Bumalik ako sa kwarto namin ng nakakunot ang noo.
"Tatanda ka nyan ng maaga."Nang aasar na sabi ni Asungot pag kakita nya sakin.
"Tatanda naman talaga ako kahit anong gawin ko."Pabalang na sagot ko sa kanya.
Tinitigan nya ako ng matagal na para bang sinusuri ako.
"Makikipag palit na lang ako kay Jomaica."Sabi nya habang papunta sa cabinet kung nasaan nakalatag na yung mga gamit nya.
Nawala ang pagkakunot ng noo ko dahil sa nakonsensya ako.
"Sagot daw ng lilipat lahat ng gastusin sa trip na to."Sabi ko.
Tinapunan nya ako ng isang ngiti.
"Ayos lang.It's a small thing to compare with you being uncomfortable all through out this trip. Ayaw ko naman yon. We don't always get to unwind and relax so you better enjoy this."
Natahimik ako saglit dahil wala na akong masabi.Nagulat ako kasi gusto nya na bigla lumipat. Nangongonsensya ba to?? Kasi kung oo...gumagana. Well,Kasalanan ko naman talaga pero...Dati naman kahit anong tulak gawin ko sa kanya hindi sya lumalayo eh.
May parte sa akin na ayaw syang paalisin pero may parte na ayaw syang kasama.Hindi kasi tama eh.
Parang kusang gumilos yung mga kamay ko at hinawakan sya sa braso.Napatingin sya sa akin.
"Wag ka na lumipat.Makokonsensya lang ako at please lang wag mo sabihing may konsensya pala ako dahil igagatong kita sa bonfire kapag ginawa mo yon.Ganito na lang.Sa sahig ka,Ako sa kama."Sabi ko.
Tinitigan nya ulit ako katulad ng titig nya sa akin kanina.
"Ok."Simple nyang sagot.Nagkatitigan lang kaming dalawa.hanggang sa--
"*eh-ehem!*"
Mabilis na tinignan ko kung sino yung tumikhim at nakita ko sila Jomaica na nakangisi.
"what?" Tanong ko.
"uhm.."Napatingin naman ako kay Asungot at may tinititigan din sya.Particularly,Yung braso nya.Napatingin ako at mabilis na tinanggal ko yung pagkakahawak ko sa kanya.
"Sa kabila na lang ako magpapalit."Mabilis na bawi ko.Kumaripas ako ng takbo papunta sa Cr sa labas.
"Oh, Alysa! Mag papalit ka?"Nakangiting sabi ni Ayumi.
"Ah..Oo."
"Tara sabay sabay na tayo.Dito na lang sa kwarto namin ni Akira.Wala naman sya eh.Dun din magpapalit si ayumi eh." Wika ni jomaica. Hindi na ako nakahindi kasi tinangay nya na ako bago pa ako nakasagot. May mga cr naman -_- bat kailangan magkakasama pa magbihis.
Pagkasara na pagkasara ng pintuan ay nagtanggal ng mga damit ang mga impaktita. Aba yabangan pala ang laban dito? Hindi naman ako informed! Bumuntong hininga na lang ako at tumalikod para magbihis. Isusuot ko na sana yung dala kong swimsuit ng makapa kong wala na yon sa kama.
"What the fuck? Nasan na yung damit ko?" Tanong ko sa kawalan.
"Eto ba?" Tanong nila jomaica. Napalingon ako at nakita kong nakatapat yon sa basurahan.
"HOY ANONG GAGAWIN NYO?!" Kinakaban kong tanong.
"Hindi ba basura to?" Tanong ni jomaica. Tumango tango naman si ayumi kaya't lalo akong kinabahan.
"IBALIK NYO YAN KUNG HINDI SINASABI KO SA INYO KILALA KO LAHAT NG PATING DITO IPAPALAPA KO KAYO DON!"sigaw ko.
"MEH."Sabay nilang sabi at tinapon na nga sa basurahan. NOOOOOOO!!! Eeewww!!
BINABASA MO ANG
Her big SECRET (Major Editing + New Inserted Chapters)
Teen FictionMs. D is a well-known Gangster in the whole world. Sino nga ba sya? sya lang naman ang leader ng nag iisang BLOODYMARY group ng mga gangster na sakop na halos ang buong mundo(gangster world). Kaso bigla syang nawala, san sya napunta? At anong kinala...