may not sound real pero totoo yon.Hindi nga lang sa mga materyal na bagay.Kasi kahit anong hingin ko noon, nabibigay.Pero hindi yung kailangan ko.

Yung suporta, Pagmamahal, Presensya at tulong ng mga tao sa paligid ko.Wala ako non.Akala mo may pake sila sayo?WALA.May natatanggap lang sila.Napapakinabangan ka nila kaya ka nila pinagtitiisan.Yan ang totoo.Kasi, harapin na natin ang katotohanan.Kung kailan, kailangan mo ng Tao sa paligid mo, Tsaka naman sila wala.Kasi walang silang pakielam.Nandyan ka pag kailangan ka nila pero kapag ikaw na ang may kailangan,BOOM walang tao --

"Hoy.Ano nanaman ang iniisip mo?"

Napatalon ako sa gulat.

Huh?

"Anong ginagawa mo dito?"Nagtataka kong tanong.

Nginitan nya lang ako.

"Nakita kasi kita.Tapos mukhang malalim iniisip mo.Ano ba yan?wag mo ko masyadong isipin.Baka magkasakit ako."Sabi nya sakin.

How?How can so much hapiness exist on one person but there is none left for the others?

Pinitik nya ulit yung noo ko gaya ng kanina at sinimangutan ko sya.

"ano ba?!"sagot ko habang nakatakip yung mga kamay ko sa noo ko.

"Ayan ka nanaman eh.Ano ba iniisip mo?"Tanong nya.

"Wala ka na don asungot!Ano bang problema mo?!Dun ka na nga!shoo!leche.Panira ng moment!"Sigaw ko sa kanya."hindi ko kailangan ng langaw sa buhay ko ngayon!Dun ka na sa tropa mong feeling f4--"

Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla nyang ipatong yung kamay nya sa ulo ko.Tinitigan nya rin ako sa mata at nakita kong seryoso sya. More than that, Nagulat ako sa biglaan nyang tanong."Ba't ka malungkot?"

Malumanay at halatang halata na Nagaalala sya para sakin.Pero bakit?Para saan?bakit ako?

hindi.Imposible.Baka nagkamali lang ako.Sigurado akong pinagt-tripan lang ako ng mokong na to.Wala at kahit kailan, Walang taong magaalala para sa kapakanan ko.Mamaya tatawa nanaman sya katulad ng ginawa nya noong unang beses na niyaya nya ko sa lahat ng kagaguhang to.

Her big SECRET (Major Editing + New Inserted Chapters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon