CHAPTER 2- KAMI NA NGA BA?
[Jules' POV]
8PM. (Friday)
"Goodmorning po Tito Rick, I'm Jules Gerald C. Polintan, Sab's Boyfriend. Nice to meet you po!" tapos sabayan ko ng wide smile? Hmm, parang bading naman. tsk,
"Hi tito. Jules po, at your service!" Para naman akong assistant o P.A or body guard. Paano ba kasi dapat?
"Tito Rick, ako nga po pala si Jules. Ang nagpapakilig sa anak nyo." Pag ganito naman ang angas, baka lalo akong hindi kausapin nun pag ganito yung sinabi ko.
Sa sunday na yung dating ni Tito Rick (Dad ni Sab) pero hindi ko parin alam yung sasabihin ko sa kanya. Pupurihin ko ba? Iwewelcome back? Magpapakilala? Syempre, kung maganda ang first impression nya saken, may boto naman siguro akong makukuha dahil dun.
Bahala na nga, siguro naman bukas, makakaisip na ko kung paanong gimmick ang gagawin ko.. para maiba ako sa ibang lalaki.
Dahil sa boring ang araw na to, naisipan ko munang buksan yung TV. Princess&I?
"Uyyyyy, Si DanielMyLovess. Ihhhhhhhhh!" Nagulat naman ako nung biglang sumigaw si Ate nun. Muntik ko ng malaglag yung remote eh. Hindi naman kasi kumakatok.
"Hindi sanay kumatok eh. Ate, ano ka ba? Para kang maiihi dyan sa sobrang kilig eh. Ano bang meron kay DanielBading?" panunukso ko kay Ate. Hindi ko kilala yang Daniel na yan, pero alam kong maiinis siya pag sinabi kong bading yun.
"Eh ang pogi kaya. Hindi yun bading no! Tadyakan kita dyan eh?" sabi ko sa inyo maiinis eh, diba tama ako? Asar talo talaga, kaya lagi ako panalo saming dalawa eh. Wee. ^_^
"Oo na, maiyak ka pa. Huhuhu :'(" pangbibito ko naman sa kanya, at dahil sa sobrang pagiging sensitive nya, ang sinabi nya nalang. "Eh. O.A. mo. Dyan ka na nga." sabay kuha ng remote at pinatay yung TV.
Dahil sa sobrang boring, wala na kong maisip gawin kaya tatawagan ko nalang muna siguro si SabKo. Hindi ko na siya hinanap sa Phonebook ko kasi unang una siya. Sa speed dial naman, siya number 2. Tinatanong nyo kung bakit hindi 1? Kasi pang voicemail yun, ewan ko ah? Pero ganun sa cp ko eh, hahaha!
.
*The number you've dialled is unattended. Please try again later* sabi ni Sab... este nung cellphone ko.
*The number you've dialled is unattended. Please try again later*
*The number you've dialled is unattended. Please try again later*
Ano naman kayang ginagawa nun at hindi ako sinasagot? Masyadong busy.. sa ibang lalake? tsk, konyatan ko sila eh. Magkaalaman na!
![](https://img.wattpad.com/cover/1856011-288-k690805.jpg)
BINABASA MO ANG
Wrong Send --Prologue to Epilogue (Completed)
Fiksi Remaja"Ang mga sikretong pilit mong itatago, pilit ding mailalabas." Paano kung isang araw, sa isang di inaasahang araw, nasabi mo na ang nararamdaman mo. Maling pagkakataon, maling pindot, maling timing! Ano ng mangyayare?