"oh, bakit malungkot ang bestfriend ko?" narinig kong sabi ng lalaking pinakamamahal ko. Oo, masakit, pero minsan... kailangan mo ring makuntento sa buhay mo.
"hahaha, hindi naman 'no. Namiss lang talaga kita." hindi nya parin alam na mahal ko siya. Pero sa ganitong paraan ko nalang ilalabas, atleast napaparamdam ko sa kanya kung anong nasa loob ko.
"Ayun eh. Namiss din kita. Haha, tagal din kasi nating hindi nagkita eh. Kamusta ka Sabko?" sabi nya sabay akbay sakin. Hindi na ko nasanay. Ewan ko ba kung bakit hindi pa ko nasanay.. eh AKBAY KAIBIGAN LANG NAMAN TO. Sab nya? Tawag nya sakin. Pero alam ko namang hanggang tawag lang yun.
WALANG MALISYA, WALANG IBIG SABIHIN, WALANG PUSO.
Until isang araw, isang maling galaw ang nagawa ko, at pakiramdam ko, magbabago na lahat.
Napagtapat ko sa kanya ng hindi ako handa, nasabi ko sa kanya, INDIRECT MAN O DIRECT, UMAMIN AKO. Hindi ko na alam ang gagawin ko non, dahil pupunta siya dito. Di ko alam kung anong isasagot ko kapag tinanong nya ko.
AM I READY TO FACE HIM, WITH MY FEELINGS?
IS HE READY TO ACCEPT ME, WITH A HAPPY ENDING?
ARE WE TWO THE ONE WHO ARE MEANT TO BE?
HOW WILL OUR FRIENDSHIP COME, AFTER THIS?
-

BINABASA MO ANG
Wrong Send --Prologue to Epilogue (Completed)
Teen Fiction"Ang mga sikretong pilit mong itatago, pilit ding mailalabas." Paano kung isang araw, sa isang di inaasahang araw, nasabi mo na ang nararamdaman mo. Maling pagkakataon, maling pindot, maling timing! Ano ng mangyayare?